Chapter 20

87 8 0
                                    

Chapter 20

Hyderson POV

Agad akong nagtungo sa kotse ko. I think I made the right choice na lumayo muna kay Maureen. Ayukong mawala sakin si Trisha. Alam ko naman na ayaw niya sa girlfriend ko kaya mas maganda kung lumayo muna ako sa kanya. Ayukong dadating ang araw na mag-sabunutan silang dalawa sa harap ko. Naging parte din ng buhay ko si Maureen, at ayuko ng gulo.

Nang makarating ako sa kotse ko, bubuksan ko sana ang pinto nang may biglang nagsasalita sa likuran ko.

"Kuys, pwebe bang samahan mo muna ako?" Nilingon ko ito at nakita ko si Iverson na halos gumiwang-giwang na ang tuwid nito. Hindi na niya rin maimulat ng maayos ang mata niya at kung yuyuko naman siya at babagsak pati utak niya

"Anong nangyari sayo?"

"I don't know. I think... I need a beer." Sabi niya sakin. Kumunot ang noo ko. Niyaya na naman ba siyang mag-inom?

"Tsk! Yayain mo si Sharkon do'n, tutal, magandang kasama 'yun." Sabi ko na parang walang paki-alam sa nangyari sa kanya. Binuksan ko ang pinto ng kotse at aakmang papasok sana nang niyakap niya ako sa likod.

"No. I want you to come with me." Aniya. Mabilis lumaki ang mata ko nang gawin niya 'yun. Kaya naman agad kong hinawi ang mga kamay niya.

"Iver, ano ba! May lakad ako!" Sabi ko sabay harap sa kanya. Tumitingin agad ako sa paligid namin kung may nakakita ba.

Doon ko agad nasinghut ang nangangamoy alak sa kanya. Pumasok ba siya nang nakainom? Bwesit talaga 'yang Sharkon na 'yan. Alam kong pasimuno niya na naman ito, eh. At ito namang kapatid ko, parating nangangakong hindi na iinom pero parang isang taong sinuntok lang ng isang beses, lasing na kaagad.

"What? Date na naman? Tsk! Kahit ngayon lang, spend time with me."

Agad ko siyang nilalayan nang bigla siyang nawalan ng balanse. Malakas ko siyang isinandal sa kotse dahil sa inis. Tumingin ako sa relo ko at kinabahang malalagpas sa oras dahil baka naghihintay na sakin ang girlfriend ko.

"Iverson, ano ba! Ano bang nangyari sayo?!" inis kong tanong.

"Beer nga!"

"Uminom ka do'n mag-isa! May lakad ako!"

Hinila ko siya sa pagkakasandal ng kotse at aakmang papasok sana nang bigla siyang may sinumbat sakin, dahilan upang maubos ang pasensya ko.

"Ganyan ka naman parati, eh! Palagi mong idadahilan na may lakad ka kapag nangangailangan ako sayo! Pero kapag si Clark, wala pang segundo, pumayag ka na!" Biglang reklamo niya sakin dahilan upang matigilan ako. Ayukong nang ganitong klasing usapan. Mukhang lasing na talaga 'to dahil pati nakaraan, binabanggit na niya. "May gusto ka kay Clark, 'no?"

Agad ko siyang nilingon. "Iver, what the heck!" sigaw ko at masama siyang tiningnan.

"Samahan mo muna kasi ako! Segi na, Kuys! Saglit lang." ngumiti siya sakin.

"Tsk! Saan ba 'yan?" Ayuko nang pahabain pa 'to, baka dito lang maubos ang oras ko sa kanya.

"Do'n." Turo sa likod niya ngunit nakaturo naman ang nguso niya sa harap ko, kaya hindi ko alam kung saan ba talaga. "Sa may bar."

"Marami tayong alak sa bahay, bakit hindi ka doon uminom?" Sumbat ko. Kung iinom lang siya kasama ko, bakit hindi na lang sa bahay? Masosolo niya pa do'n, mag-isa. Ewan ko ba sa lalaking 'to.

"Nandoon si Mama, pipigain niya na naman ang tenga ko 'pag nakita niya akong uminom."

"'Wag kang mag-alala, ako ang magsasabi kay Mama." Sabi ko kahit alam kong imposible na papayagan ako.

Ang Maldita Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now