Chapter 5

159 11 5
                                    

Chapter 5

Clarkson POV

"Okay ka Lang?" Pag-alalang tanong ko kay Melanie. Limang minuto kaming tahimik dalawa kaya humugot ako ng lakas para mag-tanong. Kasi kapag hindi ako mag-salita, aabot kami ng siyam-siyam dito.

Nanatili siyang naka-yuko habang naka-upo at pinag-lalaruan ang daliri matapos ko siyang pinaupo sa may bench sa likod ng school.

"Okay lang ako. Pero... sana hindi mo na lang ginawa 'yun." Malumanay niyang sabi habang naka-yuko.

Kanina pa niya ako hindi nilingon kaya kahit gusto kong maka-salubong ang tingin niya ay hinayaan ko na lang. Ayuko namang mag-isip siya ng kung ano-ano. She's already my ex. Baka nag-isip siya na dumadamoves na naman ako. No!

"I'm sorry, hindi ko kasi mapigilan, eh." Malumanay kong sabi sa kanya at mabilis na umiwas.

I feel awkward dahil ilang years na kaming hiwalay tapos ngayon pa kami magkatabi at nag-usap nang ganito kalapit. Walang estudyante ni isa ang nandito maliban saming dalawa.

Bakit naman kasi dito ko pa siya dinala?

"Clark,"

"Hmm?" Mabilis pa sa alas kwarto ako lumingon sa kanya kaya ultimong sarili ko ay natigilan.

Siguro dahil sa ilang years ko nang hindi naririnig na tinawag niya ang pangalan ko, ganito na agad ako maka-reak. Ito ang unang beses na tinawag niya ako ulit.

Teka. 'Di ba, dapat hindi na 'to mangyari? Bakit ba ganito ako ka-OA?

"Uhm... Thank you," nahihiyang sabi niya. Saglit siyang lumingon sakin ngunit mabilis ding umiwas.

Ngumiti ako kahit hindi niya nakita 'yun. 'Yun ang salita na kanina ko pa hinihintay. Ayuko sa lahat na may ginawa na nga akong tulong, imbes na magpasalamat, nagawa pang rumeklamo.

"Your welcome," malumanay kong sabi. "Sa susunod, mag-ingat ka na lang."

Highschool pa lang kami, ma-init na ang dugo nilang dalawa. Melanie has a pure heart... na kahit gaano pa kasama ang tingin sa kanya ng mga tao, hindi niya magawang lumaban.

Hindi ko nakikita sa kanya ang pagiging duwag. Hindi ko nakikita sa kanya ang pagiging palaban. Kasi mas nakikita ko pa sa kanya ang pagiging maka-totoo sa sarili at kung anong meron sa ugali niya.

Hindi ko alam kung anong unang nangyari sa kanila ni Melanie kanina. Pero pakiramdam ko nang dahil lang sa kape. Nakakasawang eksena.

Ganun din ang nangyari no'ng unang nilang pagkikita. Tsk. Knowing Maureen. Pinakamaarteng babae na nakilala ko. Kahit kasing laki lang ng isang bigas ang dumi ng damit niya ay magagalit kaagad. So immature.

Maya-maya pa ay tumango siya. Mabilis niyang isinukbit sa balikat ang kabilang strap ng bag niya at tumayo kaya natigilan ako.

"Mag-uumpisa na kasi ang klase ko. Ma-iwan na kita." Mahinahong sambit niya at tila nahihirapang lingunin ako at hanggang silip lang sa mata ang nagawa niya.

Mag-sasalita sana ako nang dali-dali niya akong tinalikuran. Napansin ko pa ang pagtakbo niya pababa ng hagdan at mukhang nagmamadali. Napatingin ako sa relo ko na nasa kanan at malapit na mag-alas otso.

Tumayo ako at pumuntang classroom. Pagpasok ko lang, tunog na ng mobile games ang narinig ko. Umupo ako sa upoan ko na katapat lang ng pisara... pinaka-ayuko sa lahat dahil hindi ako maka-basa ng libro nang maayos.

Hindi naman sa tamad akong makinig ng discussion. May oras lang talaga na nabo-boringan ako sa lesson kaya naisipan kong mag-basa na lang ng libro. Minsan sinasabay ko pa ang pagbabasa at ang pakikinig. Ayuko naman na wala akong maisasagot kapag may quizzes, 'no!

Ang Maldita Kong GirlfriendDonde viven las historias. Descúbrelo ahora