Chapter 11

103 10 3
                                    

Chapter 11

"Antagal naman." Mahinang reklamo niya sabay yakap sakin mula sa likod. Nasa bahay niya kami habang ako naghahanda ng makakain namin mamaya. Hindi naman nagbabago ang pagiging kusinera ko dito, eh.

"Eh, 'di mag-hintay ka." Sabi ko habang nagtadtad ng kamatis. Kung magawa niyang magreklamo sa lulutoin ko, humanda siya sakin.

"Namiss ko tuloy ang pagiging katulong mo. Kung i-hired kaya kita ulit?" Hindi man ako nakatingin sa kanya, pero ramdam ko na ang ngiti niya.

"May sabog ka ba o wala?" Inis kong tanong sa kanya at dahan-dahan siyang nilingon.

"Bakit ba? Secret lang naman, eh. Saka, su-sweldohin pa kita." Napalitan ng galit ang inis ko nang makita ko ang pang-aasar niyang tingin. Malapad ang ngiti habang tumataas baba ang kilay niya.

"Seryuso ka ba?!" Tumango siya. "Kung ganun man ay aalis na lang ako, magluto ka mag-isa mo!"

Padabog kong binitawan ang kutsilyo sabay hugas ng kamay. Inis ko ding inalis ang kamay niyang nakapalibot sa bewang ko. Nagpunas ako at aakmang aalis na sana nang hinuli niya ulit ang bewang ko. "Love, naman! Nagbibiro lang, eh!"

Pinagpatuloy ko na lang ang pag-luluto ko kahit palagi niya akong kinulit. Nauwi sa asaran at awayan ang haponan namin habang panay tahol naman si Hapee sa mesa. Yeah. Sinanay na siya ni Hyder sa hapag kumain, kaya minsan naiinis ako.

Pagkatapos naming kumain, binigyan muna namin ang oras sa isa't isa. Pagkatapos ay hinatid niya agad ako samin. Lumabas ako ng kotse niya. Lumabas siya ng kotse at mabilis na hinuli ang bewang ko. Inilapit niya ako sa katawan niya.

"I love you,"

Ngumiti ako, "I love you," hinawakan niya ang pisngi ko. Hinalikan niya ang noo ko pababasa ilong at pisngi ko. Tinignan niya ako sa mata saglit habang nakadikit pa rin ang noo naman sa isa't isa. Tumingin siya sa labi ko at dahan-dahang inilapit ang bibig niya sa bibig ko kaya naman pumikit na rin ako.

"Ehem!"

Bago naglapat ang labi namin sa isa't isa, narinig ko na boses ni Kuya Jasper. Kaya naman mabilis agad akong lumayo kay Hyder dahil baka sesermonan niya ako. Napa-iwas rin ng tingin si Hyder, ngunit narinig ko ang mahinang bungisngis niya.

Lumingon ako kay Kuya at ngumiti nang napaka-awkward. "Kuya! Nandiyan ka pala! Hehehe!" Lumapit ako kay Kuya J na ngayon ay nakatingin sakin ng masama.

"Pumasok ka sa loob," tumango ako. Bumaling ako sa boyfriend ko at lihim siyang kinawayan. Ngumiti siya sakin at kumaway din pabalik. "Umuwi ka na rin. Gabi gabi na, diyos ko!"

Pumasok ako sa loob nang hindi sinilip si Hyder sa labas. Narinig ko ang bosina ng kotse sa labas, malamang umalis na 'yun. Kinahu ko ang cellphone ko.

To: MasterHyder

"Ingat ka pauwi. 'Wag magpapa-bunggo, okay? Labyow."

Iverson POV

"Woohh!"

"Cheers tayo diyan!"

"Hindi ka man lang ba kumuha ng chicks, Sharkon? Napaka-boring naman!" Reklamo ni Collin. Nagawa niya pa talaga magreklamo, eh, ang iingay ng paligid. Palibhasa, lasing na kasi.

Agad akong niyaya ni Sharkon mag-tagay nang uwian na namin. Wala naman talaga akong balak sumama, pinilit na naman niya ako. Nagawa niya pang tawagan ang apat para lang hilain ako patungo dito. Kung hindi ko lang siya kaibigan, binugbug ko na 'to.

Ang Maldita Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now