Chapter 4

181 12 0
                                    

Chapter 4

Iverson POV

Kinapa ko ang phone ko sa side table nang mag-ring ito at kahit inaantok ay sinagot ko ito. No'ng unang ring, hindi ko na 'to pinansin dahil inaantok pa 'ko. Ang aga-aga pa kasi. Hindi ko din alam kung sino 'to. Dahil sa antok, hindi ko na minulat ang mata para makita kung sino ang tumawag at mabilis na sinagot.

"Sino ba 'to?! Ang aga-aga!" Singhal ko.

"Grabe ka naman!" Pagtatampong tinig ang nasa kabilang linya. Napabuha ako ng hangin nang mahulaan ko kung sino ito.

"Ano ba 'yun, Sharkon?!"

"Libre ka?" Panunuyong tinig niya.

Pigil inis akong bumuntong hininga. Ganito din ang sinabi niya sakin kagabi no'ng niyaya niya akong uminom, ganito din ang boses. Kahit labag sa kalooban ko, pumayag na lang ako dahil wala naman akong gagawin dito sa bahay.

Hindi ko na mabilang kung ilang bote ang naubos ko basta patuloy lang ako sa pagtagay. Hindi lang naman si Sharkon ang kasama ko, mga barkada ko din. Maliban nga lang sa dalawa kong kapatid.

"Ano? Papatayin mo na naman ang tiyan ko?" Sambit ko nang may panghahamon ang tinig.

Narinig kong tumawa siya. "Hehehe. Last na 'to, promise!"

"Tsk! Ilang beses mo nang sinabi 'yan, eh!" Maktol ko. "Last na 'to pero may isang last pa pala!" Reklamo ko.

Palagi niya lang ginagawa 'to simula high school pa. Hindi pa rin nagbabago. Nakakainis! Puro last tapos pagkabukas, yaya-in na naman niya ako at sasabihing last na naman, hanggang sa paulit-ulit na lang! Bwesit!

"Ito naman, hindi marunong maki-sama!" Pagtatampong sabi niya sakin. "Segi na! Libre ko naman, eh!"

"Ha! Anong bago do'n, eh, ikaw naman talaga ang panay libre samin!"

"With extra chiks," kahit hindi ko nakita ang mukha niya, alam kong nakangiti ito.

Natigilan ako kaya dahan-dahan akong napamulat.

"Puro magaganda ang kinuha ko. Sexy. Ang ganda ng katawan, tol." Sabi niya kasabay ng pag-sipol.

Hindi ako nakapagsalita at nakatingin lang sa bintana. Bakit parang may nagtulak sakin na pumunta ako? 'Di ba, dapat hindi?

"Basta! Pumunta ka, ah? Mamayang hapon, 3 pm. Bawal um-absent. Dapat kompleto tayo. Isama mo ang dalawa, okay?" Dagdag niya at tinukoy ang dalawang kapatid ko. "Bye, tol! Lab y-"

Agad kong pinatay ang tawag dahil sa walang sawang huling sasabihin niya na nakakadiri. Mas doon babasag ang air drums kesa sa bubulongin ako gamit ang mega phone.

Dahan-dahan akong bumangon. Dapat pa akong pumunta? Gusto kong pumunta pero may tutul. Nalilito ako sa magiging desisyon ko.

Pagkatapos kasi ng kagaguhan ko kay Trisha, tinupad ko sa sarili ko ang huminto kahit paminsan-minsan ay naghahanap ako ng libangang babae, pero pinipigilan ko lang. Ayuko na kasing magalit sakin si Kuys, hindi ko na kaya pang makita na tinuring namin ang isa't isa na parang hangin. Bukod do'n, nandiyan din sila Mama't Papa.

Pagkatapos no'n, mas naging fucos ako sa pag-aaral at madalas ng mag-cutting. Dahil nandiyan na sila Mama, naging matuwid na ako sa pag-aaral. Maya panay bawi ako sa mga lesson, quizzes, projects, lalong lalo na sa grades. Ayukong makita nila ang grades ko na sobrang baba.

Ang Maldita Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now