Chapter 10

128 7 1
                                    

Chapter 10

Iverson POV

Kinabukasan, maaga akong nagasing dahil sa ingay ng alarm clock ko. Naalimpungatan ako do'n dahil sa lakas. Inaantok akong kinusot ang mata ko sabay harang sa mukha nang masilawan ako ng araw. Ito ang dahilan kung bakit ayukong mag-alarm, umaandar kasi ang inis ko at maalala na naman na may pasok tapos nakakatamad nang bumangon. Hindi naman ako nag set ng oras, hindi na ako nagtataka kung bakit bigla na lang tumunog. Malamang, pinaki-alaman na naman ni Mama.

Bumangon ako at nagtungo sa bintana. Sinara ko ang curtina dahil mainit. Nagtungo ako sa may walk in closet ko at kinuha ang tuwalya na nakasabit sa gilid habang kinukusot pa rin ang mata.

Papasok sana ako sa cr nang tumunog ang cellphone ko. "Tsk!" Pigil inis akong lumapit sa side table at kinuha ang cellphone. Tumawag si Sharkon. "Tangina." Bulong ko. Nag-dadalawang isip akong sagutin ang tawag niya. Baka yayain na naman akong uminom nito, halos hindi na ako tantanan. In-off ko ito. Napansin ko ang tubig na hinanda ko kagabi kaya ininom ko agad ito.

Tumunog ulit ang telepono ko, kaya napatingin na naman ako dito. "Tsk! Nakakainis!" Wala akong ginawa kundi ang sagutin ang tawag at uminom ulit ng tubig. "Gago! Ano ba 'yun!" Singhal ko nang wala akong narinig na boses.

"Ahh! Segi pa! Yees!" Malakas akong napabuga ng tubig sa bibig ko nang may narinig akong umungol na babae! "Yeah!"

Hugis gulong ang naging reak nang mata ko, lalo na't hindi ko naman inaasahan 'yun. Seryuso? Ganito kaaga gumawa sila ng milagro? At ang mas malala do'n, sa dami ng barkada namin, ako pa talaga ang tinawagan? Potangina!

"Kung papainitin mo lang pala ang ulo ko, humanda ka na lang sakin mamaya! Potangina mo, Sharkon!" Sigaw at inilapit ang cellphone sa bibig.

"Ano sa tingin mo? Maganda ba ang ringtone ko?" Kung iisipin ko ang mukha niya ngayon, malamang inaasar na ako nito.

"Gago ka ba?! Ang aga-aga, pinainit mo ang ulo ko! Gusto mo bang maupakan, ha?!"

"Ito naman!" Kunway pagtatampo niya. "Lumiban muna tayo ngayon! Nakakapagod mag-aral, eh!"

Nasa tamang pag-iisip ba ang kausap ko? Naririnig niya ba sarili niya? Siya pa mismo ang nagsabi sakin dati na tataposin niya ang College tapos ngayon, niyaya niya akong lumiban dahil pagod siyang mag-aral? Gago ba 'to?

Palagi niya lang sinasabi 'yan. Hindi ko na pinaalala sa kanya ang pinangako niya sa sarili niya na hindi na siya iinom, dahil kahit anong pilit niyang sabihin na titigil na siya sa pag-iinom, iinom pa rin. Ewan ko! Baliktad yata ang utak nito.

"Eh, gago ka pala sana hindi ka na lang nag-aral!" Singhal ko. Inis kong nilapag ang baso sa side table.

"Ay, oo nga, 'no? Hahaha! Ah! Basta! Inom tayo mamaya, ha?" Sabi niya nang may pagmamakaawa ang tinig.

Inom na naman! Hindi ko alam kung may laman pa ba ang tiyan niya at panay laklak ng alak. Kung hindi ko lang kaibigan 'to, ma papatay ko na 'to. Alam naman niyang ayuko nang uminom, tapos niyaya niya pa ako. Alam niyang ayaw ng mga magulang ko na inom, tapos ipapahamak pa 'ko.

"Na naman?! Kayo na lang! Pass muna ako!"

"Grabe ka naman! Last na 'to, promise!" Ayan na naman ang 'Last na 'to.'

Basta tagay, talagang hindi niya ako tantanan. Hindi naman ako nagtataka kung bakit sa dinami-dami ng kaibigan namin, ako ang unang yayain niya. Kasi elementary pa lang kami, palagi na kaming magkasama.

Ang Maldita Kong GirlfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz