Chapter 7

119 8 0
                                    

Chapter 7

Pagkatapos naming kumain ay nag-iba agad ang inabalahan naming dalawa habang magkatabing nakaupo sa kama niya. Busy siya sa kaka-basa ng mga lessons at nag-abvance reading habang ako naman ay pinatuloy ang pag-copy ng notes na kanina ko pa hindi natapos, kaya naisipan kong picturan na lang.

Habang nagsusulat ako ay panay silip ako sa laptop ko na nasa paanan ko na ngayon ay kanina pa nakabukas at inaabangan ang tawag ng kapatid ko. Malapit nang mag-iisang oras ang paghihintay ko at hindi pa rin siya tumawag. Wala naman siyang sinabi sakin kahapon na hindi niya muna ako makakausap. Sasabihan kasi niya ako agad kapag hindi siya maka-Skype.

Tumingin ako sa wall clock na nasa ibabaw ng pinto at alas-syete y medya na ng gabi. Sa mga oras na 'to, nagbibiroan na kaming dalawa mung sa kaling tumawag siya.

Baka naman busy lang siya. Masyado niya kasi akong sinanay sa tawag niya gabi-gabi kaya ganito na lang ako magtataka. Yeah. Baka naman talaga busy siya.

Bumuntong hininga ako at tiniklop ang laptop. Ngunit pumasok sa isip ko na tatawag siya mamaya. Hihintayin ko pa ba? Tutlal, maaga pa naman, eh. Nagdadalawang isip ako.

Bahala na. Binuksan ko ulit ang laptop ko at hinayaang nakabukas ang screen. Tatawag man siya o hindi, I'm sure naman may dahilan siya. Pinagpatuloy ko na lang ang pag-susulat at hiniling na sana ay tatawag siya.

"Hinintay mo ba ang tawag ni Clarity?"

Napalingon ako sa kanya nang nagsalita siya. Nasa libro ang tingin niya habang ang isang kamay ay nakapwesto sa key board ng laptop niya.

Bumuntong hininga ako at nalungkot. "Oo, kaso mukhang hindi yata siya tatawag ngayon."

"Malungkot ka ata. Naninibago ka ba dahil hindi siya tumawag?" Taas kilay niyang tanong.

"Oo," sagot ko na lang at pinagpatuloy ko ang pag-susulat.

Mula sa gilid ng mata ko, napansin ko ang pag-ayos niya ng upo habang nakatingin sakin kaya napalingon ako sa kanya. Tinignan niya ng maigi ang mukha ko bago nagsalita.

"Halos gabi-gabi talaga kayo nagtatawagan? Simula no'ng umalis ang kapatid mo?"

"Hindi naman sa ganun." Tanggi ko agad. "Sasabihan niya kasi agad ako kapag hindi siya maka-Skype, eh. Wala naman siyang sinabi kagabi."

Baka naman talaga may ginagawa lang siya, ako lang 'tong maarte. Siguro nga may ginagawa siya ngayon o 'di kaya katawag si Daddy. Sabi niya kasi sakin dati na 6:00 pm lang ang libre niya. Siguro nga kausap niya si Dad ngayon.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung kailan siya uuwi. Bumabagabag pa rin sakin 'yun. Hindi naman niya ako masisisi dahil miss ko na siya. Itatanong ko sana 'yun sa kanya gung tumawag lang siya ngayon.

"Anong oras ba siya tatawag sayo?"

"6:00 pm, 8:30 pm naman kami matapos."

Bahagyang lumaki ang mata niya. "Ganun katagal kayo mag-usap?" Tumango ako.

Kahit ganun katagal pa kami mag-usap, mag-e-enjoy naman ako. Sinadya ng kapatid ko 'yun para sulit ang pag-uusap namin. Binigay niya naman sakin ang oras ko kay Hyderson sa umaga, siya naman ang sa gabi.

Ano kaya ang ginawa ng kapatid ko ngayon? May date kaya siya? Mula no'ng umalis siya, hindi niya kweninto sakin kung may nanligaw na ba sa kanya. Panay kamustaha na lang kasi ang topic namin, eh. Kahit gusto ko siyang tanongin kung may boyfriend na ba siya, hindi ko na lang ginawa at sinabayan na lang ang mga sinasabi niya.

Ang Maldita Kong GirlfriendOn viuen les histories. Descobreix ara