Chapter 19

82 6 0
                                    

Chapter 19

Clarity POV

Umabot ng isang linggo ang absentses ko, dahilan upang kabahan ako para bukas. Pero palagi namang pinapalakas ni Trisha ang damdamin ko. Gabi-gabi niya ding sinasabi sakin ang naging lecture nila sa umaga hanggang hapon, which is ikinagaan ng damdamin ko. Kinakabahan lang ako sa maging sasabihin ng guro sakin kung bakit palagi akong wala, lalo na't newbie pa naman ako.

Naniniwala naman ako na alam nila ang dahilan dahil paniguradong sinabi ng kapatid ko sa kanila ang nangyari sakin. Pero kasi hindi mawawala ang curiousity nila kaya hinanda ko na ang sarili ko sa idadahilan ko. Lalo na sa mga kaklase ko. Karamihan sa kanila ay hindi namin naging kaklase no'ng senior high, iba naman, transferee. Well... sana madali ko lang sila mahalobilo.

No'ng nakaraang araw, sinubukan ko nang maglakad-lakad kasama si kuya. No'ng una, mahapdi pero hanggang sa sinanay kong tumapak sa sahig, nawala-wala rin naman, kaya ngayon, medyo okay na. But still... I'm taking some medicine hanggang sa mawala ang sakit. Yeah, ganun ka-grabe ang sugat ko.

Nasa kwarto ako ngayon, kasama sina Anika and Emmy, buti na lang at tulog ang kapatid ko dahil kung hindi, mapipilitan akong paalisin ang dalawang 'to. Alam ko namang nirerespeto ni Trisha na nandito sila, kahit ayaw niya. Pero si Anika, tingin niya pa lang sa kapatid ko, nandidiri na ito. Which is hindi ko nagustohan.

Matagal ko nang napapansin 'yun. May araw na tiningnan ni Anika ang picture naming dalawa ng kapatid ko... pag-katapos ay mahina niyang hinagis. Buti na lang hindi nabasag.

"Hay, nako, Emmy, kahit mag-litmatch ka pa boung magdamag, walang mapapasayo diyan! Stop being so feelingera, okay?" Iritadong sambit naman ni Anika sa kaibigan ko na nasa may make-up table ko.

Ilang taon nang ginamit ni Emmy ang app na 'yan pero hanggang sa pagtawag lang ang bagsak nilang dalawa ng kausap niya. Wala naman siyang naging kasintahan diyan sa litmatch, sadyang libangan lang talaga ni Emmy 'yan.

"Mas mabuti kung maiinggit ka na lang kesa magreklamo!" Sigaw niya kay Anika.

"Ha! Ang kapal mo naman mag-suggest!" Hindi niya ito pinansin at bumaling sa ka-call niya.

"Itong kaibigan ko kasi, naiinggit satin dahil walang ka-bebe time!" Pagpaparinig niya naman kay Anika.

Napansin kong tinignan siya ng masama ni Anika kaya naman mabilis kong pinigilan si Ani nang aakmang susugurin niya sana si Emmy.

"Ani, hayaan mo na siya." Pigil ko sa kanya.

Hindi na bago sakin ang ganyang klasing ugali ni Anika. Talagang napaka-maldita niya. Mabait lang ang mukha niyan pero kung sa ugali mo tingnan, talagang iiwas ka na lang.

"Nakakainis!" bulong pa niya habang masamang nakatingin kay Emmy na ngayon ay nakangiti na habang nagsasalita.

Bumalik sa kama si Anika nang kumalma ngunit hindi pa rin maalis ang tingin niya kay Emmy. Kaninang hapon pa sila nagsimulang nag-uusap sa katawag niya. Sa ilang oras na nilang pag-uusap, hindi malabong kweninto na ni Emmy ang buhay niya sa telepono. Minsan mapa-iling na lang ako.

"Anyway, papasok ka na pala bukas, 'no?" biglang Sabi ni Anika sakin. Huminto ako saglit sa pagbabasa ng notes ni Trisha at bumaling sa kanya.

"Hmm. I'm excited but... I'm still nervous." bumuntong hininga ako.

"Tsk!" biglang asik niya. Naka-upo siya sa kama ko habang naglilinis ng kuku. "Uhmm... gaano na katagal ang kapatid mo tsaka si Hyderson?"

Napalingon ako sa kanya ulit nang tanongin ako. "1 year and 3 months... why?"

"Wala. Nasayangan lang ako sa 3 years ninyo ni Hyder."

Ang Maldita Kong GirlfriendNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ