Prologue

574 18 2
                                    

Prologue

Hyderson POV

Mabilis kong pinarada ang sasakyan ko nang makarating kami sa restaurant kung saan dito kami kakain kasama ang maldita kong girlfriend--- my Trisha.

Nakabusangot siya ngayon dahil sa hindi ko malamang dahilan. Malay ko ba d'yan, kaninang umaga pa niya ako sinusungitan, eh. Pumayag naman siyang mag-date kami pero imbes naka-ngiti siya, nakabusangot pa.

"Good morning, ma'am, sir, kakain po kayo?" Ngiting tanong samin ng waiter nang makapasok kami.

Sasagot sana ako kaso..

"Ay, hindi! Mag-huhugas kami ng plato!" Pamimilosopo ng girlfriend ko dahilan upang mapunta samin ang attention ng iba.

Mabilis akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa niya. Nakakainis. Matagal na akong nagtitimpi sa ugali ng babaeng 'to, pasalamat siya, mahal ko siya.

"Tanga ka ba?! Malamang kakain kami!" Dagdag ni Trisha.

Agad akong pumunta sa harap niya at tinago siya sa likod ko. Mahirap na baka may masabi pa 'tong babaeng 'to. Nakakainis, sobrang taas pa naman ang boses niya. Baka managot pa ako sa manager dito.

"Sorry po, ma'am,"

"Pasensya ka na, ha? May dalaw kasi," paumanhin ko. Alinlangan akong ngumiti sa waiter para naman gumaan din ang pakiramdam niya. Ramdam ko din kasi na medyo nahiya siya dahil na siguro sa nangyari.

Inis kong hinila si Trisha at nag-tungo sa bakanting table na nasa dulo ng restaurant. Marami din kasing tao kaya nagpapasalamat ako dahil may bakanti. Habang hinihila ko si Trisha at ramdam ko ang pagsunod ng tingin nila samin, ngumiti na lang ako sakanila.

"Love, please, 'wag mo na lang dalhin dito ang kamalditahan mo!" Mahinang sita ko sa kanya nang makarating kami sa table.

"Eh, nakakainis, eh! Alam niya naman siguro, 'di ba, na restaurant ito! Natural na kakain tayo! My god!" Mataray niyang sabi habang inayus ang bangs niya.

"'Yun kasi ang sasabihin nila kapag may dumating. Trabaho nila 'yun, eh!"

"Bakit naman kasi nagtatanong pa siya, eh, napaka-obvious naman! Sana good morning na lang ang sasabihin nila at welkam to awor restawrant para madali!" Maldita niyang sabi.

Nasa sulok kami ng restaurant umupo dahil wala ng bakanti. Marami kasing tao at pakiramdam ko wala ng mauupoan kung sakaling may dumating.

Bumuntong hininga na lang ako. "Hayaan na lang natin 'yun, okay? It's our date at ayukong masira ang araw na ito dahil lang diyan sa kamalditahan mo."

Tinaas ko ang kanang kamay ko hudyat upang lumapit samin ang waiter. Lumapit ito sakin at binigyan ako ng menu. Napatingin ako kay Trisha na nakatingin lang sa paligid.

"Love, anong gusto mo?" Tanong ko habang nasa menu pa rin ang atensyon.

"Hmm.." nag-isip naman siya. "Ay, alam ko na." Ngiting saad pa niya humarap siya sa waiter kaya naman kinuha agad ng waiter ang isang maliit na notebook upang doon isulat ang mga orders. "Gusto ko ng limang fishball, tatlong tempura, isang kwik-kwik, 'yung fries na tag-twenty pesos.. uhh, limang proven at tatlong sandwich with bihon, please.."

Gulat akong nakatingin sa kanya habang nakamaang pa ng kunti ang bibig ko. Napansin ko din natigilan ang waiter at mukha hindi makagalaw. Anong nangyari sa babaeng 'to? Yawa! Girlfriend ko ba 'to?

"Uhm.. wala po kami niyan dito, ma'am." Saad ng waiter.

"Love," mahinang tawag ko sakanya. Lumingon siya sakin. "Nasa restaurant tayo, wala tayo sa street food."

"Ahh.. ganun ba?" Lumingon ulit siya a waiter. "Tubig na lang kami, please.."

Hindi ko alam kung saan siya humugot ng lakas para umasta siya ng ganyan. Kilos niya pa lang parang wala lang sa kanya. Hindi ko nga alam kung naririnig niya ba ang sarili niya. Hindi man lang ba niya napansin na nasa restaurant kami?

"'Yun lang po ba, ma'am?"

Inis niyang tinapunan ng tingin ni Trisha. "Kailangan bang ulit-ulitin ko pa? Water, water na lang kami. Kung hindi mo pa naintindihan, wootah! Wootah, please.." nag-roll eyes pa ito.

Napayuko nalang ako at hinilot ang sentido ko nang sa ganun mawaglit ang sakit ng ulo ko sa babaeng ito. I can't believe she can do this.

Bumalik naman ang waiter na may dalang dalawang baso ng tubig at nilapag sa mesa namin. Agad iyun ininom ni Trisha habang ako ay pinanood lang ang kilos niya.

"Okay, bayaran mo ang tubig. Street food tayo," agad siyang tumayo kaya agad akong naalarma.

Ngumiti ako sa waiter at patakbong sinundan si Trisha. Nakakainis naman ang babaeng ito!

Argg!!

"Nakakainis ang babaeng 'to."

©Itsme_kwenny

To be continued..

Ang Maldita Kong GirlfriendWhere stories live. Discover now