Kabanata 42

1.4K 9 0
                                    

Kabanata 42






Isang mainit na bisig ang pumulupot sa aking baywang at isang halik sa aking batok na nag sunod-sunod.


Mahina akong natawa at hinarap ang may gawa no'n. Nakita ko ka agad ang nakangiting si Miguel.

Makikita rin ang kislap ng pagkaaliw sa kaniyang mga mata. Malayong-malayo sa Miguel na nakausap ko sa opisina.



"Ang aga mo namang magising? " malambing kong tanong sa kaniya. Nilagpasan ko siya para sana ilagay sa lamesa ang pinggan ng siya na ang gumawa niyon.



"S'yempre na miss kong lambingin ang asawa ko. " sabi niya at niyakap akong muli at binigyan ng isang masuyong halik sa leeg, batok at labi.

Napailing na lang ako dahil sa ginawa niya. Pinigilan ko siya at pabirong pinisil ang kaniyang ilong. Napasimangot naman siya dahil sa ginawa ko kaya hindi ko maiwasang hindi matawa.



Ang cute kasi niya kahit na nakasimangot siya.



"Tigilan mo nga iyang maaga mong pambobola sa akin. "


Inirapan niya ako at parang batang naupo sa hapag. "Eh namiss naman talaga kita eh, " maktol niya kaya naman hindi ko maiwasang 'di matawang muli.

Kaya naman ako naman ang nag lambing.

"Oy sorry na... " pag hingi ko ng tawad pero tumatawa kaya sinamaan niya ako ng tingin.


Pinaningkitan niya ako ng mata. "Bakit ka tumatawa eh nanghihingi ka nga sa akin ng tawad, " nakabusangot na wika niya.

Napanguso naman ako dahil sa kasungitan niya.

"Sorry na. Ikaw naman kasi eh. " paninisi ko sa kaniya na ikinasalubong ng kilay niya.

"Hoy babae bakit naging kasalanan ko? "


"Hinahalikan mo kasi ang leeg ko e' alam mo namang may kiliti ako diyan."

Ngumuso siya. "I love kissing your neck, darling. "


Namula ang magkabila kong pisngi dahil sa naging sagot niya. Kinurot ko ang braso niya kaya naman napaigtad siya sa gulat.


"Naku, naku. Miguel. Bolero kapa rin ano? "


Nginisian niya lang ako. Wala sa sarili naman akong napangiti. Unti-unti kasing sumapok sa akin ang reyalidad na nakakausap ko na pala siya gaya ng dati.



Ako na ang nag ligpit ng pinagkainan namin. Bigla na lang na wala si Miguel, baka umakyat lang. Pag labas ko sa kusina ay laking gulat ko na lang ng makita ko si Miguel. Ngunit mas ikinagulat ko ang makita ang hawak niya.

Iyon ang plastik na kung saan ko itinatago ang mga pills ko. Nanlamig ang kamay ko. At nag angat ako ng tingin sa kaniyang mukha na ngayon ay galit at madilim.

Itinapon niya sa sahig ang plastik ng pills. Halata doon ang gigil at diin.



"Putangina, Jennyrose! " dumagundong ang galit at mabigat niyang boses sa loob ng apartment.



Napaigtad ako sa gulat at takot sa kaniyang boses.



Hindi ako ka agad nakakilos dahil mariin niyang hinawakan ang balikat ko.




Sumalubong ka agad sa akin ang galit na galit niyang mga salita. "Tangina naman, Jennyrose, oh! Alam mo naman kung gaano ko kagustong magkaroon ng anak! Putangina iyon na nga lang ang maibibigay mo sa akin hindi mo pa mabigay-bigay! " galit na galit na sigaw niya sa mismong mukha ko. Lumalabas na rin ang ugat sa kaniyang leeg, at namumula na rin siya sa galit.

Hindi ako nag salita. Nagsitulo lang ang mga luha ko, dahil hindi ko maaring sabihin sa kaniya ang rason kung bakit hindi ko mapag bigyan ang kahilingan niya.



"Ano iiyak ka na lang?! " gigil niya akong itinulak. Dahil sa panghihina ko ay madali lang niya akong na itulak.

Napaupo ako sa sahig. Wala man lang salitang lumabas sa bibig ko.



"Putanginang buhay ito. You still love keeping a fvcking secrets from me! Putangina!" Napahilamos siya sa kaniyang mukha.


Mas lumakas at hindi tumigil sa pagtulo ang mga luha ko. Nababasag na rin ang boses niya at halata ring dismayado siya.


Pinilit kong tumayo upang abutin siya ngunit binawalan niya lang ako.

"Tangina diyan kalang! Huwag mo'kong lalapitan! Nagsisisi na talaga akong minahal kita! Nagpauto na naman ako sa pag mamahal mo! Nauto mo na naman ako! "


Umiling ako. Ngunit hindi siya nakinig sa akin.


Binibiyak ang puso ko. Gusto ko siyang yakapin pero tinataboy niya ako.

"Lagi mo nalang ako dinidismaya, J-jennyrose... H-hindi k-ko alam kung bakit ba u-umasa ako na mag babago k-ka, " and those words broke my heart.


"H-hindi mo rin sinabi sa akin na w-wala na ang M-mommy mo. At dahil iyon sa katigasan ng ulo mo! "


Napayuko ako. Kahit na nasasaktan na ako ay wala akong ginawa kundi ang umiyak man lang. Wala akong lakas para ipaglaban ang aking sarili.


Pero ang mas masakit ay 'yong hindi ako makapagsalita. Hindi ko masabi sa kaniya ang dahilan.

Dahil baka siguro nga ay tama siya. Ngunit... Hindi ko na alam kung ano pa ba ang dapat kong sabihin sa kaniya.

"T-that t-time I-i need you b-but I can't h-have you..." hagulgol ko at napahilamos sa aking mukha.



Umiyak lang siya at napasambunot  sa kaniyang sariling buhok.

"B-bakit hindi m-mo a-ako t-tinawag edi s-sana nasamahan k-kita? " puno ng pait na aniya.



Umiyak ako. Dahil may sakit ako! Hindi kita kayang makitang nahihirapan sa kondisyon ko!


Gusto kong isigaw iyon. Umiling lang ako sa kaniya.



"Nandidiri ka ba s-sa akin? A-ayaw mo n-na magkaanak tayo n-na k-kamukha k-ko d-di ba? At ako ang ama? " may hinanakit na tanong niya.


Mabilis akong umiling sa tanong niya. "N-no! "

He faced me violently. "Edi ano tangina?! Bakit ba umiiyak kana lang diyan?! Ayaw mo akong sagutin ng maayos?! " sigaw niya. "All I need is your answer, Jennyrose, damn it! "



Tinakpan ko ang aking bibig. Kailangan kong kontrolin ang sarili ko dahil baka masabi ko ang rason kung bakit hindi ko siya mabigyan ng anak.



Malungkot siyang nag pahid ng basang pisngi at biglang nawalan ng emosyon.

Tinalikuran niya ako. "Don't talk to me anymore. And don't show up to me, take your things. And I don't want to see you anymore, " malamig ang boses niyang sinabi sa akin at tuluyan na akong iniwan.


Nanghihina akong napaupo. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang sariling huwag umiyak ng malakas kahit na nasasaktan na ako.



Basag na basag ang puso ko. At mas lalo lamang iyong nabasag ng sumagi sa aking isipin kung paano nadismaya ng sobra-sobra si Miguel.






Don't forget to vote, comment and share your thoughts my shinecils^^

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن