Kabanata 16

618 10 0
                                    

Kabanata 16







Tatlong araw na akong tinuturuan ni Sandro at sa tatlong araw na iyon ay doon ko talaga nasabi na may natututunan na ako.



At bilang pasasalamat ay nilutuan ko si Sandro ng chicken adobo.





At dahil nga sa hindi ako marunong magluto ay nag search ako sa tablet kung paano lutuin iyon.




Sinubukan pa nga ng mga kasambahay na tumulong sakin pero pinigilan ko lang sila.




Pero nandito sila sa loob ng kusina at problemadong pinagmamasdan ako na hindi magkanda ugaga sa ginagawa.




Mas problemado pa sila kaysa sakin na walang alam sa pagluluto.


Kailangan din pala ng measurement dito pero hindi ako gumagamit non. Dinadaan ko lang sa tyansa tyansa kong tingin.




"Senyorita dahan dahan po sa paglalagay ng toyo—"

"Ay?! "


Napatigil ako sa paglalagay ng toyo nang madamihan ko ang paglalagay.

Napalunok ako at pilit na tumawa ngunit may pagkataranta sa tawa kong iyon. Napakamot pa ako sa gilid ng aking labi.




Nakanganga naman sa akin ang mga kasambahay habang ako naman ay nginitian ko lang sila ng pilit.


Nagkunwari na walang ginawang katangahan.





"Puwede ko pa naman sigurong ulitin? O kaya ay bawasan? " ngumiwi ako dahil sa suhestiyon ko. Ang labo.


Wala sina Tita Maureen dito sa bahay kaya malaya akong makakapagluto. Binisita kasi nilang lahat ang planta sa Zumarraga. Wala din sina Mommy dito, gusto daw kasi nilang makita yung mga harvest doon.


Lalo na ang mais, paborito kasi ni Mommy ang mga mais.


At sa loob ng bahay ay kami-kami lang mag pipinsan ang naririto.


Ang mga lalaki ay nasa gym, sa taas. Sa second floor. Habang ang mga babae naman ay nasa kuwarto ko at pinapakialaman ang mga make up ko.  At ang mini-make upan nila ay si Ate Miriam.

Hinayaan ko lang sila. At isa pa, ayaw ko din kasi na pinapanuod nila ako habang nagluluto. Lalo na si Ate Miriam, magaling kasi siyang magluto at masarap. Ayaw ko din magpaturo sa kaniya.


Gusto ko na ako talaga yung magluluto mismo at gusto kong matuto sa sarili kong paraan.


Tinggal ko ang hairnet nang makalabas ako sa kusina at pinunasan ang kamay sa panyong nakaipit sa bulsa ng apron ko. Napasimangot ako.

"Uy Jennyrose? " patanong na sinabi ng kung sino na mukhang nagulat pa nga yata.


Nag angat ako ng tingin sa aking harapan at doon ko nakita si Kuya Leandro na nakangisi sa akin habang nakatayo, kaya nginitian ko din siya pabalik.


Kumabog ang dibdib ko lalo na nang mapagtantong may katabi siya. Katangkad din niya ang lalaki ngunit mas matured ang katawan kaysa sa kaniya at nagsusumigaw ang makapagtibok dibdib nitong aura.


Dahan-dahang lumipat ang tingin ko sa kaniya kaya nasalo ko ang malalamig niyang mga mata.



Malamig na nakatingin sa akin si Miguel at wala man lang reaksyon ang makikita sa kaniyang mukha.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now