Kabanata 11

639 15 0
                                    

Kabanata 11





Malapit na pala yung date ng sayaw namin pero hindi ko pa rin nakukumbinsi si Miguel.

Sa tingin ko ay sa lunes na iyon at ngayon ay sabado na.

At nandito na naman ako kayna Miguel at nakikipaglaro ng habol-habulan sa mga bata.


Hindi kasali si Miguel sa amin dahil pinapanuod lang niya kami.

Kaya huminto ako sa pag takbo sa mismong harapan niya.

Tiningala naman niya ako dahil doon. Napataas naman ang kilay ko at pinantayan siya ng upo.


"Ayaw mong sumali? " tanong ko sa kaniya.

Nag iwas siya ng tingin sa akin at umayos ng upo.

"Ayaw ko. Hindi naman na kasi ako bata, " nakasimangot na sagot niya.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya at inirapan siya. "Hindi ka naman magmumukhang bata sa larong ito e, ayaw mo non makakalaro mo yung mga bata? " tanong ko sa kaniya sa huli at uminom sa tumbler ko.

Tinignan niya ako na halos ikabuga ko ng tubig.

Nangunot naman ang noo niya. "Are you okay? " sa titig mo, hindi.

Pilit ko lang siyang nginitian at dahan dahang tumango. "Oo, " sagot ko. Bakit kasi tinitignan ako eh?!


Walang ganang tumango siya at nag iwas ng tingin sa akin.


"Mahilig ka rin sa mga bata? " tanong ko sa kaniya at nilingon pa siya.


Gumalaw ang kaniyang panga habang nasa mga bata nakatuon ang kaniyang mga mata. Na minsan ay malamig at minsan ay may emosyon.


"Not really... " aniya na ikinataas ng kilay ko.

"Not really daw pero kahapon sabik na sabik. " pagpaparinig ko kaya tinignan niya ako.


Pinanliitan niya ako ng mata pero nagkibit-balikat lang ako at patay malisyang nag iwas ng tingin.


Hindi siya nag sasalita. Dahil tumahimik siya ngunit tila malalim ang kaniyang iniisip dahil nakakunot din ang kaniyang noo at malayo ang tingin.

Akala ko pa nga nung una ay hindi na siya mag sasalita. "Why did you like me? " tanong niya habang hindi nakatingin sa akin.

Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ko siya kaagad nasagot.


Hindi ko kasi alam kung paano ako makakapag salita ngayon hindi ko masabi ng tama.

"A-ah—" napatigil ako sa pagsasalita non nang maalala ko na winarningan na nga pala niya ako.

Kaya lumunok ako at pinilit ang sarili na makapag salita ng tuwid.

"Bakit kita nagustuhan? " panimula ko at napalunok akong muli, dahil nakatingin na siya sa akin na tila hinihintay ang sagot ko. Nakakatunaw ang titig niya at nakakawala sa huwisyo.

Matapang ko namang sinalubong ang mga mata niyang nakakapanghina at nakakatunaw.

Nginitian ko siya. "Wala namang dahilan para hindi kita magustuhan. Na sayo na ang lahat, Miguel. Pero hindi din iyon yung dahilan kung bakit kita nagustuhan..."

Nangunot ang noo niya at tila naguluhan sa sinabi ko. Na parang pagdating sa akin ay naguguluhan ang isip niya at nalilito siya sa kaniyang nararamdaman.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now