Kabanata 24

642 8 0
                                    

Kabanata 24







"Nanliligaw na pala sayo 'yung Miguel? Marunong bang mag basketball 'yan? " nakaakbay sa aking tanong ni Kuya Leandro at nginisian ako.


Sinamaan ko siya ng tingin at hinawi ang kaniyang braso sa aking balikat at bahagyang lumayo sa kaniya.

"Pake mo, " nakasimangot namang sagot ko.


Tumawa ito ng malakas. "Wow ha, tumatapang si ineng. "

Inirapan ko lang siya at akmang isusumbong kay Kuya nang mag salita ito.

"Bakit may sweets sa bag mo? Nakita ko kanina. 'Di ba niya alam na may sakit ka sa puso kaya bawal ka noon?" seryosong tanong niya habang seryoso ding nakatingin sa akin. Ni hindi man lang ako hinayaang makapag sumbong sa kaniya sa lang aasar sa akin ni Kuya Leandro.

Ngumiwi ako. "Minsan lang naman 'no, " pangangat'wiran ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Nagtiim-bagang din ito. Tanda na galit na ito.

Kinuha niya ang bag ko. Hindi ako kaagad nakaangal dahil sa bilis niya. Kinuha niya ang pack ng tobleron at cookies na nasa bag ko. Ang natira nalang doon ay puro tulips.

Narinig ko naman ang mahinang pag halakhak nina Kuya Rainillo at Kuya Danillo. Sinamaan ko sila ng tingin. Nababalutan na din ng inis ang sistema ko. Para akong bulkan na malapit ng sumabog.

"Mahina, puro matatamis lang binibigay, " nakatawang saad ni Kuya Leandro. Siniko naman siya ni Kuya Rainillo nang tignan ko ito ng masama.

Nakokonsensya ako sa mga bigay sa akin ni Miguel dahil di ko man lang makain kain ang mga iyon.



"He's just wasting money, " umiiling-iling namang sabi ni Kuya Jarrel at ibinalik ang bag ko sa'kin. Umayos siya ng tindig at umiwas ng tingin sa'kin. "Pitiful... " dugtong niya at tumalikod.

Simunod naman sina Kuya Rainillo sa kaniya. Lahat silang lalaki na nandito kanina. Nasa bahay kami at aalis na sana kami nang sitahin ako ni Kuya.

Nakaramdam ako ng pagkadismaya at awa. Sinasayang ko lang ang pera ni Miguel, eh hindi ko naman makakain ang mga ito.

May kamay na kumalabit sa akin. At nang tingnan ko iyon ay nakita ko ang nakangising si Daniela.



"Ate, kung di ka pwede ibigay mo nalang sa akin, " mahinang sabi niya at tumingin pa sa paligid.


Mahina akong natawa at ginulo ko ng bahagya ang kaniyang buhok.

Tumango ako at ibinigay sa kaniya ang cookies at tobleron.


Lumaki ang ngiti niya sa labi at tila nagningning ang kaniyang mga mata nang masilayan na niya ang mga gusto niya.



Inabot ko ito sa kaniya. Ngumisi ako. "Mag toothbrush ka pagkatapos. "




"Wala ng natirang cookies? Inubos mo na agad? Umiinom kaba ng tubig pagkatapos? "






Umiwas ako ng tingin kay Miguel. "Umh... O-oo. "




Ngumiti siya. Nakaramdam naman ako ng konsensya, nag sinungaling kasi ako sa kaniya...






Pero kapag di ko ginawa iyon baka mapaano ako edi hindi ko na siya makakasama.






"Tapos na kayo sa assignment niyo? Nasagutan mo na ba? "




Lagi niya akong tinatanong tungkol sa mga assignments ko. Lagi niya akong pinapaalalahanan dahil makakalimutin ako. Kapag nahihirapan ako sa mga assignments ko ay tinutulungan niya ako.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon