Kabanata 34

757 10 0
                                    

Warning suicide attempt! Don't read this if you're sensitive thank you.


Kabanata 34







Ang lamig. Nararamdaman ko ang lamig ng aircon na tumatama sa balat ko.


Nangunot ang noo ko. Buhay pa'ko? Dahan-dahan akong napadilat at bumungad sa akin ang kisame ng k'warto ko dito sa ospital.


"Jennyrose... " mahinang pag tawag sa akin ni Kuya Jarrel kaya tumingin ako kaagad sa kaniya at hinanap ka agad ng mga mata ko sina Mommy.




Mugto ang kaniyang mga mata at halatang galing lang siya sa pag iyak.


"Kumusta na ang nararamdaman mo?"


"Okay naman ako." Napakaginhawa ng pakiramdam ko pero ang kirot ng bandang dibdib ko.



"Si Mommy? " tanong ko sa kaniya dahil hindi ko makita si Mommy. Pati na rin si Daddy. "At saka si Daddy, na saan sila? " tanong ko pero nag iwas lang ng tingin si Kuya sa akin.



"K-kuya," nabasag ang boses ko. Hindi ko gusto ang pagkatahimik niya.





"Huwag kang umiyak. Kakaopera palang sa'yo, okay? " pagpapatahan niya sa akin. Lumapit siya upang halikan ako sa noo.



Akmang tatalikuran na niya sana ako nang hawakan ko ang kamay niya.




"K-kuya sagutin m-mo ang tanong k-ko... W-where is Mommy a-and Daddy? " ayaw kong itanong iyon dahil natatakot ako sa magiging sagot ni Kuya.


Ngunit masyadong mapilit ang puso ko. Hindi ko pinapansin ang pag papatigil sa akin ng isip kong malaman ang totoo.


Nag iwas ng tingin si Kuya sa akin. At doon palang ay pakiramdam ko na may hindi magandang nangyari.


Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. At parang nanlalamig ang kamay ko at anumang oras ay babagsak na ang kamay ko sa pagkakahawak sa kaniya.


"W-wala na si M-mommy... "


Doon na tuluyang bumagsak ang kamay ko dahil sa sinabi niya. Ayaw kong maniwala pero sunod sunod na tumulo ang mga luha ko. Hindi ko sila napigilan. Para akong sinasakal. At parang gusto kong mag wala.


Para akong namanhid...

Ngunit masyado akong nanghihina. Pero mas lalo akong nanghina dahil sa nalaman ko.

Niyakap ako ni Kuya Jarrel maging siya ay umiiyak din kagaya ko.

Pero 'yong iyak ko halos walang tunog dahil sobra akong nasasaktan.


"K-kuya b-bakit hindi m-mo siya p-pinigilan? " umiiyak na tanong ko habang nasa mga bisig niya.

Ang higpit ng hawak ko sa siko niya. Gusto kong umiyak nang malakas at mag wala. Gusto kong ihagis ang mga bagay na mahahawakan ko sa sakit na nararamdaman ko.



"H-hindi siya nagpapigil d-dahil gusto ka raw n-niyang mabuhay, " umiiyak na paliwanag ni Kuya kaya lalo akong napaiyak.


Umiling ako at pilit siyang tinulak para hanapin ang bangkay ni Mommy ngunit hindi siya nagpatulak.


Pinalo ko ang dibdib niya. "Bitawan mo' ako! " umiiyak na sigaw ko. Ramdam ko rin ang bahagyang pag kurot ng dibdib ko. Pero hindi ko pinansin iyon, dahil para sa akin mas masakit ang nararamdaman ko ngayong wala na si Mommy.


Hinila ako ni Kuya palapit sa kaniya at ikinulong ako sa mga bisig niya. Dahan-dahan namang dumausdos ang kamay kong nakahawak sa kaniya sa sobrang panghihina.



"N-no... I-i'm j-just d-dreaming... I-i can't, p-please gisingin m-mo k-ko! "



Iyak lang ang nakuha kong sagot kay Kuya. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong wala na si Mommy.


I hate myself. Dahil alam ko ang isa pang rason kung bakit niya ginawa iyon.

She sacrificed her heart for my happiness. And my happiness is Miguel... At mabuhay ng matagal kasama siya.

Bakit kailangan ko pang humantong sa ganito? Ang mawala si Mommy para lang sa pagmamahal ko sa kaniya?

Paano ako sasaya kung mawawala siya?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na kaya.



Wala na si Mommy... Wala na si Mommy... Iniwan na kami ni Mommy...


Parang sirang palaka iyon na paulit ulit kong sinasabi sa aking sarili.



After Mommy's funeral, Daddy followed. He left us too...


Hindi ako nakapunta sa libing ni Mommy dahil nagpapagaling pa ako. Pero sa libing ni Daddy ay nakapunta ako.

Nakatulala ako sa kabaong na unti unti kong nilalapitan. Naka wheelchair ako at si Kuya ang nag tutulak nu'n.



Wala ng luhang bumabagsak sa mga mata ko. Pero sa loob ko ay wasak na wasak ang puso ko. Nawalan ako...



My mother left us. And now, my father left us...



Sino pa ang susunod? Si Kuya? Pagkatapos ano? Ako?


Is this my karma? No, hindi ito ang karma ko. Nagmahal lang ako. At dahil sa nagmahal ako ay nagkaganito ang lahat. Ayaw kong magsisi at isisi sa pagmamahal ko ang mga nangyari.



"Kumain kana—"


Tumigil si Kuya sa pag sasalita nang makita ang sitwasyon ko. Bumagsak ang tray na may lamang mga pagkain ko para lapitan ako.


Nagdudugo ang pulsuhan ko at nag kalat din ang mga gamot sa sahig.


Tahimik na tumulo ang mga luha ko habang nakatingin kay Kuya na umiiyak habang yakap-yakap ako.


Nanginginig ang kamay niyang hinagkan ang pisngi ko.



"J-jennyrose, d-don't leave your Kuya p-please? " hagulgol ni Kuya na ikinaiyak ko lalo.


"I-i'm s-sorry, K-kuya, " garalgal ang boses na sabi ko.

Umiling si Kuya. At pinunasan ang pawis sa noo ko at kinuha ang damit na nasa tabi niya para takpan ang pulsuhan kong nag dudugo.




"N-no, d-don't s-say that! I'm still here, p-please don't d-die. " pagmamakaawa niya sa akin at niyakap akong muli nang mahigpit.


Napapikit ako at tahimik na umiyak. Nanghihina ko siyang niyakap.


Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan ang pulsuhan niya na sariwa ang sugat.

Natigilan siya. Mapait akong napangiti.


"We lost ourselves too, Kuya... "


Nagdudusa kami sa sakit. Hindi namin kinakaya.



"Hindi ako puwedeng mamatay, kasi kapag namatay ako paano kana? "

Pumikit ako at hinayaang tumulo ang mga luha sa pisngi ko.


"Bawal din akong mamatay kasi mahal ko si Vivoree, Jennyrose... Hindi ko kayang mawala ng panghabang buhay sa kaniya. "


"Papatunayan ko pa sa kaniya kung gaano k-ko siya kamahal, " sabi niya habang nananatili pa ring gano'n ang aming sitwasyon.


"Mabubuhay ako para sa kaniya. Kaya sana mabuhay ka para kay Miguel. Mabuhay tayo para sa kanila..."




Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now