Kabanata 4

731 18 1
                                    

Kabanata 4




"Sasali ka sa contest? " tanong sakin ni Janella habang naglalakad kami papasok ng gate ng school.

Tinignan ko siya at nagkibit balikat. "Hindi ko alam eh. You know? Bawal akong mapagod, " pag papaalala ko sa kaniya.

Napatango siya at napakamot sa batok niya. "Ah... Oo nga pala, paano na iyan wala kang grades niyan? " tanong niya.


Nagkibit balikat ako. "Hindi ko alam. Bahala na..." mahinang anas ko.


Wala talaga akong alam. Kasi bawal nga talaga akong mapagod, at saka ayaw ko rin kasi panay ang practice.

Pero hindi din ako nakatakas dahil sa sinabihan kami ng adviser namin na sumali.

Kapag hindi kami sasali ay ibla-blangko talaga niya ang grades namin tapos dinamay pa ako.

Hindi din ako nakapag paliwanag kay Ma'am sa rason ko kung bakit ayaw kong sumali dahil sa sinabi nga niya.

"Ikaw din, Bilarmino. Kapag hindi ka sumali ay blangko talaga ang grades mo sa akin at hindi ka papasa sa akin. Mababa pa naman din ang grades mo sakin kaya sumali kana. "

Ang ganda diba? Ginawa pa talaga akong example para mapa-oo niya ang mga kaklase ko.

Ni hindi man lang niya inisip na napahiya ako.

Inirapan ko ng palihim ang adviser ko at tumayo sa stage na kung saan sama sama kami. Mamimili kasi si Ma'am ng mga i-papartner niya sa amin.

Hanggang sa unti unti kaming nauubos at ang natira nalang ay kami ng kaklase kong lalaki na matalino din sa amin kaso hindi nga lang nakapasok sa with high honors kasi tamad gumawa ng mga performance.

"Sandro and Jennyrose kayo ang mag partner. "


I know. Halata naman, at saka kaming dalawa nalang kaya yung natitira sa stage. Si Ma'am talaga.

Nakakainis pa kasi tinutukso pa kami ng mga kaklase namin. Pero walang reaksyon doon si Sandro, as always naman. Ganiyan ba talaga ang mga matatalino? Walang emosyon?


Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at bumaba na ng stage para sa ground kami sumayaw.


Nandito kasi sa school namin ang mag tuturo sa amin.


May ibubuhat pa sa una at yung postura niya ay parang lalaban, pero hindi lalaki. Dahil babae, para siyang isang mandirigma.


Nasa likod ng batok siya ng isang lalaki nakaupo. At kailangan na nakachin up siya para mag mukha daw maganda at palaban talaga, at mas gaganda daw iyon kapag maganda yung gagawa non.

Kaya namili ulit si Ma'am Agustine at tinuro naman ako kaagad ng mga kaklase ko.


Napaayos ako ng tayo dahil doon at gulat na tinignan sila.

"Ikaw nalang, Jennyrose... "

"Oo nga, Jennyrose. Maganda ka baka dahil sayo ay manalo tayo. "

"Sige na, Jennyrose. Pumayag kana para sa section natin."


Sabi ng mga kaklase ko. Nangunot ang noo ko at umiling.


"Ayaw ko! Masyadong mataas baka malula ako. " pagtanggi ko.


Umiling si Ma'am Agustine at mukha pa nga yatang sang-ayon siya sa mga kaklase ko.

"No, Jennyrose. Huwag ka nang tumanggi, grades na rin ito. " aniya.



Bumagsak ang magkabilang balikat ko at pumayag nalang. At saka wala na rin akong ibang choice dahil halata namang desidido na rin si Ma'am tungkol doon.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon