Kabanata 3

844 16 1
                                    

Kabanata 3






"Grabe ang sakit ng buong katawan ko. " sabi ko habang inuunat ang mga braso ko at hinihilot ang mga binti ko.

"Ayan away pa. " gatong ni Janella na ikinairap ko.

Padabog akong naupo sa tabi niya at kumuha ng isang piraso ng french fries na binili niya.

Kahapon lang iyon pero nananakit pa rin buong katawan ko.

"Hindi ko kaya kasalanan. Eh bakit kasi napipi ka lang kahapon at hindi mo ipinaliwanag ang tunay na nangyari? " naiinis kong tanong at ngumuya ng french fries.

Panay pa ang ikot ng mga mata ko at sumandal sa upuan dahil sa nananakit kong likod.


Hindi na din nakasagot si Janella dahil sa busy na naman siya sa pag sasagot ng assignment niya.


As always naman, takot kasi siya sa Daddy niya. Kaya ginagawa niya ang lahat para makapasa sa exam niya at saka kapag bumagsak siya ay hindi na siya pag aaralin ng Daddy niya.

Habang ako naman ay hindi sineseryoso ang pag aaral, pero bumabawi naman ako sa exam.


At saka tinatakot din ako nina Mommy na kapag bumagsak ako ay ipupunta nila ako sa America para mag aral.


Dahil kapag nakapagtapos na rin ako sa pag aaral ay ipapagamot na ako ni Mommy, actually naghahanap na sila ng heart donor para sakin. Pero sa ngayon ay wala pa, pero kapag nakahanap na sila Mommy ay aalis na kami sa lugar na ito kahit na hindi pa ako nakakapagtapos ng pag aaral para maipagamot ako, dahil may mag tuturo naman sa akin doon, may personal teacher na iha-hire si Mommy para sa akin.

"Jennyrose, kilala mo naman siguro si Daddy, diba? Ayaw kaya niya na napapatawag siya sa guidance ng dahil sa akin. At kapag sa oras na malaman niyang may kinalaman ka doon ay papalayuin niya ako sayo. Gusto mo ba iyon? " mahabang paliwanag niya at tanong sa huli.

Dahan dahan akong umiling at nginitian siya. "Syempre ayaw ko. Hindi ako papayag kasi kapag nawala ka paano na ako? At alam kong alam mo na bawal akong masaktan diba? Kaya hindi ako mag aalala na saktan mo ako balang araw. " paliwanag ko, nginitian niya ako at ibinaba ang notebook na sinasagutan upang harapin ako.

Hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa at matamaan akong tinignan sa mga mata.


Habang ako naman ay nginitian siya. Parang mas gugustuhin ko pa na makitang ganito sa akin si Janella kaysa sa problemado siya sa acads niya.

"Oo naman. Hindi kita iiwan. Mananatili ako sa tabi mo kahit na anong mangyari... "


Para sa akin ang isang kaibigan ay isang kayamanan, kayamanan na hinding hindi maaagaw ng iba.


And Janella is my friend not also my friend, she is like a sister for me.






"Shh... Students, " may pagbabanta sa boses ng teacher na sumaway sa amin dahil sa nag iingay at nagtatawanan kami habang nagfla-flag ceremony. Hindi naman malakas iyon, grabe lang talaga siya.


Nagsikuan kami nina Eliza at Jane, mga kaklase ko. Habang pinagtri-tripan namin ang seryosong si Janella na panay ang saway sa amin.

"Manahimik nga kayo. " seryosong saway niya sa amin ngunit pinapangit ko ang aking mukha kaya natawa siya sa huli.


Lunes kasi ngayon at tuwing lunes ay may flag ceremony kami. Kasama din namin ang mga college students dito kaya panay ang lingon ko sa puwesto nina Miguel.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now