Kabanata 1

1.8K 29 10
                                    

Kabanata 1







Marry me, Miguel!

Ang guwapo talaga ng future husband ko!

Suplado pero guwapo!


"Mukhang marami kang makakaagaw diyan sa Miguel mo. " puno ng sarkasmo ang tinig na sinabi ni Janella na ikinaikot ng mga mata ko.

Bumusangot ako sa harapan ng salamin at tiningnan nang masama ang pinto ng banyo na kung na saan nakasulat ang mga letters para sa mga asumerang taga hanga ni Miguel. Isa din ako roon, but I'm not asumera!


"Well, hindi ko rin naman kayo masisisi. Kasi totoo namang guwapo si Miguel at matalino pa! " dugtong ni Janella.



"Kaso suplado! " pahabol niya pa at sinamahan niya ito nang malakas na tawa.


Humarap ako ulit sa salamin at tinignan siya roon habang nag lalagay ng lipstick sa aking labi. Pero nakakainis lang 'yong tawa niya.



Tinakpan ko na ng takip ang lipstick ko matapos kong mag lagay sa aking labi at nag salita. "I agree. Ang lakas kasing makahatak ng charm niya. Naiinis tuloy ako, " pag sang-ayon ko at ngumuso.



Mahadera akong tinignan ni Janella mula sa salamin. "Wow teh? Hindi ka po niya girlfriend, " prangkang sinabi niya.



Napaikot ang aking mga mata dahil sa sinabi niya."Alam mo ikaw pa-epal ka talaga!" naiinis kong pahayag habang dinuduro siya.


Pero inirapan lang niya ako at sumandal sa dingding ng simentadong haligi ng banyo upang harapin ang pinto na kung na saan ang mga sulat.


Ngumiwi siya at napailing habang nakatingin sa nasabing pinto.



Bumuntong-hininga siya nang malalim kaya napataas naman ang kilay ko.



Kapag kasi ginagawa iyon ni Janella ay may malalim siyang iniisip at may bagay siya na ikinakatakot na mangyari.


"Ang lalim non ah? " pabiro kong tanong na ikinairap niya, pero naging seryoso din ito sa huli.


"Ilang years mo na bang crush ang lalaking iyan at hindi mo mauncrush uncrush? " iritadong tanong niya.


"Three years? " sagot ko, "at saka teh hindi ikaw yung nagkakagusto sa ating dalawa. Dahil ako, ako yung nagkakagusto. " pag bibigay diin ko.



Napailing si Janella. "Pero diba sila pa rin nong Jenna? " biglang tanong niya.




Umiling ako at naglakad sa isang banyo at binuksan ang pintuan, nag labas din ako ng pentelpen at tinignan ang pinto at dahan dahang ngumisi. Bigla kasi ay may pumasok na isang kalokohan sa isip ko.

"Wala na... Tapos na sila... " simpleng sagot ko habang sinusulatan ang pinto. "And correction, mag ex na sila."



Naalarma bigla si Janella dahil sa ginawa ko at pinigilan ako.

"Hoy ano iyang ginagawa mo?! Itigil mo iyan, hoy! Gusto mo bang maguidance na naman ulit?! "


"Hindi. Pero wala ka nang magagawa, nakasulat na. " mapang hamon kong sinabi at ibinigay sa kaniya ang pentelpen bago siya iniwan sa loob ng restroom.

Minsan lang magiging asawa niya. Kaya susulitin ko na, kahit hindi naman totoo. Pero malay mo naman ay maging asawa talaga niya ako. At napakasuwerte ko naman kung ganon.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now