Kabanata 32

700 9 0
                                    

Kabanata 32



Nakailang kabisado ako ng ngiti sa harap ng salamin. Nilagyan ko rin ng palamuti ang aking namumutlang mukha. Para hindi mahalatang umiyak din ako mag damag at may sakit.


Dapat umakto ako na hindi ako na saktan sa nangyari. Dapat maging malakas ako sa pagkakataong ito.

Hindi lang iyon ang mangyayari sa araw na ito. Aalis na rin kami. Pupunta na kami ng ibang bansa. May kukunin lang sina Mommy sa principal.

Sasama ako para sabihin sa kaniya na tapos na ang lahat.


Narinig ko ring pumupunta siya dito sa amin. Nagtatangka siyang kausapin ako pero hindi ko siya hinaharap dahil kilala ko ang sarili ko. Mahina ako pag dating sa kaniya at baka bawiin ko ang pag lisan ko para lang sa kaniya.


"Hindi mo man lang ba siya haharapin? " minsan nang tanong sa akin ni Mommy.


Hindi naman galit ang tono ng pananalita niya. Ngunit sa pagkakataong sinasabi niya iyon ay nananatili akong tahimik.

Wala akong lakas na mag salita. Siya ang lakas ko maging ang kahinaan ko. At kapag wala siya... Para akong isang puno na unti unting nanlalanta at naglalagas ang mga dahon kapag hindi nadidiligan ng tubig at nasisinagan ng araw at naalagaan.

"Wala namang mawawala kung ipaglaban mo siya, anak... "

"Walang maling ipaglaban mo ang nararamdaman mo para sa kaniya. Hindi kami tutol. Susuportahan ka namin, anak... "

"Aalis kana raw? " tanong ni Sandro sa akin.

Dahan dahan akong tumango. Napapikit siya saglit dahil sa hangin na yumakap sa kaniya.

"Bakit? Paano siya? " tanong niya.

Natigilan ako. Tumingin ako sa kaniya. Sakto naman na nahagip ng mga mata ko si Miguel na paparating sa amin.

Kaya hinila ko si Sandro palapit sa akin at pikit matang inabot ang labi niya. Nagulat pa siya sa ginawa ko. Pero unti unti niyang nakuha ang kasagutan nang mag salita si Miguel.

"Jennyrose... " mahinang tawag niya sa akin.

Dahan dahang kong idinilat ang mga mata ko at walang emosyong tumingin sa kaniya. Unang salubong palang pero parang gusto ko nang sumuko. He was hurting... Pero nilalabanan niya ang akusa ng isip at puso niya.

Gusto niyang mang galing sa akin ang kasagutan. Gusto niya akong mag dahilan. Makikita mo iyon sa mga mata niya.


Makahulugan kong nilingon si Sandro na pinapahiwatig na iwan niya muna kami sa pamamagitan ng aking mga tingin.


Umatras naman siya at sa isang iglap lang ay wala na siya at nag uusap na kami ni Miguel.


"P-pinilit ka ba niya? " utal na tanong niya at makikita sa mukha niya na nainis siya kay Sandro.


Gusto kong hawakan ang pisngi niya. Ngunit nanatili lamang malamig ang ekspresyon ng mukha ko.


"Hindi niya ako pinilit. Ginusto ko, " malamig na sagot ko na ikinatigil niya panandalian.


Umiling siya. "No, Jennyrose. Love. Don't lie to me, please? "


Napapikit ako dahil sa pagmamakaawa niya.

No, please. Don't beg...



"Hindi ako nag sisinungaling. " pinatatag ko ang boses ko na anumang oras ay pipiyok na.


Saglit na natahimik si Miguel. "Kaya kong kalimutan iyon, my adilove... Kaya t-tara n-na? " tila inaaya niya ay isang bata na takot na takot siyang mawala ito.


Bahagya akong umatras at umiling. "Ikaw ang nauna. Hinalikan mo si Jenna! "


Umiling si Miguel at sinubukang abutin ang kamay ko. Umatras ako.


"Don't. I... Hate you... " no... I love you...




Hindi ko kaya. Paano ko nagagawang sabihin ang katagang iyon?


Parang tumigil ang mundo ko habang pinagmamasdan ang mga luha nitong sunod sunod na nahulog sa mga pisngi niya.

He was crying... And I'm the reason...


"I'm sorry... B-but I don't know, m-my adilove... P-please f-forgive m-me. H-hate me whenever you want. J-just don't do this, p-please? " pagsusumamo niya na halos ikabasag ng puso ko. No, basag na basag na.


Tila parang may nagbara sa lalamunan ko. Gusto ko siyang yakapin nang lumakas ang iyak niya.


No, please. Don't cry.


"Huwag mo' akong iyakan. Tapos na ang lahat simula nang tugunan mo ang halik ni Jenna sa'yo. " please, let me go... masasaktan lang tayo....


"No. P-please. I can't breathe w-without y-you... "


Halos lumuhod siya nang bitawan ang mga katagang iyon. Hanggang sa gawin na nga niya. Gusto ko siyang yakapin at patayuin. Ngunit tila nag mistulang mga ugat ang aking mga paa sa lupa at hindi makaalis sa kinalalagyan.



Parang nadudurog ang buong pagkatao ko. Paano ko naaatim na makitang nakaluhod siya sa harapan at nagmamaka-awa?


"Let me go, Miguel. I don't love you anymore. Just let me go. The game is over."


Mas lalong lumakas ang iyak niya at sunod sunod na umiling. At dahil doon ay hindi ko na napigilang hindi mapaiyak.



Nag angat siya ng tingin. Napatakip ako sa aking bibig. "No, you love me and that's why you're crying, " pilit niya.


Inabot niya ang kamay ko. Pinilit kong baklasin iyon pero masyado na akong nanghihina.


"K-kaya kong kalimutan ang lahat para sa'yo. K-kaya kong talikuran ang mundong ginagalawan ko para sa'yo. Kaya k-kong saktan ang sarili ko huwag kalang m-masaktan. Kaya kong i-alay ang lahat para sa'yo huwag mo lang akong i-iwan. "

"You're my f-future, J-jennyrose... At kapag nawala ka parang wala na akong plano sa b-buhay... J-jennyrose, Please... I-i'm begging... My future... D-don't... "


Inabot niya ang aking pisngi at nakangiting pinahid ang luhang tila isang ilog kung rumagasa na walang tigil.


Dahil sa ginawa niya ay lumakas ang iyak ko.


Why, Miguel? Nahihirapan akong bitawan ka pagka ganito ka.


"Stop torturing me like this, Jennyrose. I can't lose you... "


"You already lost me, Miguel... "

Napayuko siya sa sinabi ko at dahan-dahang dumaosdos ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko.


Matapang akong nakatingin sa kaniya habang tumutulo ang mga luha.


Kapag nakikita ko siyang umiiyak parang nababasag ako. Nahihirapan ako at nakokonsensya. At nasasaktan...



Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now