Kabanata 7

658 17 1
                                    

Kabanata 7






"Ms Bilarmino, hija. Kailangan mo talagang makabawi sa subject ko dahil kapag nag patuloy pa itong pag bagsak mo sa mga exam at quizzes ay hindi ka makakaakyat ng kolehiyo. Gusto mo ba iyon? " tanong sa akin sa huli ni Mrs Gonzago, ang teacher ko sa math.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay ko at sa records ko na nasa hita ko.

Kailangan ko talagang makausap si Miguel at makumbinsi tungkol dito.

Ayaw kong bumagsak kasi ayaw kong madisappoint sa akin sina Mommy.

Tinignan ko ulit si Mrs Gonzago at nginitian. "Susubukan ko po, Ma'am. Babawi po ako, j-just give me a time... " pagmamakaawa ko.

Tinitigan ako ng ilang sandali ni Mrs Gonzago at tumango din kalaunan.

"Okay, hija. I will. You can go now and goodluck. "

Tumango ako at dahan dahang tumayo at balisang naglakad paalis ng math facility.

"Ano ng gagawin ko? " mahinang tanong ko sa aking sarili at madadama din doon ang kabiguan.

Mahihirapan pa yata kasi akong makumbinsi si Miguel na turuan ako dahil ayaw niya sa akin at naiinis siya.

At isa pa, alam niya na gusto ko siya. Kaya mas lalong hindi siya papayag niyan na turuan ako.

Pero puwede ko naman siyang kausapin ng masinsinan diba? Pero sinusungitan naman niya ako!

"Oh anyare diyan sa mukha mo? Parang pasan pasan mo na ang mundo, may pinaglalamayan ka rin ba? " natatawang tanong sa akin ni Janella.

Malakas akong napabuntong hininga at halos mangiyak-ngiyak na tinignan si Janella.

At imbes na matawa sa biro niya ay para akong pinagbagsakan lalo ng langit at ulap sa sobrang kabiguan at doon sumapok sa akin ang katotohanan.

"Sis, help me! " parang bata kong sinabi na ikinakunot ng noo niya.

"Why? May problema ba? "

Tinignan ko siya. "Babagsak ako sa math at kailangan ko si Miguel, " paliwanag ko.

Nangunot ang noo niya at napangiwi. "Bakit siya pa? Marami namang puwedeng magturo sayo at higit na mas matalino pa sa kaniya. " aniya.

Hindi ako nakapag salita kaagad.

"At saka, diba ayaw niya sayo? At sinusungitan ka rin niya? " aniya na ikinawala ng pag asa ko lalo.

"Paano na iyan? " mahinang tanong ko at pabagsak na humiga sa damuhan.

"Jennyrose, puwede naman si Sandro. " biglang sinabi niya na ikinabangon ko.

Napatingin ako sa kaniya at napakamot sa aking pisngi. "Eh isa din iyon eh. " bigong tugon ko.

Inirapan niya naman ako. "Subukan mo! Wala namang mawawala. At saka mas malala naman yung kay Miguel, ano kaba naman? "

Bumuntong-hininga ako. "Baka nakakalimutan mo na hindi siya nagtuturo lalo na kapag hindi ka talaga makaintindi?" bulong na tanong at pagpapaalala ko kay Janella.

Tinignan niya ako at nginiwian. "Eh hindi ka naman ganon, gaga! "

Napapikit ako ng mariin. Hindi ko rin talaga maloloko ang isang ito.

Ayaw ko kasi sa kanila. Gusto ko ay si Miguel lang, kasi mas marami pa yata akong matututunan sa kaniya kahit na sungitan man niya ako.

"Ang sabihin mo lang kaya mas gusto mo si Miguel ang mag turo sayo kasi lagi mo siyang makikita! " untag niya.

Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now