Kabanata 29

646 11 0
                                    

Kabanata 29






"Tumakas ka na naman ba sa inyo? "

Dahan dahan akong tumango.

Balisa ako dahil sa na laman ko. Hindi ko matanggap. Ang hirap tanggapin na nagkakagulo kaming lahat dahil sa isang pagkakamali.

"Miguel can I ask? " mahinang tanong ko sa kaniya.

Tumango siya at inabutan ako ng water. Tinggap ko iyon bago mag salita.


"Kapag ba sinabihan kitang mag hiwalay na tayo papayag kaba? " tutok na tutok sa kaniya ang mga mata ko habang sinasabi ko ang mga katagang iyon, inaabangan ko ang magiging reaksyon niya. Nakita ko ang bahagyang pag salubong ng kaniyang mga kilay.



"No. I want to know your reason first before I let you go. Bakit mo natanong, may balak ka? " biglang lumamig ang boses niya. Pero  akita ko ang sakit sa kaniyang mukha.


Lumunok ako at nag iwas ng tingin. Yeah... Reason...



"W-wala naman... " lumunok ako at bumuntong hininga. "At wala akong balak... "


Tila nakahinga siya ng maluwag at pagkakuwan ay ngumiti sa akin na siya namang biglang pag gaan ng pakiramdam ko.


Kahit hindi ako nakatingin kay Miguel ay ramdam kong nakatitig ito sa akin kahit pa ngumiti siya kanina.


"What's bothering you? "


Lumapit siya sa akin at nag hila ng upuan at hinarap ako.



Nag tama ang mga mata namin kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya. Paano ako makakapag desisyon ng maayos kung gan'to siya?


"Hey, you okay? I'm worried, " nag-aalala ang boses niya.



Tumikhim ako. "S-sorry... "


Napatitig siya sa akin at umiling. "Ano bang nangyari? "




Yumuko ako. "I'm sorry kasi nagkakagulo ang mga pamilya natin..." mahinang sabi ko.




Natahimik siya dahil doon.


Hinawakan niya ang kamay ko kaya bumagsak ang tingin ko roon.


"Shh... Labas tayo sa gulo ng mga matatanda. 'Wag na lang tayong mangialam sa away nila, okay? " masuyong wika niya na ikinalungkot ng puso ko.


Kalmado pa rin siya kahit nararamdaman na niya.



Pinili niyang maging kalmado dahil ayaw niyang isipin ang bagay na iyon na baka mangyayari bukas o sa susunod na araw.



Ramdam ko ang takot sa kaniya. Huwag siyang matakot. Dahil para rin naman sa aming dalawa ito. Babalik din naman ako e...


Tumayo ako at inilapit ang mukha kay Miguel. Tila na estatwa ito sa ginawa ko. Lumapat ang aking mga kamay sa balikat nito at dahang dahang nilapit ang aking mukha sa kaniya.



"Jennyrose... " makakapa ang pag pipigil sa boses nito, naramdaman ko din ang pag lapat ng mainit niyang hininga sa aking mukha nalanghap ko din ang mabango nitong hininga.



Hinalikan ko siya. Mapusok. Madiin. Walang pagtutol akong nakuha mula sa kaniya. Humahalik siya sa akin pabalik.




"T-touch me n-now... " mahinang sabi ko sa kabila ng aming mapusok na halikan.



Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon