Kabanata 19

624 10 0
                                    

Kabanata 19








Mabilis kong itinulak si Sandro at napatayo dahil sa ginawa niya.

Nanlalaki sa gulat ang aking mga mata ngunit malinaw ang galit sa mga iyon.


"A-anong g-ginagawa mo?! " galit na tanong ko sa kaniya.


Ilang beses siyang napalunok ngunit nanatili siyang walang imik.


Napahawak ako sa aking labi at halos maluha ako nang maalala ang ginawa niya.

"I-i'm s-sorry, J-jennyrose, " pag hingi niya ng tawad at bakas din sa kaniyang mukha ang pag sisisi.

Umatras ako nang mag tangka siyang hahawakan ako.


Matalim ko aiyang tinignan.

"W-why did you do that? " Halata ang galit at inis sa boses ko. Hindi ito p'wede...


Lumunok siya ng laway at sinubukan ako muling hawakan sa kamay. Ngunit mas lalong inilayo ko lamang ang aking kamay mula sa kaniya.


"Huwag mo akong hahawakan," madiin kong sinabi na may halong pagbabanta.


Nagmamakaawa niya akong tinignan. Panay din ang bukas sara ng kaniyang bibig, ngunit ni katiting na salita mula sa kaniya ay walang lumabas doon.



Tuliro akong napailing. "S-sandro naman eh... "



Ayon nalang ang tanging nasabi ko. Wala akong masabi pero malinaw sa akin ang galit pero hindi ko mailabas labas.



Bakit niya ako hinalikan? Hindi ko iyon gusto. Lalo na't hindi ko siya gusto at naunahan na siya at hinding hindi ko rin naman siya magiging boyfriend.



Hindi maganda ang ginawa niya. Samo't saring emosyon ang nararamdaman ko. Pero mas nangibabaw sa mga iyon ang galit.


"I-i'm sorry, J-jennyrose. I-i like you... "


Natigilan ako dahil sa huling sinabi niya ngunit dahan dahan akong napailing.


Napaatras ako. "N-no... "

Mapait siyang napangiti at makikita sa mga mata niya ang pait at sakit.

"I know. Alam ko naman n-na hindi mo ako m-magugustuhan... Pero makulit a-ang puso ko. Dahil nagustuhan pa rin kita kahit na alam kong walang pag asa... "



Nahigit ko ang aking pag hinga. Hindi ko alam na ayan pala ang takbo ng isip niya.


"Sandro kaibigan lang ang turing ko sayo... "


Nag iwas siya ng tingin at mapait na natawa. "Lagi naman... Alam ko na iyon sa umpisa palang..." sabi niya. "Pero ang manhid mo tangina naman oh... " bulong niya.


Hindi ko alam kung magagalit ba ako dahil sa nag mura siya. Pero nakaramdam din ako ng awa sa kaniya. Dahil hinding hindi ko masusuklian ang gusto niyang mangyari o kung mahal ba niya ako.

"I love you, Jennyrose. But you love him... "


Doon na ako tuluyang natigilan dahil sa mga salitang binitawan niya.


He knows. Sa simula palang alam na niya at nararamdaman na niya.


"I'm sorry, Sandro."

Mapait niya akong binigyang muli ng isang ngiti.


Mapupungay na tumingin sa akin ang mga mata nitong nasasaktan.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now