Kabanata 43

1.4K 10 0
                                    

A/N: matatawag ko nalang talagang writer ang sarili ko kapag natapos ko sa taong ito-itong series na'to huhu.

Kabanata 43


Hindi siya umuwi buong gabi. Hinintay ko siya. Pero ngayon ay nasa baba na ako. At katabi ko ang maleta ko.


Gusto kong mag paalam sa kaniya bago ako umalis at alam kong katangahan iyon.


Pero gusto ko lang naman siyang makita sa huling pagkakataon.


Bumukas ang pinto at niluwal no'n ang seryosong si Miguel. Napangiti pa ako, ngunit gano'n na lang nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko si Jenna na nasa likod ni Miguel.

Nag angat ito ng tingin sa akin. Malungkot ang malamlam nitong mga mata at makikita rin doon ang awa.


Ngunit umiling lang ako sa kaniya at binigyan siya ng isang ngiti.


Nilagpasan ako ni Miguel na tila ba hindi niya ako nakita. At kasabay ng pag lagpas niya sa akin ay ang tila pag guho ng aking puso na tila tinalikuran niya.

Hinarap ko siya. Dahil ayaw kong nakatalikod ako sa kaniya. Dahil parang tinalikuran ko na rin ang pagmamahal ko sa kaniya.

Parang tinatawag ako ng mga mata ni Jenna. Humihingi din ito ng tawad sa pamamagitan ng tingin.

Ngunit wala akong ginawa kundi ang ngitian siya sa kabila ng sakit. Dito ko na itanong sa aking sarili na paano ako nakakangiti sa kabila ng sakit na nararamdaman ko?


Ang tanga ko naman at sinundan ko sila. Hinang-hina ako. Sinasaktan ko talaga ang sarili ko.


Gano'n na lang kung gumuho ang mundo ko nang makita ko ang bagay na ginagawa niya sa akin.

Hinahalikan niya si Jenna at unti-unti niyang tinatanggal ang strap ng sando nito.


Bago ko pa man makita ang lahat ay tila namanhid ang buong katawan ko at kasabay nu'n ay ang pag dilim ng paningin ko.

And I heard him...

"I love you, Jenna..."


At nagising na lang ako na nasa hospital na ako.


Umungol pa ako dahil sa sakit ng aking dibdib.

Mahina akong nag salita na hindi ko naman narinig at naintindihan.

Siguro sa sobrang panghihina. At sa sobrang panghihinang iyon ay naipikit ko na lang ang aking mga mata.

"Jennyrose... " narinig ko ang mahinang boses ni Miguel kaya na idilat ko ang aking mga mata.

Nasa tabi ko na siya at naguguluhang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako para hindi siya mag-alala. Pero iba ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Nanghihinala.


"Umaarte ka lang 'di ba? " gumuho lahat ng sa akin dahil sa tanong niya.


Namalayan ko na lang na may tumulong luha sa pisngi ko. Kaya naman ibinaling ko iyon sa ibang direksyon. Hindi ko na kayang tiisin ang sakit sa tuwing nakikita ko siya.

Gabi-gabi akong umiiyak sa tabi niya na walang tunog. Hindi ko alam na nag bibigay pala iyon lalo ng bigat sa dibdib ko. Sa ilang araw kong nanatili sa tabi niya walang araw na hindi ako umiiyak dahil sa ginagawa niya sa akin. Pero mahal ko siya, at hindi ko siya kayang iwan. Kasi sinabi ko sa sarili ko na dapat manatili ako, dapat bumawi ako.


Midnight Tears (Casa Bilarmino #2)Where stories live. Discover now