Chapter 13

258 8 0
                                    

Ngayong araw na ang event at nandito ako ngayon sa hall namin. Maaga pa naman at mamayang alas-nuebe pa mag-uumpisa ang event kaya abalang-abala sina Dahlia.

"Come here Claire lalagyan kita ng make-up." saad ni Ava.

"Yung damit na susuotin mo ay na kay Prince Jasper at kukunin lang daw ni Raven sa kanya." dagdag pa nito.

"Kailangan bang may make-up?" tanong ko.

"Well yeah so please upo na dito sa harap ng salamin." saad nito.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa harap ng salamin. May kinuha siyang make-up kit at sinimulan ang pag-ayos sa mukha ko.

Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating si Raven na may dalang box at nilagay ito sa harap ko.

"This is your outfit para mamaya." saad nito.

"Rave paki-ayos muna ng buhok niya since marami ka namang alam sa mga ganyan." saad ni Ava.

"Ano ba gusto mo Claire?" tanong nito sa akin.

"Ahm like simple braid lang." sagot ko.

"Okay ako ang bahala." saad nito.

Matapos ang isang oras ay tapos na rin sila sa pag-aayos sa akin at susuotin ko na lang yung damit na susuotin ko para sa event. Binuksan ko na yung box at kitang-kita ko na nag-aantay sila sa magiging reaksyon ko.

"What do you think?" tanong ni Ava.

"Its beautiful pero mukhang napaka-fit nito sa katawan ko." saad ko na nakangiti.

Ang kulay ng damit ko ay pula na may halong itim tsaka kita yung balikat ko at may maikling kapa rin ito at black skinny jeans naman ang pambaba tsaka black boots na may heels na hanggang three inches ang taas.

"Ang ganda mong tingnan." saad ni Ava.

"It match the color of lipstick." saad naman ni Raven.

Ang color ng lipstick ko ay dark red na matte at ang eye shadow ko naman ay silver at nilagyan rin nila ako ng black eye liner tsaka mascara.

"Mukhang handang-handa ka na ah." saad ni Mike na bagong dating.

"Nga pala, sabi ni headmaster ay dapat nandoon na kayo sa field 15 minutes before the start of the event." saad nito.

"Si Prince Jasper nasaan?" tanong ni Raven.

"Nandoon na siya sa field kasama sina Princess Isabella." saad nito.

"Nakakain na ba kayo?" tanong nito.

"Hindi pa." saad ni Ava.

"Tara sa field maraming pagkain doon." saad nito kaya lumabas kami.

Pagkarating namin sa field kaunti pa lang ang mga estudyante. Nagulat ako ng bigla akong hinila ni Raven papasok ng pulang tent.

"May problema ba?" tanong ko.

"Wala naman pero dapat kasi surprise yung appearance niyo sa mga students kaya mabilis kitang hinila papasok." saad nito.

"Oh nandito na pala kayo." saad ni Prince Jasper na nakaupo sa isang sofa sa loob ng tent.

"Kumain na muna kayo bago pumunta sa designated area natin." saad nito sabay turo sa mga pagkain sa mesa.

Kumuha lang ako ng kaunti dahil busog pa naman ako. Pagkatapos nilang kumain ay umalis na rin sila at naiwan si Prince Jasper.

"You are going to use this bow mamaya." saad nito sabay bigay sa akin ng isang pana na mukhang nagbabaga dahil sa nakapalibot na gems dito at may kasama rin itong mga palaso na may mga gems din.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now