Chapter 10

366 11 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas pagkatapos naming maghanap ng impormasyon at  araw-araw na rin akong sinasanay ni Prince Jasper. Mas naging malapit ako sa kanila ni Jess ganun na rin si Dahlia. Papunta kami ngayon ng hall dahil may mahalaga raw na sasabihin si headmaster at kasama ko si Dahlia na nakahawak ng mahigpit sa braso ko.

"Ano kaya ang sasabihin ni headmaster?" tanong ko.

"I heard from Princess Isabella na may event daw." sagot nito.

"Alam mo ba na every time na may bagong students dito may event na ginaganap para sa new student." saad nito.

"No." saad ko.

Nakarating kami sa hall at umupo kami sa tabi nila ni Jess at ang apat na maharlika ay nakaupo sa harap ng stage. Ilang sandali ay dumating na rin ang ibang mga guro at pati na rin si headmaster na may hawak na scroll.

"Good morning students!" bati nito bago binuksan ang scroll.

"I have an announcement to all of you that on monday next week we will have an event for the ten new students of the academy. This event are planned by the teachers and student government with the permission of the great five kingdoms." saad nito.

"Now all of you listen especially the new students. This event is about a task that you have to complete at the end of the day. This will a four group competition base on you team. On the day of the event we will give a card of where your task is written. There will be rules in this that will be explained to you by group masters after classes. I want all of the students to wear your team color on the day of the event because the kings and queens of the five kingdoms will be attending." saad ni headmaster at isinara ang scroll.

"You are only allowed to train from tomorrow to saturday which is three days only. That's all everyone you may now go to your classes." saad nito at yumuko ng ilang segundo at umalis.

Lumabas na rin kami at nag-uusap sila tungkol sa event at sumasali na rin si Dahlia.

"Mahirap ba iyon?" tanong ni Aira.

"Depende kasi iba-iba ang mga task ng bawat grupo eh." sagot ni Dahlia.

"Hindi ba mukhang madaya dahil mag-isa lang ako." saad ko.

"Well good luck Claire." sabay na sabi nila at tumawa lang si Dahlia.

"Huwag kang mag-alala dahil pinapanood naman namin kayo niyan." saad ni Dahlia.

"Kaya huwag kayong mag-alala dahil kapag may mangyari masama sa inyo ay may magliligtas sa inyo." saad pa nito at tumango lang kami.

Pumasok na kami sa klase at nakinig ako ng mabuti dahil gusto kong mas madagdagan ang kaalaman ko sa mundong ito.

Matapos ang klase ay sabay na rin kaming nag-lunch at magkasama rin kami hanggang sa matapos ang klase. Uwian na pero pumunta muna kami sa hall ng group namin at sumama naman si Dahlia sa kanila ni Sofie at Cyd kaya mag-isa akong nagtungo sa hall namin.

"Hello Claire!" bati sa akin ni Ava pagkabukas ko ng pinto.

"Hello din po!" bati ko pabalik.

"Umupo ka muna dito dahil may pinag-uusapan pa sina Raven at Prince Jasper." saad nito sabay turo sa akin ng upuan.

Umalis ito at pumasok na room na pinasukan ko noon kaya tumayo ako at kumuha ng libro para magbasa. Halata na laging nililinisan ang mga gamit dito dahil kahit walang nagbabasa ng libro ay malinis pa rin ito. Nagsimula akong magbasa hanggang sa matapos ko ito. Mabilis ko lang itong matapos dahil hindi naman ito masyadong makapal kaya ibinalik ko ito at naghanap ulit ng bago libro.

Mga tatlong libro na rin ang nabasa ko at halos isa at kalahating oras na ako rito pero hindi pa rin sila lumalabas ng silid.

"Ang tagal naman nila." saad ko sa sarili ko.

"Kanina ka pa nandito?" tanong ni Mike na kakarating lang.

"Oo pero mukhang abala pa sila." saad ko.

"Ganun ba, sandali puntahan ko lang sila." saad nito at pumasok na rin sa silid na iyon at ilang sandali ay lumabas silang lahat.

"Sorry Claire at pinahintay ka namin." paghingi ng paumanhin ni Raven.

"Ayos lang." saad ko at nginitian ito.

"I'll talk to her alone and the three of you should complete the design by tomorrow." saad ni Prince Jasper at pumasok ulit sa silid.

"Go on Claire para makapagpahinga ka na dahil paniguradong magiging strict siya sa iyo bukas." saad ni Ava kaya pumasok na rin ako sa silid at nadatnan siyang nakaupo sa silya sa harap ng mesa.

"Take a seat." saad nito kaya umupo ako sa isang bakanteng silya.

"I'll just give a brief explanation about the rules of the event." saad nito.

"First rule is no cheating so dapat maging tapat ka sa event na ito. Second, don't hurt your fellow student at sigurado namana kong hindi ka mananakit kaya may tiwala ako sa iyo. And third, no stealing of points so kung ano ang target ng isa huwag mong kunin." saad nito.

"Iyan lang naman ang mga rules so huwag mong kalimutan and I am expecting that you would be here tomorrow before five in the morning." saad nito at tumayo.

"Uhm wait bakit masyadong maaga?" tanong ko.

"For you to be alert at any time." saad nito.

"So Clary please don't be late." saad nito at lumabas.

"Clary? Sino iyon?" tanong ko bago lumabas.

Mga ibang members lang ang nakita ko at wala na silang apat kaya nagpaalam na rin ako sa kanila at dumiretso ng dorm dahil gabi na at paniguradong nag-aalala na sa akin si Dahlia.

"Bakit ngayon ka lang? Saan ka ba nanggaling?" tanong nito pagkapasok ko ng dorm.

"Sa Flame hall." sagot ko.

"Bakit ang tagal mo eh kanina pa nga kami nakabalik dito?" tanong nito.

"Busy pa kasi sila kaya hinintay ko na lang na matapos sila." saad ko bago kumuha ng damit at pumasok sa banyo para maghugas ng katawan bago matulog.

"Hindi ka kakain?" tanong nito sa labas ng banyo.

"Hindi na." sagot ko at nagbihis.

Paglabas ko ay wala na siya kaya hinintay ko na lang siya bago matulog.

Ilang sandali ay dumating ito na may dalang plastic na may lamang pagkain at nilagay niya ito sa mesa kaya lumapit ako sa kanya.

"Masamang matulog kapag walang laman iyang tiyan mo kaya kumain ka muna kahit konti lang." saad nito kaya kumain na rin ako.

'Tomorrow is gonna be a one of hell of a day'

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now