Chapter 14

240 9 0
                                    

Pagkapasok ko sa gubat ay mabilis kong binuksan ang envelope at napalaki ang mata ko ng makita ko ang nakasulat dito.

"How can I find a dragon egg sa laki ng gubat na ito?" tanong ko sa sarili ko.

"What if dumating nanay nun tsaka atakehin ako? Hindi ba't delikado iyon?" tanong ko pa.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nagagandahan ako sa gubat dahil kulay nito na berde at may lumilipad na mga paru-paro. May nakita rin akong ilog at may mga maliliit na mga isda na lumalangoy dito.

Abala ako sa pagtingin sa paligid kaya hindi ko namalayan na nakatapak pala ako sa isang malambot na lupa at ilang sandali ay nahulog ako.

"Oh shit." mura ko ng marandaman ko ang sakit sa likod ko dahil sa pagkahulog.

Dahan-dahan akong tumayo at nakita ko na napakataas ng nahulugan ko dahil kasing liit na lamang ng bola ang butas na nahulugan ko.

Maliban sa butas ay wala na akong makikita kaya gumawa ako ng kunting apoy sa kamay ko. May nakita akong lagusan kaya pumasok ako rito. Hawak ko sa kanang kamay ko ang isang dagger ko habang sa kaliwa naman ay ang maliit na apoy bilang ilaw. Napatigil ako sa paglalakad na may naririnig akong mga yapak na papunta sa direksyon ko. Mahigpit kong hinawakan ang dagger at iwinasiwas ko ito ng marinig ko ang malakas na yapak. Ramdam ko ang lakas ng pagsangga sa dagger ko kaya napatingin ako nakahawak ng espada at kita ko ang gulat sa mukha nito.

"Sofie?" tanong ko.

"Oh god Claire muntik mo na akong mapatay." saad nito.

Binaba ko ang dagger at ganun rin ang ginawa niya.

"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko.

"Well I got lost kaya hindi ko alam kung nasaan si Cyd." saad nito.

"Pwede naman siguro na sumama sa iyo di ba?" tanong nito.

"Hindi ko alam tsaka wala naman sigurong mali doon." saad ko at nagpatuloy sa paglalakad at mabilis naman itong sumunod sa akin.

"Alam mo ba kung paano lumabas dito?" tanong nito.

"No." sagot ko at hinampas niya ako sa braso.

"Seryoso? Paano kung hindi tayo makalabas dito?" saad nito na halata ang takot sa boses nito.

"Maging alerto ka na lang dahil baka mamaya may makalaban tayo dito." saad ko.

"Like what? Scorpions? Snakes? Worms?" tanong nito.

Napahinga ako ng malalim bago tumigil sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"Maybe o mas delikado pa." saad ko.

"Kaya pwede bang tumahimik ka muna dahil baka makakuha ito ng atensyon nila." saad ko at napatango lang ito.

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at napadpad kami sa isang malawak na silid na may limang iba't ibang lagusan.

"Oh goodness! Saan tayo dadaan?" tanong nito.

"Hindi ko alam." sagot ko.

"Wala namang sinabi sa akin si Prince Jasper na may ganitong mangyayari." saad ko pa na ikinatingin niya sa akin.

Dahlia's Pov

Pumasok na silang lahat and I am so excited sa magiging result. Nakaupo ako sa unahang bahagi at katabi ko sina Ava at iba pang mga parte ng noble family at sa harap namin ang mga royal family.

"Good luck Claire." I whispered when she entered the forest.

May lumabas na malaking screen made of silver and it is divided into four at makikita rito ang apat na grupo.

We saw all of them fell into a pit at masasabi ko na si Sofie ang may pinakamalakas na sigaw na ikinatawa ni Princess Isabella ng mahina. Cyd and Sofie got separated and we saw Claire holding a fire on her hand at sina Aira ay light stick na hawak same sa kanila ni Jess.

"Shit. The light stick is with Cyd." saad ni Sofie at ginamit ang ilaw ng espada nito para makita ang daan.

"She's Intelligent." saad ni Queen Issa.

"Thanks mom." saad naman ni Princess Isabella.

Nakita namin na nagkasalubong sina Claire at Sofie at kung paano tinutukan ni Claire ng dagger si Sofie.

"That was swift." komento ni Prince William.

"I know." saad ni Prince Jasper na ikinatawa ni Prince Jeff at Princess Isabella.

"You know what, I think you should watch silently." saad ni Princess Isabella.

Tumahimik naman sila at bumalik sa pagtingin sa screen. Magkasamang naglalakad ang dalawa at panay salita si Sofie at parang wala lang ito kay Claire. Napatigil sa paglalakad ang dalawa at napadpad sila sa isang malaking silid na may iba't ibang lagusan.

"Oh Prince Jasper daw." saad ni Prince Jeff na halatang tinutukso si Prince Jasper.

"Why does it sound so nice when she is the one saying your name?" tanong naman ni Prince William na nakatingin kay Prince Jasper.

"Oh shut up." saad nito na ikinatawa nila.

Kita rin na papalapit si Cyd sa puwesto nila at sa isang lagusan siya dumaan. Halata sa mukha ni Claire na alam niyang may paparating at mahigpit itong nakahawak sa dagger niya at tinutok ito sa daan na dinadaan ni Cyd.

"What's wrong?" tanong ni Sofie at tumayo ito sa likod ni Claire.

"Someone's coming." saad nito at hinanda naman ni Sofie ang espada niya.

Palabas na si Cyd ng lagusan ng biglang tinapon ni Claire ang dagger niya dahilan para sumigaw si Sofie.

"What the hell." mura ni Cyd ng muntik na masugatan ng dagger sa mukha.

"Oh my God! Cyd is that you?" tanong ni Sofie rito.

"Yes and why did you suddenly attacked me?" tanong nito pabalik.

"Sorry." hingi ni Claire ng paumanhin kaya napatingin sa kanya si Cyd.

"Claire, ikaw yung tumapon ng dagger?" tanong nito at napatango lamang ito.

"Now I remember that Sofie doesn't know how to use daggers." saad nito kaya hinampas siya ni Sofie sa likod.

"Ikaw na nga itong nang-iwan tapos ganyan pa ang sasabihin mo." saad nito.

"Anong iniwan? Hinanap kaya kita kaso hindi kita nakita." saad nito.

"So anong gagawin natin?" tanong ni Claire sa kanilang dalawa.

"Don't know." sabay nilang sabi.

Ilang sandali lang rin ay dumating na rin ang dalawang grupo at halata sa mukha nila ang saya ng makita ang isa't isa.

"Looks like malapit sila sa isa't isa." saad ni headmaster at napatango naman ako.

They made a plan together at halatang nakikinig sila sa lahat ng sasabihin ni Claire.

"They are only listening to her." saad ni Prince Jasper.

Wala namang sinabi ang iba kaya nagpatuloy ako sa pagtingin sa screen.

"Sabi ni Prince Jasper there are a lot of possibilities na maaaring mapalaban tayo sa mga wild creatures sa gubat na ito kaya its much more better na huwag niyong iwan ang isa't isa." saad ni Claire na ikinatango lang ng iba.

"Ang now lets get out of here using the way na hindi natin nilabasan kanina." saad nito at mas pinalaki ang apoy sa kamay nito at itinago naman ng iba ang light stick nila at sumunod sa kanya.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now