Chapter 27

201 5 4
                                    

Dahlia's Pov

Nawala na sila sa platform at lumitaw naman ang napakalaking screen kung saan sila ay aming makikita. Magkaka-ibang lugar ang napuntahan nila. Parehong nasa gubat sina Claire at Prince Raven ng Dark Kingdon habang sina Prince Jasper at Lady Samantha ay nasa isang village.

Naglalakad lamang si Claire habang papalapit sa direksyon niya ang Dark Prince. Sina Prince Jasper naman at Lady Samantha ay nagpalitan ng atake ng makita nila ang isa't-isa.

"What the hell?!" mura ni Lady Samantha.

"May plano ka bang patayin ako?" tanong nito.

"Wala pero sa kasintahan mo meron. Kaya pagsabihan mo siyang mag-ingat." saad ni Prince Jasper at iniwan ito.

"All of you should take note of that. The Fire Prince just threatened the life of my son." saad ng Dark King.

"I will make sure that you will be dead first or that girl before you touch a strand of his hair." sigaw ni Lady Dahlia ng umalis ito.

Sina Claire at Prince Raven ay nagkapalitan rin ng atake at alam ko na magaling makipaglaban ang dark prince at halata rin na alam iyon ni Claire.

"Ikaw na naman." saad ni Claire ng tinutok ng dark prince ang sword nito sa leeg niya.

"Glad to see you." saad naman ng dark prince at ibinaba ang sandata.

"Have you seen Sam?" tanong nito.

"No, I didn't see her or even Prince Jasper." sagot naman ni Claire.

"Worried?" tanong pa nito.

"Of course, I know that Jasper will have no second thought to kill her when they meet." sagot ng prinsipe.

"He wouldn't do that if she won't do anything bad." saad ni Claire.

"You don't know him. You should really be careful on choosing a person to trust. I can say that your friend Dahlia is trustworthy but still be careful. Jasper and the others are not worth of your trust since you really don't know them well enough." saad nito.

"Do you think I will believe you? You, the Dark Prince of the opposing kingdom?" tanong ni Claire.

"You do not know me. You don't know what we can do. But, we know that she's back and we have no intention to let others know about it." saad nito at umalis pero bago pa man siya mawala ng tuluyan ay may sinabi pa ito.

"Secrets and truth will come and hunt us. You will know it when the time comes. Be careful. Not all darkness are bad. Beware of who you trust." saad nito at mukhang naguguluhan si Claire at kahit kami ay naguguluhan rin.

"What in the world is he talking about? Nakalimutan ba niya na nanonood ang lahat sa amin ngayon?" patanong na sabi ni Claire sa kanyang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nagkatinginan lang kaming lahat at parehong walang alam sa pinag-uusapan nila maliban na lang sa dark king at mga kasamahan nito.

'Ano kayang tinatago nila?'

Claire's Pov

Nagpatuloy ako sa paglalakad sa loob ng gubat ng biglang may humila sa akin at mabilis na tumakbo kaya naoatakbo rin ako dahil nakahawak siya sa akin.

"Who are you?" tanong ko at tiningnan kung sino ang humila sa akin.

"What the hell?!" mura ko ng makita ang dark prince.

"Akala ko ba umalis ka na?" tanong ko rito.

"Well, someone is chasing us." saad nito.

"Baka ikaw lang. Dinamay mo lang ako." saad ko.

"Edi sana iniwan na lang kitang mamatay doon kanina. They are hunters at kahit sino ka man hindi sila magdadalawang-isip na patayin ka kapag nakapasok ka sa teritoryo nila." saad nito.

"I just hope na ligtas ang kasintahan ko." saad pa nito.

"Kahit ba na parte ka ng royal family wala silang paki-alam?" tanong ko.

"Wala since hindi sila malapit sa mga kaharian." sagot nito.

Bigla akong nakaramdam ng malakas na ihip ng hangin na papalapit sa amin kaya mabilis akong napadapa at ganun rin ang kasama ko. Nakatarak sa isang puno ang dalawang palaso kaya bago pa man ako makatingin sa likod ko ay hinila ulit ako ng prinsipe.

"We need to get out of here." saad nito at nagpatapon ng mga dark ball sa humahabol sa amin.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Sa labas ng gubat." saad nito at mukhang malapit na rin kami sa labasan ng gubat.

Pagkalabas namin ay sumalubong sa amin ang napakaraming mga lalaki na may mga hawak sa pana at palaso at ang iba naman ay may hawak na spear. Nakasuot sila ng damit na butas-butas at nakatabon din ang kalahati ng mukha nila. Napapalibutan nila kami at nakatutok sa amin ang mga sandata nila.

"Anong gagawin natin?" tanong ko rito.

"Either magpapahuli tayo sa kanila o makipaglaban." saad nito.

"Sino kayo at ano ang inyong ginagawa sa aming lupain?" tanong ng isa na mukhang leader ata nila.

"Kami ay napadpad lamang dito na hindi namin alam. Palabas na sana kami ng kami ay inyong nakita." sagot ng prinsipe.

"Hindi ako naniniwala sa inyong sinasabi sapagkat matagal ng napagkasunduan ng lahat ng taga-rito sa mundong ito na walang sinuman ang dapat pumasok sa aming teritoryo." saad nito.

"Hindi lamang kayo pumasok ng walang paalam dahil sinaktan niyo pa ang ilan sa aking kasamahan." dagdag pa nito.

"Iyon ay aming lamang nagawa dahil nauna kayong umatake." sagot nito at mukhang napakabait nito kaya napataas ako ng kilay.

"Kami ay may karapatang atakehin kayo sapagkat kayo ay nasa aming teritoryo." sagot naman nito.

"Ano po ba ang mangyayari kapag kami ay susuko sa inyo?" tanong ko at ramdam ko ang sama ng tingin sa akin ng kasama ko.

"Kayo ay mapaparusahan ng kamatayan sapagkat kayo ay lumabag sa patakaran namin." saad nito kaya napalunok ko.

"Hindi ba pwedeng ipagpaumanhin niyo na lang ang nangyayari kapalit ay tutulungan namin ang mga kasamahan ninyong nasaktan ng kasama ko?" tanong ko rito.

"Sila ay may masamang sugat sapagkat makapangyarihan ang iyong kasama. Kung maipapangako mo na magagamot silang lahat ay kakalimutan ko ang inyong ginawa ngunit, sa oras na isa sa kanila ang mawalan ng buhay maging handa kayo sa inyong sariling kamatayan." saad nito kaya napatingin ako sa kasama ko na nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"That was the first time." saad nito.

"Sumama kayo sa amin at huwag ninyong subukang tumakas sapagkat kamatayan lamang ang inyong patutunguhan." saad nito at naglakad paalis habang buhat-buhat ng iba ang kasamahan nila.

Sumunod kami sa kanila at mabilis akong napatabon ng ilong ko ng makapasok kami sa village nila.

"Fuck! What's that smell?"

The Lost PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt