Chapter 1

711 12 5
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng school namin dahil kakatapos lang ng klase. Ang mga kaklase ko ay nakalabas na dahil may pupuntahan pa daw sila pero hindi na ako sumama dahil may trabaho pa akong pupuntahan. Kahit 17 pa lang ako ay napapart-time job na ako para sa pang-araw-araw kong pamumuhay. Nakarating ako sa coffee shop na pinagtatrabahuan ko eksakto sa oras ng shift ko.

"Magandang gabi, Claire." bati sa akin ng katrabaho ko.

"Magandang gabi rin po, ate." bati ko pabalik.

Nagpalit na ako ng uniform nagsimulang magtrabaho. Tagapagsilbi ako dahil maliit lang naman ang shop pero marami rin naman ang pumupunta.

"Claire, pakikuha ng order ng lalaking malapit sa bintana." saad ni kuya Fred na tagapagsilbi rin.

Tumango lang ako at lumapit doon sa lalaki at kinuha ang order nito pagkatapos ay kinuha ko na rin counter at binigay sa kanya.

Limang oras ang trabaho ko dito at simula ala-sais ng gabi kaya hanggang alas-onse pa ako rito. Mga ilang oras na rin akong magtatrabaho pero hindi pa rin umalis ang lalaki.

"Claire, mauna na kami dahil tapos na ang shift namin." paalam ni ate Sam at lumabas ng shop.

Umalis na rin yung lalaki ata wala na ring pumapasok na customer kaya napagdesisyunan kong maglinis na.

"Claire may emergency sa amin kaya mauna na ako." paalam rin ni kuya Fred at mabilis na lumabas bago pa man ako makapagsalita.

"Ikaw na ang magsira ng shop Claire." saad ng manager namin kaya tumango lang ako at lumabas na rin siya ng shop.

Matapos kong linisin ang mga mesa ay pinuntahan ko yung pwesto ng lalaki kanina dahil iyon na lang ang hindi ko nalinis. May nakita akong libro doon kaya naisip ko na pagmamay-ari iyon ng lalaki. Kinuha ko ito at ilalagay na sana sa counter ng biglang may nahulog na card kaya pinulot ko ito.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Sunrise Academy

Claire Santos

You are enrolled in the academy.
We are hoping that you will join this
school year and be a part of the academy.

- Gerald Alfonsa, H.M.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

'Bakit nakasulat ang pangalan ko rito?'

Nilagay ko ito sa bulsa ko mabilis na tinapos ang paglilinis. Sinigurado ko na naka-lock ng mabuti ang shop bago umalis at dahil gabi na ay wala ng masyadong tao sa daan at naglalakad lang ako dahil malapit lang naman ang shop sa bahay na inuupahan ko.

Nakarating ako sa bahay at nagulat ako dahil pagbukas ko ng pinto ay nakakalat ang mga gamit ko kaya mabilis kong binuksan ang ilaw. Nagliliparan ang mga papel at nakatumba ang mga silya at basag ang mga gamit ko. Nakakalat na rin ang mga damit ko at mukhang may pumasok na magnanakaw.

Inayos ko ang mga ito dahil sigurado naman ako na walang importanteng gamit na nawala dahil wala naman akong tinatago. Nagtataka lang ako dahil bakit kailangang sirain ang mga gamit ko at maraming cards na nakakalat katulad ng card kanina na may pangalan ko.

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko at nagpahinga na rin ako at tatanungin ko na lang bukas ang may-ari ng bahay kung may alam sila sa nangyari.

-----

"Tita, nakita mo ba ang pumasok sa bahay kagabi?" tanong ko sa may-ari ng bahay na inuupahan ko.

"Wala akong nakitang pumasok sa bahay mo kagabi pero may mga lalaking nagtatanong tungkol sa iyo kahapon." sagot nito.

"Sino po sila?" tanong ko.

"Hindi ko nakita ang mga mukha nila dahil nakasuot sila ng mask. Tinatanong lang naman nila kung ilang taon ka ng nakatira dito." sagot nito.

"Wala bang kahina-hinala sa kanila?" tanong ko ulit.

"Wala naman, bakit may nawala ba sa gamit mo?" tanong nito.

"Wala naman po pero may naiwan lang silang mga card katulad nito." sagot at ipinakita sa kanya ang card.

"Eh baka naman nakapasa ka sa paaralan na ito." saad nito.

"Hindi naman po ako nag-apply." saad ko.

"Kung ganun mag-ingat ka na lang ng mabuti." saad nito at pumasok na sa bahay niya.

Pumasok na rin ako sa bahay dahil maghahanda pa ako para sa klase. Pagkatapos kong maghanda ay agad akong lumabas ng bahay at nagbantay ng jeep papunta sa eskwelahan.

Pagkatapos ng klase ko ay pumunta ako sa bahay-ampunan kung saan ako nanggaling dahil baka may alam yung nakakita sa akin tungkol sa mga card at sa academy.

"Manong guard, nandyan ba si Sister Celia?" tanong ko.

"Ah oo, pumunta ka lang sa garden dahil palagi naman siyang nanduon." sagot nito kaya pumunta ako roon.

Pagkarating ko sa garden ay nakita ko siya na nagdidilig ng mga bulaklak at may mga batang naglalaro sa paligid.

"Sister Celia." tawag ko sa kanya at lumapit rito.

"Oh Claire ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" tanong nito.

"May kailangan kasi akong malaman tsaka ikaw lang ang matatanong ko dahil ikaw yung nakakita sa akin noon." sagot ko.

"Patungkol ba sa ano?" tanong nito.

"Alam niyo po ba yung tungkol sa Sunrise Academy?" tanong ko.

"Hindi ko pa narinig iyan pero may ipapakita ako sa iyo." saad nito at hinila ako papasok sa building at pumasok sa isang kwarto na sa tingin ko ay pagmamay-ari niya.

May hinanap siya sa drawer niya kaya umupo ako sa silya sa harap ng mesa. May inilabas siyang isang box at nilagay ito sa mesa sa harap ko.

"Dito ko nilagay ang mga gamit mo noong unang pagdating mo dito. Tinanong kita kung gusto mong dalhin ito pag-alis mo pero sabi mo itago ko na lang. Ibibigay ko sa iyo ito ulit dahil baka may makita kang dahilan na maaaring konektado sa academy na sinasabi mo." saad nito.

"Paano mo nasabi iyan, Sister?" tanong ko.

"Meron kasing sulat diyan at may isang kuwentas na may naka-carve na Sunrise Academy." saad nito.

"Sige po. Salamat po rito, Sister." saad ko at tumayo.

"Pasensya ka na dahil hindi ako nakapaghanda ng pagkain para sa iyo." saad nito.

"Ayos lang po iyon." saad ko at nagpaalam na umalis.

Dumiretso ako sa shop at nagpaalam na aabsent muna dahil mukhang ginugulo ako ng mga taong nagbilin ng card at mabuti na lang dahil pumayag yung manager namin. Umuwi na ako at mabuti na lang dahil walang pumasok sa bahay at nanggulo ng gamit ko.

Binuksan ko yung box at nakita ko na ang laman nito ay isang silver dress na pambata, isang black envelope na may mark na serpent, a necklace na may Sunrise Academy na naka-carve sa likod ng sun pendant, a pair of sandals, and a little silver crown.

Binasa ko ang nakasulat sa liham at nagulat ako kaya nabitawan ko ito.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now