Chapter 22

211 6 0
                                    

Pagkapasok ko ay sumalubong sa akin ang isang napakadilim na hallway kaya gumawa ako ng konting apoy sa kamay ko at nagulat ako ng biglang may humampas sa akin kaya napatilapon ako at nawala ang apoy sa kamay ko.

"What the-"

Biglang akong nakarinig ng mga yapak na papalapit sa akin kaya mabilis kong pinalabas ang dagger.

"Sino yan?" tanong ko.

Bigla akong nakaramdam ng malamig na simoy ng hangin at mukhang may papalapit sa akin kaya mabilis kong iwinasiwas ang dagger ko sa direksyon kung saan nanggagaling ang hangin. Akala ko ay wala akong matatamaan pero bigla akong napaatras ng magtama ang sandata ko sa isang metal.

"Who's there?" tanong ko ulit at ngayon ay ginamitan ko na ng apoy at nagulat ako ng makita ko ang isang napakalaking nilalang sa harapan ko.

"Ogre." mahina kong saad pero mukhang narinig niya ito dahil mabilis siyang umatake sa akin.

Hindi ko inakala na makikipaglaban ako kaagad pagkatapos kong mawalan ng malay ng matagal. Hindi ko naman inakala na dapat pala ay handa kang magbuwis ng buhay para lamang sa task na sa pagkakaalam ko ang mukhang hindi naman mahalaga maliban na lamang kung para ito sa pagsasanay sa amin para sa pakikipaglaban.

Mabilis ang mga galaw ko sa pag-iwas sa mga atake niya pero masyado itong malaki at ang bawat atake niya malalakas.

"Oh shit" mura ko ng biglang akong hinampas ng ogre sa likod.

Sumasakit ang katawan ko kaya hindi ako makatayo kaagad. Pinalibutan ko ng apoy ang katawan ng ogre at mabilis itong natupok kaya napahinga ako ng maluwag.

"Finally." saad ko at dahang-dahang tumayo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Sana naman huli na iyon." saad ko habang naghahanap ng clue.

Kahit isang ilaw ay wala kaya masyadong madilim ang hallway. Kung hindi ako gumawa ng apoy paniguradong wala akong makita. Gawa sa marble ang wall at may mga lumang painting ring nakasabit at maraming bahid ng dugo sa dingding at sahig na sa tingin ko ay matagal na. May mga ragged clothes rin at mga kalansay.

"What is this place?" tanong ko na alam ko naman na walang sasagot.

Nakarating ako sa mukhang kweba na silid at may dalawang cyclops na sumalubong sa akin.

"What the-" saad ko at nagsimulang makipaglaban.

Mukhang mahihirapan ako ngayon dahil mag-isa lang ako at dalawa pa ang kakalabanin ko. Habang nakikipaglaban ako ay naghahanap na rin ako ng clue sa paligid na pwedeng makatulong sa akin para makatakas sa laban na ito dahil paniguradong mawawalan ako ng lakas dito.

I saw something glowing in the left corner kaya tiningnan ko ito ng maigi. It looks like a door knob kaya mabilis kong sinugatan ang dalawang cyclop na kalaban ko at mabilis na pumunta dito. Mabilis ko itong pinihit at buong lakas ko itong tinulak. Sumalubong sa akin ang isang madilim na gall pero may sinag sa gitna. Maglalakad na sana ako ng bigla kong na alala na sumunod pala sa akin ang dalawang cyclops kaya tinulak ko pabalik ang pinto bago pa man makapasok ang mga cyclops.

"I need three days of rest after this." saad ko at nilapitan yung sinag sa gitna.

The hall looks scary dahil sa dilim at napakatahimik dito. Ang umiilaw sa gitna ay isang puting rosas na nakalutang sa ibabaw ng isang malaking bato na hanggang bewang ko ang taas at may pumapatak na pulang likido galing sa mga petals.

"Dugo ba ito?" tanong ko at hinawakan ang rosas.

Nagulat ako ng biglang bumuka ang bata at lumiwanag ang paligid kaya napapikit ako.

"What the-" saad ko at napalaki ang mata ko ng makita ko ang laman nito.

"Dragon Egg." saad ko at biglang akong nakaramdam ng malakas na hampas sa likod ko.

Dahlia's Pov

It was Claire who found the sacred treasure first kaya ang saya ng mga red flames kasi paniguradong sila na ang mananalo.

"Don't be so happy, Jasper. There's still a creature that she must face." saad ni Prince Jeff.

"And I know she can kill it." saad naman ni Prince Jasper.

We saw how Claire was thrown because of the attack of the cerberus, the one that guards the treasure. Napatayo ako dahil alam ko na pagod na sa pakikipaglaban si Claire simula kanina and isa pa sa pinakamalakas na creature dito sa mundo ang makakalaban niya.

Kita rin na nahanap na ng ibang grupo ang sacred treasure kaya walang kasiguraduhan kung sino ang mananalo.

"I don't care who wins as long as all of them are safe." saad ko habang hindi inaalis ang tingin kay Claire.

Nakita ko kung paano siya bumangon para lumaban kahit na may sugat siya sa ulo dahil sa pagkatilapon niya. Mukhang nagulat pa ito nga makita ang cerberus sa harapan niya dahil napa-atras siya.

"Come on, Claire." saad ni Raven.

Tinapunan niya ito ng apoy pero mukhang wala lang ito sa cerberus kaya hinanda lamang ni Claire ang dagger niya. Nagsimulang umatake ang halimaw kaya puro iwas lamang ang ginawa nito at nag-alala ako dahil walang tigil sa pagtulo ang dugo mula sa sugat niya. Ang ibang grupo naman ay mukhang nahihirapan rin sa pakikipaglaban dahil ang bawat isa sa kanila ay may mga sugat pero kay Claire ay malala sa lahat.

"Come on, Sofie and Cyd you can do it." saad ni Princess Isabelle.

Nakita ko kung paano kinagat ng cerberus ang katawan ni Sofie at ibinalibag ito at tumama ang katawan nito sa wall at nawalan ng malay.

"Oh shit- Sof!" sigaw ni Cyd at nilapitan ito.

Nawalan na rin ng malay si Marie ng atakehin siya ng cerberus ganun na rin kay Aira at Clarisse kaya labis kaming nag-alala sa kanila.

"Oh shit." napamura ako ng makita kong kinagat si Claire ng cerberus sa braso at rining malakas na sigaw nito sa buong field kaya napatayo ako.

Mukhang mawawalan na siya ng malay dahil sa putla ng mukha niya at sa dami ng dugo na nawala sa katawan niya. Nakahiga siya sa sahig at kitang-kita sa mukha niya na nahihirapan siya at malayo pa sa kanya ang dagger niya dahil natapon ito. Papalapit ng papalapit sa kanya ang cerberus at mukhang handa ng kainin siya nito. Akma na sana itong buksan ang bunganga niya ng biglang pinalibutan ni Claire ang apoy ang buong hall na sa pagkakaalam ko ay malakas ito.

Habang distracted ang kalaban ay mabilis na bumangon si Claire at kinuha ang dagger niya at isa-isang pinutol ang mga ulo ng mga halimaw sabay ng pagkawala ng apoy. Ngumiti ito ng konti at paikahikang lumapit sa dragon egg at hinawakan ito ng mabuti. Natapos na rin ang iba at kita sa mga mukha nila ang saya.

Ilang sandali ay biglang nawala ang screen at tumambad silang lahat sa harapan namin. Eksaktong pagdating nila ng mawalan ng malay sina Claire at Jess kaya mabilis kaming lumapit sa kanila.

"You did it, Clary. I'm so proud of you"

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now