Chapter 21

259 7 0
                                    

Jess's Pov

"Guys, watch out." saad ni Clarisse ng biglang nagpaulan ng mga spears ang mga goblins sa direksyon namin.

"Hindi ba sila mauubos." saad ni Aira dahil parami ng parami ang mga kalaban at halos mapuno na ng mga bangkay ang sahig ng hall.

Iwas lang kami ng iwas sa mga spears at sinusubukan na ring naming makipaglaban pero hindi namin maiiwasan na masugatan dahil sa sobrang dami ng mga kalaban namin.

"It is time to use our magic." saad ni Marie at pinagtatapunan ng mga water balls ang mga goblins.

Iyon rin ang ginawa namin at mabilis na kumonti ang mga kalaban. Hindi kami tumigil sa pag-atake sa kanila hanggang sa maubos sila. Wala ng natira sa kanila kaya napahinga kami ng maluwag.

"Where's Claire?" tanong ko sa kanila ni Sofie.

"Andun sa gilid, nilagay muna namin siya doon ng dumarami ang mga kalaban." saad ni Sofie.

Linapitan namin siya at tiningnan kung inatake ba siya o hindi pero mukhang hindi naman dahil walang nangyari sa kanya. Dahil hindi pa siya nagigising ay tinipon muna namin lahat ng mga katawan ng mga goblins at mga weapons nito. Pagkatapos nun ay inipon ulit namin ang mga susi na nahanap namin at at hinanap ang kinakailangan naming susi para mahanap na rin namin ang pinto na dapat naming pasukan.

"Kailan kaya gigising si Claire?" tanong ni Sofie.

"Baka maya-maya ay gigising na rin siya para matulungan natin siya sa clue niya." saad ni Aira.

"Look guys, I already found our keys." saad ni Clarisse kaya mabilis na lumapit sa kanya sina Alex, Nate, at Aira.

Pinakita nila sa amin ang isang susi na kulay ginto na may gems sa gitna at may pakpak na design.

"Mabuti pa kayo, nahanap niyo na kaagad ang sa inyo." saad ni Marie.

"Huwag kayong mag-alala dahil mahahanap niyo na rin ang sa inyo at tutulungan namin kayo tsaka hihintayin rin naman namin kayo no." saad ni Clarisse at sumang-ayon naman ang tatlo.

"Basta kahit anong mangyari ay hindi natin iiwang ang isa't isa kahit manalo o matalo." saad naman ni Aira.

"Gusto rin nga sana namin na buksan iyong sulat ni Claire para malaman rin natin ang clue para pagkagising niya ay hindi na siya mahihirapan." saad ni Alex.

"Kaso hindi mabubuksan ng kahit sino man ang clue ng ibang grupo." saad ni Wade.

"Kaya nga eh." saad ni Cyd na abala sa paghahanap ng susi.

"Wait, I found it." saad nito at pinakita sa amin ang susi na nahanap niya. It was a silver key na may design na dahon.

"Ang galing mo naman Cyd." saad ni Sofie at hinampas ang likod nito kaya napangiwi ito.

"Okay ka lang Cyd?" tanong ko.

"Ito naman kasi si Sofie eh ang lakas manghampas tsaka may sugat kasi ako sa likod." saad nito kaya binatukan siya ni Sofie.

"At bakit hindi mo sinabi na may sugat ka." saad nito.

"Ayoko lang naman na mag-alala kayo." saad nito kaya sinuntok siya ni Alex.

"Gago ka ba? Eh mas lalo kaming mag-alala niyan kapag bigla kang nawalan ng malay." saad nito.

"Gaano ba kalaki ang sugat mo?" tanong ko rito.

"Medyo malaki rin kasi sa sobrang dami ng kinalaban ko kanina." saad nito kaya nag-alala kami.

"Sino pa sa inyo ang may sugat?" tanong ko dahil baka tinatago rin nila ang sugat nila pero umiling lang ang mga ito.

"Meron kaming mga sugat pero hindi ganyan ka lala kaya ayos lang kami." saad ni Alex kaya tumango lang ako.

"Mabuti naman kung ganun. Nga pala meron akong gamot dito, yung pinainom kanina kay Claire kasi tinago ko iyon bago dumating ang mga kalaban kanina." saad ko inilabas yung gamot.

Binigay ko ito sa kanya at mabilis naman niya itong tinanggap at ininom ng tiningnan namin siya ng masama.

"Sa susunod huwag na huwag kang mahihiya lalo na at nasasaktan ka dahil lagi naman kaming nandito para sa iyo." saad ni Marie kaya napangiti ito.

"And to tell you, all of are now friends from the we met." saad ni Sofie na sinang-ayunan naming lahat.

"At kahit iba-iba ang grupo natin ay mananatili ang pagkakaibigan natin." saad ni Wade.

"What about we name our group." saad ni Nate na mukhang na eexcite.

"Hm pwede naman pero tulungan niyo kaya muna kami sa paghanap ng susi namin." saad ni Marie kaya bumalik na kami sa paghahanap ng susi.

Mga ilang minuto ang nakalipas ay nahanap na rin namin ang susi na hinahanap namin. Kaya magkukuwentuhan na sana kami ulit ng bigla kaming nakarinig ng boses.

"Guys." rinig naming sabi ni Claire kaya napalingon kami sa kanya at nakita namin siyang gising at sinusubukang bumangon kaya mabilis kami lumapit sa kanya at tinulungang bumangon.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ko.

"Maayos naman tsaka wala namang masakit sa katawan ko." saad nito at nilibot ang paningin sa paligid.

"Anong nangyari?" tanong nito at dahan-dahang tumayo kaya mabilis ko siyang hinawakan.

"Nagkaroon kasi ng labanan dito kanina." saad ni Wade.

"Sobrang dami nila at ang tagal naming nakipaglaban kanina." saad ni Sofie na mukhang nagsusumbong.

"Mabuti naman at walang nangyaring masama sa inyo." saad nito at ngumiti kaya napangiti na rin kami sa kanya.

"We already found the second clue kaya open your letter na para matulungan ka namin since nahanap na namin ang kailangan namin." saad ni Aira at binigay ang pulang envelope kay Claire na agad naman niyang tinanggap at binuksan.

Binasa niya ito sa amin kaya nakinig naman kami ng mabuti.

"Find the key to open the sacred door." saad nito.

"What key?" tanong ni Clarisse.

"A silver key of blood, designed by the god of fire." saad nito at pinakita sa amin ang sulat.

"It is a silver key na may red gemstone sa gitna." saad nito at nagsimulang maghanap.

"Dito Claire oh, marami na kaming naipon na susi kanina kaya dito ka magsimulang maghanap." saad nito Marie sabay turo sa tumpok ng mga susi kaya lumapit si Claire dito.

Tinulungan namin siya sa paghahanap upang madali lang niya mahanap ito at matapos na namin ang task namin at makabalik na kami sa academy.

Ilang minuto kaming naghanap hanggang sa nakita na namin ang hinahanap niyang susi kaya ang kinakailangan na kang naming gawin ay hanapin ang karapat-dapat na keyhole para mabuksan ang pinto kung saan nakatago ang sacred treasures.

Magsisimula na sana kami sa paghahanap ng biglang umilaw ang apat na susi at lumutang ang mga ito at lumapit sa wall. Sinundan namin ito at biglang lumiwanag ang wall kaya tiningnan namin ito ng mabuti. There is something glowing at mukhang iyon ang apat na keyhole na hinahanap namin kaya mabilis naming kinuha ang susi at sinubukan ang mga keyhole kung saan pwede ang susi. Ng makita na namin ang karapat-dapat na keyhole ay binuksan namin ito at tumambad sa amin ang napakahabang hallway.

"So kailangan nating magkaka-hiwalay." saad ni Aira.

"Yeah so goodluck guys." saad ko.

"Mag-ingat kayong lahat." saad ni Claire at naunang pumasok sa pinto at mabilis na nagsara ang pintong pinasukan nito kaya pumasok na rin kami sa pinto na dapat naming pasukan.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now