Prologue

925 7 6
                                    

Nagkakasayahan ang mga tao sa buong kaharian dahil sa ikalimang kaarawan ng mahal na prinsesa Addison ng Sunlight Kingdom. Pumunta na rin sa kasiyahan ang ibang mamamayan.

Nakaupo sa trono ang hari at reyna habang ang anak nila ay nakaupo sa gitna nila.

"Mom, dad pwede po ba akong makipaglaro mamaya?" tanong ng prinsesa sa mga magulang nito.

"Oo naman basta may kasama lang kayong tagapagbantay." saad ng ama nito na ikinasaya ng prinsesa.

Dumating na rin ang hari at reyna ang ng apat na kaharian kasama ang mga anak nito. Nagpaalam na ang prinsesa sa mga magulang nito at nakipaglaro sa mga bata na pumunta sa kaarawan niya.

Lahat ng kabataan ay naglalaro sa malaking hardin ng palasyo.

"Sandali lang, pwede bang magpahinga muna tayo." saad ni prinsesa Isabella ng Terra Kingdom.

Umupo silang lahat sa damuhan at nagkukuwentuhan dahil napagod sila sa paghahabulan.

"Ano kaya kung maglaro tayo ng tagu-taguan." saad ng isang bata.

"Sige, sino ang taya?" tanong ni prinsesa Addison.

"Magplay muna tayong lahat ng 'rock paper scissor' at kung sino ang talo ay siya ang taya." saad ni prinsipe Ivan ng Aqua Kingdom.

Sumang-ayon ang lahat kaya nagsimula na silang maglaro at ang natalo ay si prinsipe Sky ng Wind Kingdom kaya siya ang taya at nagtago na ang mga bata.

Magkasama naghahanap ng matataguan sina prinsesa Isabella at prinsesa Addison.

"Doon tayo sa likod ng malaking statue ng kabayo." saad ng prinsesa Addison at hinila ang kasama nito papunta roon.

Habang nagtatago sila ay nagsimula na ring maghanap si prinsipe Sky. Nahanap na niya ang iba maliban sa dalawang prinsesa at dalawang prinsipe kaya tumulong na rin ang iba sa paghahanap.

Mga isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin nila nahanap ang apat kaya humingi na sila ng tulong sa mga tagapagbantay nila at ang ibang mga bata ay bumalik na sa mga magulang nila.

"Tulong!" rinig nilang sigaw ni prinsesa Isabella kaya mabilis silang pumunta roon at naabutan nila na wala ng malay ang dalawang prinsipe at may mga sugat ito sa ulo at ang dalawang prinsesa naman ay mahigpit na nakayakap sa isa't isa.

Lumapit sa kanila ang prinsipe at mabilis naman na bumalik ang isang tagapagbantay para ipaalam ito sa hari at reyna.

"Anong nangyari?" tanong ng prinsipe.

"May umatake sa amin na isang lalaki pero nakaalis na siya ng sumigaw si Isabella." saad ni prinsesa Addison.

Biglang na lang dumilim ang langit at mukhang uulan. Tatayo na sana ang dalawang prinsesa ng bigla silang pinalibutan ng maitim na usok na unti-unting kumukuha ng hininga nila hanggang sa mawalan sila ng malay.

Sumugod ang angkan ng itim na kaharian kaya nagkagulo ang mga tao at napatumba na rin ang mga kawala na nagbabantay sa mga prinsipe at prinsesa.

May lumapit na isang babae sa limang bata pero biglang dumating ang mga hari at reyna at kinalaban siya. Nanghihina na ang babae kaya naisipan niyang tumakas kaya hinawakan niya si prinsesa Addison at dinala ito sa pagtakas at simula nun ay hindi na nakita pang muli ang prinsesa.

Walang nakakaalam kung saan siya nito dinala ng babae dahil nalaman nila na wala na ang babae. Kaya simula noon ay naging malungkot na ang kaharian at nagluluksa sa pagkawala ng mahal nilang prinsesa.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Sunlight Kingdom
King & Queen - Charles and Addielyn
Princess - Charlie Addison

Terra Kingdom
King & Queen - Marvin and Issa
Princess - Isabella Marie

Flame Kingdom
King & Queen - Lucas and Jasmine
Prince - Jasper Luke

Wind Kingdom
King & Queen - Wilfred and Shaina
Prince - William Sky

Aqua Kingdom
King & Queen - Jameson and Ivanna
Prince - Jeff Ivan

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now