Chapter 7

275 6 0
                                    

Bawat atake niya ay sinasangga ko pero hindi maiwasan na hindi manakit ang kamay ko dahil ang lakas ng impact ng atake niya. Mga ilang minuto na rin kaming naglalaban kaya medyo hinihingal na ako. Aatake na sana ako ng bigla niyang hinila ang kamay ko at pina-ikot sa likod at tinutok ang espada nito sa leeg ko.

"You lose." saad nito.

Binitawan na niya ako kaya pinulot ko na lang ang mga dagger ko at lumapit kay Dahlia na nakatulala.

"Congratulations Claire! Ikaw pa lang ang unang babaeng nakipaglaban sa kanya na ganun katagal maliban na lang kay prinsesa Isabella." saad ni Raven.

"She deserves to be part of the Red Flames." saad ni Sofie.

"Hindi ka na naiinggit?" tanong naman ni Marie rito.

"Naiinggit pero kaibigan ko siya kaya susuportahan ko na lang siya." saad nito.

"Goodness! Kahit ako hindi makatagal ng ganun." saad ni Dahlia.

"I will train her personally so I expect you to be in the hall after your class in the afternoon." saad ni Prince Jasper.

"Everyday?" tanong ni Dahlia.

"Yes." sagot nito.

"Walang klase sa huwebes tska biyernes." saad ko.

"Then... I hope that five in the morning you will report in the hall." saad nito at umalis.

"What?!"

Bumalik na ang iba sa training nila at sina Jess naman ay lumapit sa amin ni Dahlia.

"Sa tingin ko gagaling ka talaga sa pakikipaglaban dahil siya ang magsasanay sa iyo." saad ni Sofie.

"What if pahirapan ka lang niya?" tanong ni Cyd.

"Subukan niya lang." saad naman ni Dahlia.

"Nga pala Sofie at Cyd pinapasabi ni Princess Isabella na pupunta daw kayo sa hall mamaya dahil may pag-uusapan kayo." saad nito.

"Sige po." saad ni Sofie.

"Paalala lang Claire dahil ikaw ang unang kagrupo natin na tuturuan niya kaya mag-ingat ka." saad ni Ava na sinang-ayunan naman ng iba.

Bumalik na sila sa pagsasanay kaya nagsanay na rin ako pero si Raven ang nagtuturo sa akin.

-----

Kasama ko ngayon sina Jess, Sofie, at Marie papuntang cafeteria para maghapunan. Wala si Dahlia kasi busy siya kaya masayang niyaya ako ng tatlo.

"Anong gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Marie.

"Huwag kang mahiya dahil libre naman namin eh." saad ni Sofie.

"Yun na nga eh. Simula ng dumating ako rito lagi na lang akong nililibre." saad ko.

"Saan ba pwedeng magtrabaho para makakita ng pera?" tanong ko.

"Wala kasi akong pera dahil hindi naman nagagamit dito ang pera na galing sa mundo ng mga tao." saad ko pa.

"Hindi mo na kailangan iyon dahil lagi mo naman kaming kasama at si Lady Dahlia. Kami na ang bahala sa iyo." saad ni Jess.

"Alam ko naman pero nakakahiya naman kung ganun." saad ko.

"Mababait naman mga estudyante dito kaya walang ipag-alala kung gutom ka. Tsaka wala bang grocery sa room niyo?" tanong ni Sofie.

"Meron." sagot ko.

"Iyon naman pala eh." saad nito.

Bumili na kami ng pagkain at umupo malapit sa pintuan. Susubo na sana ako ng biglang may umupo sa tabi ko.

"Hindi man lang kayo nag-aya sa amin." saad ni  Clarisse.

"Hindi namin kayo nakita kanina kaya akala namin busy kayo." saad ni Marie.

"Nga pala nasaan sina Nate?" tanong ni Aira.

"Hindi ba't kayo ang magkasama sa grupo." saad ni Jess.

"Eh nauna silang umalis kanina." saad ni Clarisse.

"Hayaan niyo na sila." saad ni Jess at sumubo ng pagkain.

Kumain na rin ako at ganun rin sila. Iinom na sana ako ng juice ng biglang may humampas sa ulo ko na ikinagulat ng mga kasama ko.

"What the hell?!" mura ni Sofie at Marie.

"Who are you to hit the back of her head?" tanong naman ni Jess sa humampas sa akin.

Tiningnan ko naman yung humampas sa akin at tinaasan ako nito ng kilay. Babae siya na mukhang maarte at halos patayin na niya ako sa tingin niya. Tinaasan ko lang naman siya ng kilay at lalo niya itong kinainis.

"Mukhang gusto nitong matamaan ah." saad ni Jess na biglang tumayo at mabilis na lumapit sa babae.

Hahampasin na rin niya sana ito ng bigla siyang pinigilan ni Clarisse.

"Huwag. Ako ang bahala sa kanya." saad nito bago hinila ang buhok ng babae.

May lumapit na tatlong babae at sumali sa away kaya mabilis namang lumapit sina Marie, Sofie, at Aira.

"Ano Risse kailangan mo ng tulong?" tanong ni Aira.

"Ako pa ba." saad naman nito.

Nagsabunutan silang lahat at kitang-kita na dehado sina Clarisse at Jess kaya sumali na rin si Aira at Sofie.

"Hindi ba natin sila pipigilan?" tanong ko kay Marie.

"Kaya na nila iyan." saad nito at nanood lamang.

"Let go bitch." saad ng babaeng nanghampas.

"I won't freak." saad naman ni Jess.

Nagsasabunutan silang lahat at ang mga estudyante ay nanonood lamang.

"Kawawa naman sila." saad ni Marie.

"Sino ang kawawa?" tanong ko.

"Yung apat na babae dahil maling tao ang binangga nila." saad nito.

"Awatin na kaya natin sila." saad ko.

Umiling ito kaya hinyaan ko na lang siya at sinubukang awatin silang lahat ng pati ako ay nadamay.

"What the-" rinig kong saad ni Marie bago sumali kaya mas lalong nagkagulo.

"Tama na." saad ko pero patuloy pa rin sila sa paghila sa akin at minsan ay nakakalmot pa ang balat ko.

Wala na akong nagawa kundi sinabunutan ko na rin yung isang babae. Masyadong malakas ang paghila ko sa buhok niya kaya napasigaw ito kaya napatigil ang iba.

"Don't mess with me." saad ko at tiningnan siya ng masama.

"Hep! Hep! Hep! What's happening here?" tanong ni Nate na kakarating lang.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong naman ni Wade.

"Mukhang binagyo kayo ah." saad naman ni Alex.

"Mukhang napaaway kayo ah." saad naman ni Cyd na natatawa.

"Bakit? Gusto mong sumali?" tanong ni Sofie rito.

"What happened here?" tanong ni headmaster na kakarating lang.

Mukhang may nagbigay alam sa kanya tungkol sa nagyari dito.

"Sila kasi headmaster eh biglang nagsimula ng gulo." saad ng babae na nakisali sa gulo.

"What the fuck are you saying?" galit na tanong ni Marie.

"I am saying the truth." sagot nito.

"Biglang sinabunutan ng babaeng ito si Lexi." saad nito na nakaturo kay Clarisse.

"Baguhan lang sila dito pero kung maka-asta parang ang tataas nila." saad naman ng isa.

"Yeah right." sang-ayun naman ng isa.

"What a liar." saad ni Aira.

"What's wrong?" tanong ni Dahlia na kakarating lang.

"Oh My God!"

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now