Chapter 6

311 8 0
                                    

Papunta ako ngayon sa hall na sinasabi ni Prince Jasper kahapon. Kasama ko si Dahlia dahil simula kahapon ay ayaw nitong humiwalay sa akin. Mabuti nga at hindi niya ako pinatulog sa sahig.

"Galit ka ba sa akin?" tanong ko.

"Hindi naman." saad nito.

"I just didn't expect na sa ibang grupo ka mapupunta." dagdag pa nito.

Nakarating kami sa isang building at sabi niya ito raw ang building at may apat na hall daw dito para sa apat na group. Dumiretso kami sa isang pintuan na kulay pula. Kumatok muna ako bago pumasok at nagulat pa ako dahil puno ng mga weapons ang hall at may iba ring mga estudyante dito.

"Sa hall ninyo ganito rin ba ang laman?" tanong ko sa kanya.

"Yes at maliban sa weapons it was also full of flowers and herbs." saad nito.

"Sa hall ng Blue Waves ay may mga sea creatures. Sa Golden Air naman ay mga bagay na lumulutang at mga ibon." saad nito.

"Kita mo naman sa hall ninyo na maliban sa weapons ay puno rin ito ng libro. Pero tahimik ka lang ha dahil hindi naman mahilig magbasa ang members ng group na ito kaya walang gumagamit ng mga librong iyan." saad nito na nagpataas ng kilay ko.

"Eh para saan iyan?" tanong ko.

"Display." saad nito.

"Oh hey Claire." saad ni Raven na papalapit sa amin.

"Hey Raven, kamusta?" tanong rito ni Dahlia.

"Mabuti naman. Sandali lang ha hihiramin ko muna ang kaibigan mo." saad nito bago ako hinila papasok sa isang silid.

'Seryoso? Ang hilig ba manghila ng mga tao dito?'

May hinanap siya sa isang cabinet kaya umupo na lang ako sa isang silya. Mga ilang minuto rin siyang naghanap pero wala pa rin siyang nahanap.

"Kailangan mo ng tulong?" tanong ko rito.

"Ah hindi na." saad nito.

"Sigurado ka?" tanong ko.

"Oo." saad nito.

Ilang minuto ang nalipas ay hindi pa rin niya nahanap ang hinahanap niya kaya tatayo na sana ako apra tutulong ng biglang bumukas ang pinto.

"Kita na lang tayo mamaya sa cafeteria Claire kasi hinahanap ako ni Princess Isabella." saad ni Dahlia at tumango lang ako bago siya umalis.

"Sa wakas nahanap na rin kita." saad ni Raven habang may hawak na pulang damit.

"This is your uniform at sana magkasya sa iyo." saad nito at binigay sa akin ang damit at tinanggap ko naman ito.

Lumabas na kami ng silid at nilibot ang buong hall. Ang ganda ng mga weapons. May mga nakalagay sa wall at ang iba ay nasa mahabang mesa na nakadikit sa wall.

"Since Monday to Wednesday lang namin ang klase every Thursday ay may meeting ang group natin at kapag friday naman ay depende na sa inyo kung ano ang gagawin ninyo na related sa klase. May binibigay naman na time si headmaster kung kailan ang training." saad nito.

"Mamili ka ng weapon na gagamitin mo." saad nito kaya namili naman ako.

May napili akong dalawang dagger na same ang design kaya agad ko itong kinuha.

"What about this one?" tanong ko.

"Sure. From now on sa iyo na iyan." saad nito.

"Alam mo ba kung paano itago ang weapon mo gamit ang mahika?" tanong niyo.

"Hindi." sagot ko.

"Halika at tuturuan kita." saad nito kaya lumapit ako sa kanya.

"Isipin mo lang na mawala ang weapon mo at kung gusto mong ipalabas isipin mo na rin na palabasin ito." saad nito na mabilis kong sinunod.

"Madali ka pa lang matuto." saad nito.

"Thank you." saad ko at ngumiti.

"Alis na ako dahil baka hinihintay na ako ni Dahlia." saad ko at tumango lang ito kaya umalis na ako.

-----

"What took you so long?" tanong ni Dahlia pagkaupo ko sa harap niya.

"Tinuruan pa kasi ako ni Raven kung paano magtago at magpalabas ng weapon." saad ko.

"So anong weapon ang meron ka?" tanong nito

"Daggers." sagot ko at kumain.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng dorm para magpahinga.

-----

Nandito kami sa field ngayon nagsasanay dahil wala kaming mga guro dahil may mahalaga silang pag-uusapan kasama si headmaster. Suot ko yung uniform ng grupo namin at kasama ko ang mga kagrupo ko.

"So Claire halika ka dito at tuturuan ka namin kung paano makipaglaban gamit ang mahika." saad ni Ava.

Lahat ng sinasabi nila ay sinusunod ko. Madali lang naman pa lang gumamit ng mahika kung gusto mong matutunan.

"Nga pala Raven hindi ba pupunta dito si Prince Jasper?" tanong ni Mike.

"Pupunta siya pero- yun na pala siya oh." saad nito sabay turo sa isang lalaki na papalapit sa amin.

"I'll train her." saad nito bago ako hinila.

Nandito kami sa hindi mataong parte ng field.

"Ilabas mo ang weapon mo." saad nito.

Nilabas ko ito at inilabas rin niya ang sa kanya at nagulat pa ako dahil mukhang nagbabaga ang sword niya. Bigla siyang umatake kaya napaatras ako. Sunod-sunod ang atake niya kaya napasigaw ako ng bigla akong natamaan sa kamay at nabitawan ko ang dagger ko.

"May plano ka bang patayin ang kaibigan ko?" sigaw na tanong ni Dahlia kaya tumigil ito sa pag-atake.

"Oh come on Dahlia its just a training." saad nito.

"Kung gaganyanin mo lang naman ang pagsasanay sa kanya mas mabuti ng ibigay mo siya sa akin at ako ang bahala sa pagsanay sa kanya." saad nito at lumapit sa akin.

"She is part of my group." saad nito.

"Look what you did to her." saad nito.

"Come on its just a scratch." saad nito.

Hinawakan ni Dahlia ang sugat ko at bigla itong umilaw ng kulay berde at ng inalis niya ang kamay niya ay wala na ang sugat.

"Scratch? Baka nakalimutan mo kung gaano katalim iyang espada mo." saad nito.

"Tama na." saad ko.

"Una pa lang naman iyon." dagdag ko pa.

"Okay lets start again." saad ko at pinulot ang dagger ko.

"That's what I like." saad nito at nagsmirk.

Lumayo na rin si Dahlia at ang iba ay nanood sa amin.

Pina-ikot niya sa kamay niya ang espada niya at mabilis na lumapit sa akin kaya napa-atras ako bago sanggain ang atake niya.

"Go Claire!" sigaw ni Dahlia.

"This is gonna be fun." rinig ko namang saad ni Raven na sinang-ayunan ng grupo namin.

The Lost PrincessOnde histórias criam vida. Descubra agora