Chapter 4

423 10 0
                                    

"These are yours." saad nito at binigay sa akin ang ilang paper bags na pinambili namin kanina.

"Ang konti kasi ng gamit mo." dagdag pa nito kaya tatanggi pa sana ako ng bigla niya akong tiningnan ng masama.

"Binili ko iyan para sa iyo kaya wala kang magagawa kung hindi ang tanggapin ito." saad nito kaya tumango na lang ako.

Inayos ko na rin ito at nagpahinga na lang dahil wala naman akong magagawa dito.

-----

Ngayong araw na magsisimula ang klase kaya maaga akong nagising at naghanda para sa klase. Si Dahlia ay tulog pa kaya naghanda na rin ako ng pagkain para hindi na kami pupunta sa cafeteria. Gumawa lamang ako ng sandwich at nagluto ng omelette at fried rice.

Nakasuot na ako ng uniform at ilang sandali ay nagising na rin si Dahlia kaya mabilis siyang naligo at nagbihis at sabay na akming kumain ng agahan.

Magkaklase naman kaming dalawa kaya mabuti na rin iyon dahil may kakilala an rin ako.

"Nga pala sa sa hall muna tayo pupunta dahil ipapakilala daw muna yung mga bagong estudyante dito katulad mo." saad nito

"Ganun ba. Ilan ba kaming baguhan dito?" tanong ko.

"Uhm sabi nila mga sampu raw kayo." saad nito.

Nakarating kami sa isang malaking silid at marami na ring mga estudyante ang narito. May nakasabit na malaking chandelier sa gitna at may limang malalaking gems sa gitna na kulay puti, pula, asul, berde, at ginto.

Umupo kaming dalawa sa unahang bahagi at hinintay na dumating si headmaster. Ilang sandali rin ay dumatung na rin ito at pumunta sa gitna.

"Good morning everyone, may I request all of the new students to come here in front." saad nito kaya tumayo na rin ako kasama ang ibang pang mga estudyante.

"They are the teenagers who are lucky to be chosen to enter this academy. I hope every one of you will have a good relationship with and help them when they need anything as they were new to this kind of environment." saad ni headmaster.

"And also, I hope that this ten new students know how to respect the four hignesses." dagdag pa nito.

"Introduce yourselves." saad nito at ibinigay sa isang lalaki ang micropono.

Bale anim kaming babae at apat ang lalaki. Sunud-sunod silang nagpakilala at ako yung panghuli. Lahat kami ay parehong nanggaling sa mundo ng mga tao pero ang pinagkaiba nila sa akin ay may kakilala silang tagarito simula noon kaya hindi na bago sa kanila ang mahika. Pagkatapos naming magpakilala ay bumaba na rin kami.

Pinapa-alala na rin niya ang tungkol sa batas ng paaralan na kailangang sundin ng lahat. Pagkatapos nun ay nagsipuntahan na kami sa aming mga klase.

Magkaklase naman kaming dalawa ni Dahlia sa lahat ng subjects kaya siya ang nagiging guide ko. Madali lang naman ang mga subjects pero tuwing hapon ay oras ng pagsasanay ng mahika. Lunch break na kaya papunta na kami ni Dahlia sa cafeteria ng biglang may tumawag sa pangalan niya.

"Dahlia wait." sigaw ng isang babae at patakbong lumapit sa amin.

"Magandang araw po, mahal na prinsesa." saad nito at yumuko.

Si prinsesa Isabella ang tumawag sa kanya.

"Aalis na kami ngayon kaya ikaw na mamaya ang bahala sa grupo at rinig ko na may labanan daw kaya galingan niyo ha." saad nito.

"Kami na po ang bahala at mag-ingat po kayo mahal na prinsesa." saad nito at yumuko ulit.

"Sige, salamat talaga ha." saad nito at umalis na rin kaya pumunta na kami ng cafeteria.

Pagkarating namin ay napakarami na ng mga estudyante. Dumiretso kaming dalawa sa counter at bumili.

"We'll have two servings of rice and fried shrimp and two glass of cucumber juice." saad nito habang ako ay nakatayo lamang sa tabi niya.

Mabilis namang binigay nung tagabantay yung binili niya at naghanap na kami ng mauupuan.

-----

Nandito kami ngayon sa isang malawak na field na sakop ng academy. Magkakaroon daw ng labanan ang apat na grupo at para na rin malaman namin kung saang grupo kami nabibilang.

"I hope na sa grupo ka namin mabibilang." saad ni Dahlia na nakahawak sa braso ko.

"Dahil kung hindi, ikaw ang lagi kong kakalabanin." dagdag pa nito na ikinangiti ko.

"Depende na iyon tsaka alam ko naman na hindi mo ako sasaktan." saad ko na ikinatawa niya ng mahina.

"Everyone proceed to your group." saad ni headmaster.

"The four masters are not here so the second leader will take their place." saad pa nito.

"Alamin niyo kung may kulang sa grupo mo at kung sino ito dahil babawasan ang marka niya." saad ng isang lalaki na mukhang guro.

Nagsimula naman silang bilangin ang sarili nila habang kaming sampu ay nakaupo lamang sa ground.

"Sa tingin mo saang grupo ka nabibilang?" tanong ng isang babae na katabi ko sa akin.

"Uhm di ko alam." sagot ko.

"Sana nasa 'Red Flames' ako dahil iyon ang pinakamalakas." saad nito.

"Di ba close ka kay Lady Dahlia?" tanong naman ng katabi nito.

"Lady Dahlia? Lady?" tanong ko.

"Yes, her family is part of a noble families." saad nito.

Tumango lang ako at lumapit na rin ang iba sa amin.

"Hi I'm Clarisse." pakilala ng katabi ko.

"And this is Aira." turo na niya sa katabi niya.

"This is Nate, Alex, Wade, and Cyd." pakilala niya sa apat na lalaki.

"And this three girls are Sofie, Jess, and Marie." saad nito.

"Claire sana maging kaibigan ka namin. Gusto sana namin kanina na yayain ka mag-lunch kaso niyaya ka na ni Lady Dahlia kaya nahiya kami." saad ni Aira.

"Sure, lets be friends but I think hindi talaga ako makakasabay sa inyo mag-lunch kasi ayaw niya na hindi siya ang kasama ko." saad ko na ikinangiti nila.

"Red Flames?" tanong ng lalaki kanina.

"Complete"

"Blue Waves?"

"Complete"

"Golden Air?"

"Complete"

"Green Fields?"

"Complete"

"Pfft-ahm sorry." sabi ko ng bigla silang tumingin lahat sa akin pati na rin ang apat na grupo at mga guro.

"Anong nakakatawa?" tanong sa akin ni Clarisse.

"Wala naman. Pasensya na." saad ko.

"The ten of you will observe first and then we will test you to determine your magic so that you will know which group you belong." saad ni headmaster.

Mga malalakas lang naman ang makikipaglaban at ang iba ay umupo na rin sa field. Limang miyembro sa bawat grupo ang makikipaglaban at kasama na doon si Dahlia.

"Sana nandito ang mga leader nila." saad ni Sofie.

"Gusto mo lang makita ulit ang fire prince eh." tukso naman ng katabi nitong si Marie.

"Shh magsisimula na ang labanan." saad ni Jess.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now