Chapter 25

237 6 0
                                    

She is wearing a black leather armour and a black cloak na nakatabon sa ulo na pero may hawak siyang maitim na pana at kita ang puting buhok nito at ang magandang mukha nito.

"Nice meeting you, Lady Dahlia of Floria family of Terra Kingdom." saad nito at yumuko ng konti.

"Its nice meeting you too, Lady Samantha of Shadows family of Dark Kingdom." saad naman ni Dahlia at yumuko rin ng konti.

"So, what is the 'Shadow Archer' doing here?" tanong ni Dahlia.

"Oh, I am just looking for a place to hunt." sagot nito.

"This place is not for hunt. Every forest that belongs to the academy and the kingdom of Sunlight is no place for a hunt." saad ni Dahlia.

"Oh, sorry then. I'll just have fun venturing this forest." saad nito at naglakad paalis.

"And before I forgot, goodluck to you young lady. See you next month." saad nito at tumingin sa akin at ngumisi.

Umalis na siya kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Dahlia. Kita ko ang gulat sa mukha niya at mabilis niyang tinipon lahat ng gamit namin kanina at hinili ako palabas ng gubat.

Mabilis kaming nakabalik ng academy at dumiretso kami sa opisina ni headmaster. Malakas ang pagkabukas niya ng pinto kaya halatang nagulat ang mga nasa loob.

"What's the matter, lady Dahlia?" tanong ni headmaster.

Nandito lahat ng mga prinsipe at prinsesa pati na rin ang mga magulang nila.

"Samantha Chiel Shadows is one of the competitors. We saw her at the forest outside the academy. I didn't know if siya lang mag-isa or may mga kasama siya na hindi ko alam." saad ni Dahlia.

Napatayo naman si headmaster sa upuan nito habang si Prince Jeff ay mabilis na lumapit sa amin ni Dahlia.

"Anong ginawa niya sa inyo? Sinaktan ka ba niya?" nag-aalalang tanong ni Prince Jeff dito.

"Wala naman siyang ginawa kung hindi ang bumati sa akin. Pero kapag siya ay isa sa makakalaban nila Claire sa competition then isa lang ang ibig sabihin nito, the dark prince is also a competitor." saad ni Dahlia.

"Mahirap silang kalaban, headmaster." saad ni Dahlia.

"How sure are you na kasama sa competition ang 'Shadow Archer' ng Dark Kingdom?" tanong ng reyna ng Wind Kingdom.

"She said about the competition and nakangisi itong nakatingin kay Claire kanina. Which means may ipinapahayag siya." saad ni Dahlia.

"Eh Dahlia kung siya nga isa sa competitor, paano mo nasabi na pati ang Dark Prince kasama?" tanong ko.

"They're like partners in crime, Claire. Every time na may labanan magkasama silang dalawa." saad nito.

"Oh! Like they're lovers." saad ko na ikinatawa nilang lahat.

"Oh dear, they are really lovers." saad ng reyna ng Sunlight Kingdom.

"Baka nga kanina nandun rin siya pero hindi lang nagpakita." saad ni Dahlia.

"Ano ba kasi ang ginagawa niyo sa gubat?" tanong ni Prince Jasper.

"Nagpipicnic." sagot ni Dahlia na para bang halata sa kanilang lahat kung bakit kami nasa gubat.

"Hindi ba dapat nagpapahinga ka dahil kakatapos lang ng event." saad ni Prince Jasper sa akin.

"Oh come on, Prince Jasper. Claire is strong enough at nakapagpahinga siya bago kami umalis." saad ni Dahlia.

"She still need to rest." saad nito.

"Fine. Lets go Claire." saad ni Dahlia at hinila ako palabas ng office.

Bumalik na kami sa dorm at doon na lang namin inubos ang pagkain na hinanda niya habang nagkukuwentuhan. Most of it ay tungkol sa Dark Kingdom at sa tinatawag niyang 'Deadly Duo' which is yung babae kanina at ang prinsipe.

Pagkatapos naming magkuwentuhan ay nagpahinga na rin kami since medyo dumidilim na rin. At medyo sumasakit yung nga pasa ko sa katawan.

-----

Sa sumunod na araw ay bumalik na rin kami sa pag-aaral at every break time ay sinasanay ko ang aking mahika lalo na ang paraan ng aking pakikipaglaban. Sinasamahan naman ako nina Aira kapag nagsasanay at mas lalong naging strikto sa pagtuturo sa akin si Prince Jasper.

For the whole month ay iyon lang ang ginawa ko. Konti lang ang time para makapagpahinga ako dahil kailangan ko daw magsanay ng mabuti para sa event. Tomorrow ay araw na ng event kaya abala ang lahat sa paghahanda. Nagpadala na rin ng mga kawal ang limang kaharian para proteksyon raw.

Ngayong araw ay hindi ako magsasanay dahil maraming ginagawa sina Prince Jasper kaya nandito ako sa library mag-isa. Nagbabasa ako ng libro ng biglang nakarinig ako ng ingay mula sa dulo ng isang shelf kaya napatingin ako rito. Napagdesisyunan kung lapitan ito para alamin kung ano kaya sinara ko ang librong binabasa ko at lumapit rito.

Mukhang may kumakatok sa shelf at napa-atras ako ng makita kung ano ito. It is a black owl na may bright blue eyes na kung makatingin sa akin ay mukhang alam niya ang buong pagkatao ko. May nakatali sa isang paa nito kaya dahan-dahan kung nilapit ang kamay ko at nagulat ako ng bigla niya akong kinagat kaya natama ang likod ko sa shelf.

"Anong nangyayari diyan?" tanong ng librarian na mukhang narinig ata ako.

"Wala po ito. Nabangga lang ang paa ko sa shelf." sagot ko habang nakatingin ng maigi sa ibon.

"Mag-ingat ka sa susunod." saad nito kaya sumang-ayon na lang ako sa kanya.

Dahan-dahan ko ulit nilapit ang kamay ko pero kinagat na ako ulit.

"Stop biting me." saad ko rito dahil ilang ko ng nilapit ang kamay ko pero tinutuka niya pa rin ako at dumudugo na rin ang kamay ko.

"Fine. Just stop making noise. You're disturbing me." saad ko at bumalik sa mesa.

Tiningnan ko ng maigi ang kamay na dumudugo at namumula. Naalala ko na may dala pala akong ribbon sa bag ko kaya kinuha ko ito at itinali sa kamay ko na may sugat.

Nagpatuloy ako sa pagbabasa at mukhang tumigil na rin yung owl sa ginagawa niya dahil wala na akong narinig na ingay pero nagulat ako ng biglang may dumapo sa mesa ko napatingin ako rito. Napataas ako ng kilay ng makita na ang owl na iyon ang dumapo sa mesa ko.

"Now what?" tanong ko pero nakatitig lang ito sa akin.

"You're creepy, you know that?" saad ko rito at bigla niyang tinuka yung libro ko kaya mabilis ko itong hinampas sa kanya.

Ano bang problema nito?

Hindi siya kaagad nakatayo dahil mukhang malakas yung paghampas ko ng libro kaya naawa naman ako ng kaunti. Kinuha ko yung nakatali sa paa niya at sulat pala ito. Ilang sandali ay umalis naman yung ibon kaya binuksan ko yung sulat.

Meet me at the river by the end of the forest of the academy.

11:30 PM

- R. D. B.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now