Chapter 23

208 5 3
                                    

Dahlia's Pov

Mabilis naming dinala silang lahat sa clinic para agad na mapagamot. Napagdesisyunan nila ni Headmaster na kapag gising at ayos na ang kalagayan ng lahat ng members ay iyon ang pagsabi kung sino ang nanalo sa event. Kaya mananatili muna rito ang mga hari at reyna hanggang sa paggising nila. Nawalan rin ng malay ang mga lalaki pagdating dito sa clinic dahil na rin siguro sa pagod. Mabilis naman silang ginamot ng mga healers lalo na at hindi masyadong malala ang sugat nila.

Nandito kami sa labas ng clinic naghihintay sa resulta kasama ang mga hari at reyna pati na rin si headmaster at ang mga prinsipe at prinsesa. Ilang sandali ay lumabas na ang head healer kaya napatayo ako at mabilis na lumapit sa kanya.

"Kamusta sila?" tanong ko rito.

"Maayos naman ang kalagayan ng iba maliban na lang sa isang babae dahil sa malallim na sugat nito sa ulo." saad nito kaya mas lalo akong nag-alala.

"Pero huwag kayong mag-alala dahil unti-unti namang naghihilom ang ilang sugat niya at kailangan lamang niya ng pahinga." dagdag pa nito.

"Maya-maya ay magigising na rin ang iba pero masasabi ko na baka bukas pa magising ang isang babae." saad nito bago yumuko at umalis.

"Come on, Dahlia." saad ni Princess Isabella at hinawakan ang kamay ko at pumasok sa loob ng clinic.

Umupo ako sa tabi ng higaan ni Claire at mahigpit na hinawakan ang kamay nito.

-----

Nagising ako ng biglang akong nakaramdam ng paggalaw sa tabi ko.

"Dahlia?" rinig kong tanong kaya mabilis akong napatingin kay Claire.

Gising na ito pero kita pa rin ang putla sa mukha nito.

"Ayos ka lang? May masakit ba? Gutom ka ba? May sasabihin ka? May kailangan ka ba? Sabihin mo lang." saad ko at napangiti ito.

"Ayos lang ako tsaka konting kirot lang sa bandang likod ng ulo ko." saad nito.

"Nga pala anong oras na at bakit hindi ka pa nakabihis?" tanong nito kaya napatingin ako sa orasan dito sa clinic at nagulat ako ng makita na alas singko na pala ng umaga kaya tinawanan ako ni Claire.

"Gulat na gulat ka ah. Hindi mo ata namalayan na nakatulog ka rito sa clinic." saad nito.

"Sandali lang Claire ah. Maligo muna ako saglit lang." saad ko at mabilis na lumabas ng clinic at pumunta ng dorm.

Mabilis akong naligo at nagbihis para bumalik sa clinic. Nakasuot ako dark green dress na hanggang binti ang haba at white silver doll shoes at pagkatapos nun ang bumalik na ako ng clinic. Pagdating ko ay nandoon ang tatlong prinsipe at kumakain si Claire.

"Hello Dahlia!" bati sa akin ni Prince Jeff kaya napatingin silang lahat sa akin.

"Good morning!" bati ko sa kanilang lahat at babalik na sana sa pwesto ko kanina ng nakita ko na nakaupo doon si Prince Jasper.

"Kain ka?" alok sa akin ni Claire ng isang cookie kaya tinanggap ko ito umupo na lang sa kabilang upuan sa tabi ng kama niya.

"Tiningan kanina ni Head Healer Silvia ang kalagayan niya at sabi nito okay na raw siya dahil naghihilom naman ang sugat at pwede na siyang makalabas mamaya." saad ni Prince William.

"So mamaya na rin ilalabas ni headmaster ang result ng event. I'm excited to know that we won." saad ni Prince Jeff kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"What?." tanong nito at tinaasan ko lamang siya ng kilay at tinawanan lamang siya ng dalawang prinsipe.

"Libreng mangarap Jeff." saad ni Prince William.

"Talaga?" saad nito at sinuntok sa balikat si Prince William.

Hinayaan lamang sila ni Prince Jasper kaya ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Claire na masayang kumakain ng cookies.

"Sino nagbigay sa iyo niyan?" tanong ko.

"Sila." sagot nito kaya nakikain na rin ako at ilang sandali ay dumating si Princess Isabelle at mukhang nagulat pa ng makita na nagsusuntukan ang dalawang prinsipe.

"What's going on?" tanong nito kay Prince Jasper.

"They're just acting like a kid." sagot nito na nagpatigil sa dalawa.

"Kid? Baka ikaw." sabay nilang sabi at umayos ng tayo.

"Sabi pala ni headmaster na mamayang nine o'clock magsisimula ang program so may time pa para magpahinga si Claire at ang iba." saad ni Princess Isabelle.

"Sa dorm na lang ako magpapahinga." saad ni Claire at dahan-dahang bumaba ng kama.

"Wait lang Claire, kunan muna kita ng damit sa dorm para makapagpalit ka." saad ko at lalabas na sana ng pinigilan ako ni Princess Isabelle.

"You can go back to the dorm while she is wearing a hospital gown since maaga pa naman at wala pang mga students na lumalabas." saad nito kaya tumango na lang ako.

"Here, you can use my jacket." saad ni Prince Jasper at pinasuot ang jacket nito kay Claire.

Nakatingin lang kami sa kanila at ang dalawang prinsipe ay mukhang nagpipigil ng tawa kaya pareho namin silang tinaasan ng kilay ni Princess Isabelle.

Bumalik na kami sa dorm at pinagpahinga ko muna si Claire. Gusto ko sanang magluto ng makakain niya pero hindi ako marunong magluto kaya lumabas muna ako ng dorm pata bumili ng pagkain.

Claire's Pov

Nagising ako ng makaramdam ako ng pagyugyog sa katawan ko kaya napabangon ako.

"Claire, 8:20 na kaya maligo ka muna bago kumain kasi kailangan nating pumunta sa field." saad ni Dahlia kaya mabilis akong pumasok sa banyo at naligo.

Pagkatapos naming kumain ay mabilis kaming pumunta sa field dahil malapit ng magsisimula ang program. Nakasuot ako ng simpleng red dress na long sleeve at kahit gusto kong mag flats ay pinilit akong magsuot ng red heels ni Dahlia. Nakita ko na nasa unahang bahagi ng field sina Aira kaya lumapit kami sa kanila.

"Kamusta ka Claire?" tanong ni Clarisse ng makita kami.

"Ayos na rin naman ako pero marami pa akong pasa sa katawan." saad ko at napatawa dahil sa reaksyon nila.

"Eh kayo?" tanong ko.

"Mabuti na man, tsaka magaling na lahat ng sugat namin." sagot ni Jess.

"Sofie, Cyd tara na sa grupo natin." saad ni Dahlia kaya lumapit naman sa kanya ang dalawa.

"Pumunta na rin kayo sa grupo niyo dahil magsisimula na ang program." saad nito kaya pumunta na ako sa group namin.

Masaya naman akong sinulubong ng mga ka-grupo ko. Umupo ako sa bakanteng upuan at tumabi naman sa akin sina Ava at Mike. Nakita ko na nakaupo ang mga hari at reyna itaas ng entablado na ginawa nila dito sa field at doon din nakaupo ang mga prinsipe at prinsesa.

"Good morning, our dear students. Today we will find out the result of yesterday's competition between the four groups. First, lets discuss the points of each mythical creatures that they faced.

- Cyclops (70 points)
- Trolls (30 points)
- Ogres (50 points)
- Goblins (10 points)
- Ghouls (30 points)
- Imps (10 points)
- Cerberus (100 points)
- Wolf (20 points)

Glazed Stones (15 points)
Sacred treasure (150 points)

So that's the points of each mythical creatures and also the glazed stones and the sacred treasure." saad ni headmaster.

"Is everyone ready for the results?" tanong nito na nagpahiyaw ng lahat ng mga students sabay wagayway ng banner ng team nila.

"Hope we wins." saad ni Ava at tumango lamang ako sa kanya.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now