Chapter 16

312 9 0
                                    

Sofie's Pov

Matapos naming punasan ang dugo sa katawan niya ay ginagamot namin siya gamit ang mga herbs na nahanap nila Marie.

"Sure ba kayo na panggamot ang mga ito?" tanong ni Jess dito.

"Not really since wala namang akong alam sa mga herbs." saad ni Marie.

"Same." sang-ayon naman ng iba.

"Eh paano kung lason ang mga ito?" tanong ko.

"Edi i-check niyo since diba ang mga nature manipulator ay maraming alam sa mga ganito." saad ni Aira.

Lahat naman sila ay napatingin sa amin ni Cyd na para bang sumasang-ayon sa sinabi ni Aira.

"Well, not all nature manipulator are good at healing and I never study about herbs." saad ni Cyd tinanguan ko naman ito.

"Subukan na lang natin." saad ko at napataas naman sila ng kilay.

"May patanong ka pa kung baka lason ang ito eh wala ka rin naman pa lang alam." saad ni Aira at hinampas ako sa batok.

Tiningnan ko lang siya ng masama at nagsimulang maglagay ng herbs sa sugat ni Claire at nagulat ako ng bigla akong binatukan ni Clarisse.

"Tanga, sa tingin mo gagana iyan." saad nito.

"Tumigil nga kayo sa pangbatok sa akin." saad ko.

"Mali kasi Sof, dapat dikdikin kase muna para may lalabas na katas." saad ni Marie at kinuha ang mga herbs tsaka dinikdik.

Matapos nun ay nilagay na niya ito sa sugat ni Claire kaya hinintay na lang namin ang reaksyon ng katawan ni Claire.

"Sino ang may tubig sa inyo?" tanong ni Jess.

"Ako." saad ni Aira at pinakita sa amin ang water bottle nito.

"If magising siya, papainumin natin siya ng tubig at mga lalaki pwede bang maghanap kayo ng pwedeng makain dito." saad nito.

Tumango lang ang mga ito at umalis.

"So, ano ang kailangan niyong hanapin?" tanong ko.

"Sa amin kasi elemental wand." saad ko pa.

"Sa amin is bottle of silver pearls." saad ni Jess.

"Sa amin naman ay crystal ball." saad ni Clarisse.

"Ano kaya ang kay Claire?" tanong ni Aira.

"Baka naman related sa flame." saad ni Jess.

"Yeah right." sang-ayon ko.

"Lets just wait for the boys to come back and make strategies on how to complete the task." saad ni Marie.

"If hindi pa magising si Claire, hayaan na lang muna natin siyang magpahinga then pagkagising niya i-eexplain na lang natin sa kanya at yun ang pagpatuloy ng task." saad ni Jess.

"We're not sure kung gaano karami ang nawalang dugo sa kanya at hindi rin natin masasabi kung namumutla siya dahil sa kulay ng lipstick niya." saad ko.

"Right." sang-ayon ni Aira.

Mga ilang minuto ang lumipas ay bumalik na rin ang mga lalaki na may dalang mga prutas.

"We only got some apples and pears." saad ni Cyd.

"Okay lang iyan at least may makakain tayo." saad ni Clarisse kaya nilatag nila sa damuhan ang mga dala nilang prutas at umupo sa tabi namin.

Nagsimula kaming kumain at tinirhan namin si Claire ng dalawang mansanas at dalawang pears since siya ang may sugat. Nagsimula na rin kaming mag-usap tungkol sa kung ano ang gagawin namin para makahanap ng clues para matapos ang task namin.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now