Chapter 12

264 8 0
                                    

Nandito ako ngayon sa field naghihintay kay Prince Jasper dahil wala naman siyang sinabi kahapon na magsimula akong magsanay kapag wala pa siya. Nakasuot ako ng black fitted jackets tsaka jogger pants kasi malamig ang simoy ng hangin. Mga ilang minuto ang lumipas ay dumating na rin siya at inutusan naman ako nito na tumakbo kaya yun rin ang ginawa ko.

Walang pang ibang estudyante na gising at siguro hindi pa nagsisimulang magsanay sina Marie.

'Mabuti pa sila hindi pinapagod ng leader nila'

Pagkatapos kong tumakbo ay pinagpahinga lang naman niya ako ng ilang minuto tsaka nagsimula na rin siyang turuan akong gumamit ng mahika sa pakikipaglaban.

Pinapagawa niya ako ng maraming fire ball, fire daggers, at kung ano pa na pwede gamitan ng mahika. Madali naman akong matuto kaya mabilis lang ang pagsasanay namin. Buong umaga ay pagsasanay lang ng mahika ang ginagawa namin na minsan ay ginagamitan rin namin ng sandata.

"Good job Claire." saad nito.

"Thanks." saad ko

"Well you should take your lunch dahil baka hindi ka pa nakapag-almuasal." saad nito.

"And also go to the hall after lunch kasi may ibibigay ako sa iyo." saad nito bago umalis.

Pumunta na ako ng cafeteria at nakita ko doon si Dahlia kaya mabilis akong lumapit sa kanya.

"Come Claire, I already bought you food." saad nito kaya umupo ako sa tabi niya.

"Thank you." saad ko.

Kumain na kami at kinukuwento ko sa kanya ang tungkol sa training ko at siya naman ay kinukuweto yung tungkol sa training nina Cyd at Sofie.

Pagkatapos nun ay pumunta na ako sa hall namin at nandun naman ang iba kong mga kasamahan.

"Kamusta training mo?" tanong ng isa.

"Pinatakbo ka ba ng 700 laps?" tanong pa ng isa na ikinalaki ng mata ko.

"What's with the reaction Claire? Lahat kami rito ay nakaranas na niyan." saad ni Mike.

"700? Seryoso kayo?" tanong ko.

"Bakit may mali ba?" tanong ni Ava na kakapasok lang.

"Nakakapagod nga tumakbo ng 500 laps sa lawak ng field tapos sa inyo 700. Oh my God!" saad ko.

"500? Ang daya naman." saad ng isa.

"Hello approve na ang design natin." sigaw ni Raven pagkapasok niya mismo ng hall.

"Oh hi Claire kamusta." saad nito.

"Buhay pa rin." saad ko na ikinatawa nilang lahat.

"Claire." tawag sa akin ni Prince Jasper na nakasunod pala kay Raven.

Pumasok ito sa silid at sa tingin ko ay iyon ang office niya rito dahil iyon lang naman ang nag-iisang silid dito. Nagpaalam na ako sa kanila at sumunod sa kanya at umupo sa inuupuan ko noon.

"Study this book for you to have an idea about any mythical creature na maaaring ma-encounter mo sa gubat." saad nito sabay bigay sa akin ng libro.

"Thank you." saad ko at tumayo.

"You don't have to train tomorrow kaya magpahinga ka na lang." saad nito kaya lumabas na ako at nagpaalam sa iba at bumalik ng dorm.

Wala pa si Dahlia at baka busy pa iyon sa group niya kaya naisip ko na umidlip muna dahil sa antok at pagod na nararamdaman ko.

-----

Nagsing ako dahil naramdaman ko na may yumuyugyog sa akin.

"Magbihis ka na dahil bababa tayo para kumain ng hapunan." saad ni Dahlia.

"Anong oras na?" tanong ko.

"6 o'clock in the evening at kasama natin sina Princess Isabella maghapunan kaya bilis na." saad nito kaya bumangon na ako.

"Wear this." saad nito sabay bigay sa akin ng black hoodie dress at white rubber shoes.

Pumasok na ako sa banyo at naghilamos ng mukha at nagbihis. Tinali ko ang buhok ko ng high ponytail tsaka bumaba na kami ng dorm.

"Bakit pala sasama tayo sa kanila kakain?" tanong ko.

"Kasi iyon ang sabi ni Princess Dahlia tsaka may iba rin namang sasama maliban sa atin." saad nito.

"Sino?" tanong ko.

"Sina Raven, Mike, Ava, Michelle, Steve, Valerie, Dianne, Lukas, Joseph, at Zane." saad nito at masasabi ko na tatlo lang ang kilala ko.

"Part rin ba sila ng noble family?" tanong ko.

"Yup and marami pa kami pero ang iba ay abala at marami ang gagawin kaya sila lang ang makakasama." saad nito.

"Bakit kasama ako?" tanong ko.

"Kasi pwede namang magdala ng kaibigan tsaka si Princess Isabella talaga ang nagsabi sa akin na isasama kita." saad nito kaya napatango na lang ako.

Pagkarating namin sa cafeteria ay dumiretso kami sa pwesto nila ni Princess Isabella.

Binati namin sila at binati rin nila kami pabalik at umupo ako sa tabi ni Dahlia na nakaupo sa tabi ng isang lalaki.

"Si Jasper na lang ang hinihintay natin." saad ni Prince William.

Ilang sandali ay dumating na rin siya at umupo sa tabi ko.

"Anong meron at biglang nag-aya kayong maghapunan?" tanong ng isang lalaki.

"I just want to say na kahit anong result ng competition sa event ay walang mag-aaway lalo na at malalapit sa isa't isa ang mga new members natin." saad ni Princess Isabella.

"Well wala naman sa akin kung ano ang magiging resulta ng event." saad ni Prince Jasper.

"So ayos lang kung matalo ako?" tanong ko.

"No, I will like it more if nanalo ka." saad nito.

"Tsaka diba dapat nagpapahinga ka." saad pa nito.

"Eh sa sinama ko siya rito eh." saad ni Dahlia.

"Oh then kumain na kayo." saad nito kaya nilagyan ni Dahlia ng pagkain ang plato ko.

Nagkukuwentuhan sila habang kumakain habang ako ay tahimik lang dahil wala naman akong alam sa pina-uusapan nila.

Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami ng dorm at naunang natulog si Dahlia kasi pag-aaralan ko pa ang libro na binigay sa akin kanina ni Prince Jasper.

'Book of Mythical Creatures'

Binasa ko ito at lahat ng nakasulat dito ay tungkol sa strength at weaknesses ng mga mythical creature at kung paano sila mapatay. Nakalagay din dito ang mga dark mythical creatures na maaari kong makaharap sa competion sa lunes.

Sa totoo lang natatakot ako dahil mag-isa lang ako tsaka hindi pa ako nakipaglaban noon kaya baka mapapahiya lang ako.

What if hindi ko magamit ng tama ang mahika ko?

What if napakalaking halimaw ang makakalaban ko?

What if una pa lang ay matakot na ako?

What if matalo ako?

Edi madadala ko yung group namin na hinahangaan ng lahat.

Higit sa lahat ay manonood ang mga magulang ng mga prinsipe at prinsesa.

Tiniklop ko na yung libro at at humiga sa kama ko. Mahimbing ng natutulog si Dahlia kaya pinatay ko na ang ilaw at natulog.

'I hope na magiging maayos lang ang takbo ng event'

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now