Chapter 15

238 7 0
                                    

Naglalakad kami palabas ng underground tunnel at may nakikita na akong sinag ng araw galing sa isang butas at lalapit sana ako rito ng biglang may tumalon na lobo sa harapan ko at rinig ko ang sigaw ng mga kasama ko.

Mabilis kong iwinasiwas dito ang dagger ko at ng maka-iwas ito ay mabilis ko itong tinapunan ng fire ball at naging abo ito.

"Kailangan na nating makalabas." saad ko at mabilis na tumakbo sa labasan at hindi ko inaasahan na may may mga vines na nakaharang sa daan kaya natumba ako at nasugatan ang pisngi ko.

Mabilis akong bumangon at pinaalahanan sila na may mga nakaharang pero halatang hindi nila narinig dahil katulad ko ay napatumba rin sila.

"Si Claire naman eh hindi nagsasabi." saad ni Aira.

"Sinabihan ko kayo, hindi lang talaga kayo nakinig." saad ko at bumangon na rin sila.

"Mukhang nagalit na ang nanay niyo." saad ni Nate kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Kailan pa ako naging nanay ng mga iyan?" tanong ko.

"Ewan ko sa kanila." saad nito.

May naramdaman akong tumulo sa pisngi ko at muntik ko ng makalimutan na may sugat pala ako sa mukha.

"Gosh Claire may sugat ka." saad ni Marie.

"I'm fine." saad ko pero mukhang hindi sila naniniwala sa akin.

"No you're not. Look, you have a cut on your cheek na sa tingin ko ay malalim ito dahil patuloy sa pagtulo yung dugo." saad ni Clarisse.

"Okay lang ako." saad ko at magsasalita pa sana ito ng bigla kaming nakarinig ng ungol ng lobo.

"I think we should run away." saad ni Jess na mabilis naman naming sinang-ayunan.

Mabilis kaming tumakbo at ngayon ko lang namalayan na napapalibutan kami ng malalaki at matataas na puno at higit sa lahat ay madulas pa ang daanan.

"Mamamatay na ba tayo?" tanong ni Sofie na mahigpit na nakahawak kay Cyd.

"Hindi pa nga natin nahanap yung elemental wand mamamatay na tayo." saad ni Cyd.

"Sa tingin ko magiging pira-piraso ang katawan ko kapag naabutan ako ng mga lobong ito." saad ni Marie.

"Yuck, kailangan ba talagang sabihin iyan." saad ni Aira na mukhang nandidiri.

"Huwag nga kayong mag-isip ng ganyan." saad ni Wade.

"Baka nakakalimutan niyong may mga mahika tayo." saad naman ni Nate.

"At malalabanan natin sila." saad ni naman ni Alex.

"Wala ngang sinasabi si Claire na mataas ang takong ng boots nito." saad ni Jess.

"Huwag niyo nga akong idamay jan." saad ko.

"Just keep running guys." saad ni Clarisse.

Napatigil kaming lahat sa pagtakbo ng biglang may tumalon na lobo sa harapan namin.

"We're surrounded." saad ni Cyd.

Lagpas sa sampu ang bilang ng lobo na nakapalibot sa amin kaya pinalabas ko yung dagger ko at hinawakan ito ng mahigpit.

"Lets separate." saad ko habang nakatingin sa mga lobo.

"What? Paano ka?" tanong ni Sofie.

"Ako ang bahala sa sarili ko." saad ko.

"What if sumama na lang kaya si Nate sa iyo?" tanong ni Aira.

"Nasa competition pa rin tayo kaya huwag na." saad ko at naunang umalis.

Mabils akong nakalayo sa kanila at ramdam ko na may humabol sa akin na mga lobo kaya napatingin ako rito. Walong lobo ang humahabol sa akin kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo habang mahigpit akong nakahawak sa dagger ko.

Mabilis akong tumakbo paakyat ng puno at isinabit sa sanga ang isang paa ko at sinaksak sa ulo ang isang lobo. Nakita ko na may papalapit sa akin na isa pang lobo kaya tumalon ako pababa at sinangga ito gamit ang dagger ko. Masyadong malakas ang impact nito kaya napatilapon ako at natama ang likod ko sa puno.

Mabilis akong tumayo at tinapunan ko ito ng fire ball. Hindi ko na namalayan na may lobo pala sa likod kaya napasigaw ako ng makagat ako nito sa braso. Dumiin ang pangil nito kaya halos manghina ako. May isa pang papalapit na lobo kaya mabilis kong sinaksak sa ulo ang lobo na kumagat sa akin at tinapunan ng malaking fire ball ang papalapit sa akin.

Apat na lang ang natira at nahihilo na rin ako at sumasakit pa ang sugat ko.

Dahlia's Pov

We saw how the wolf bit Claire's arm at napasigaw ito ng malakas na kahit sina Jess na nasa ibang parte ng gubat ay narinig ito.

"Oh my God, Claire." saad ko at napatayo.

"Don't worry magiging maayos rin siya." saad ni Ava na halata rin ang pag-aalala sa mukha nito.

Mabilis nitong napatay ang lobo na kumagat sa kanya at ang lobo na papalapit sa kanya. Sa Blue Waves naman ay natapos rin nilang paslangin ang anim na lobo na humabol sa kanila. Sa kanila Golden Air naman ay may natitira pang dalawang lobo sa walo na humabol rin sa kanila at may mga galos rin ang mga ito. Sa kanila ni Cyd at Sofie ay isa na lang ang natitira sa limang lobo na humabol sa kanila.

Kinalaban na ni Claire ang apat na lobo na natira kahit halata ang pagmumutla ng mukha nito. Hinanap rin naman siya ng iba ng matapos nilang kalabanin ang lobo na humabol sa kanila.

Isa na lang ang natira sa mga lobo at bigla siyang kinagat ng lobo sa binti at ibinalibag siya nito kaya natama ang likod niya sa puno at napa-ubo ito ng dugo.

"Oh shit." rinig kong mura nina Mike at Raven.

Kakagatin na sana siya ng lobo sa leeg nito ng biglang may tumama na asul na espada sa ulo ng lobo at namatay ito sabay rin ng pagkawala ng malay ni Claire kaya napatayo ako ulit.

"Claire!" rinig kong sigaw nila ni Jess at Marie ng makita si Claire na nakahandusay sa lupa at duguan.

Binuhat siya nito ni Wade tsaka pinahiga sa damuhan at sinandal ang ulo nito sa ugat ng puno. Kumuha naman ng panyo si Jess sa bulsa niya at nilagyan ito ng tubig tsaka pinunas sa mukha ni Claire.

"Look for something na pwedeng gamitin panggamot sa sugat niya." saad ni Jess kay Marie na mabilis namang tumango at umalis.

Dumating na rin ang iba at nagulat ang mga ito ng makita ang lagay ni Claire.

"Oh my God!" saad ni Sofie at mabilis na tumulong kay Jess sa pagpunas at paglinis ng mga sugat nito.

"Tumulong na rin kayo kay Marie sa paghahanap ng pwede panggamot sa sugat niya." saad ni Jess at sumang-ayon naman ang mga ito.

"Looks like all of them are friends." saad ni headmaster.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now