Chapter 5

326 8 0
                                    

Magaling lahat ng nakikipaglaban kaya matagal matapos ang labanan. Mabilis ang mga galaw nila na para bang alam na nila kung paano aatake ang isa't-isa.

"They're so good." saad ni Jess.

"You're right." sang-ayon naman ni Cyd.

Natapos ang labanan at ang 'Red Flames' ang nanalo.

"Sinasabi ko na nga ba at sila ang mananalo eh." saad ni Sofie na namumula ang mukha.

"Tsk, may gusto ka lang doon sa prinsipe nila eh." saad ni Nate.

"Ano ngayon kung meron." saad naman nito.

"Wala kang pag-asa doon." saad ni Alex.

"Paano mo nasabi?" tanong nito.

"Kasi-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng tinawag kami ni headmaster.

Pumunta kami sa gitna at nagbigay ng instruction si headmaster kung paano alamin ang mahika mo. Mga lalaki ang unang susubok at ako ang panghuli.

Unang sumubok si Nate. Umupo siya sa ground at pumikit para magfocus. Ilang sandali ay unti-unting may lumalabas na puting hangin sa katawan niya at pinapalibutan siya nito.

"He's an Air manipulator." saad ni Clarisse.

Dumilat na rin ito at nagulat pa siya ng makita ang mahika niya.

"You're in the group of Golden Air." saad ni headmaster at tumango lang ito at pumunta sa grupo niya.

"Sana same kami ng group." saad ni Alex bago sumubok.

Ginawa rin niya ang ginawa ni Nate. May lumabas ring hangin sa katawan niya katulad ng kay Nate kaya laki ang tuwa nito ng makita ito.

"Mabuti naman at magkasama tayo sa group." saad ni Nate.

"Magkakilala ba sila sa mundo ng mga tao?" tanong ko kay Jess na nasa tabi ko.

"Yup, magkaklase sila mula pagkabata." saad nito.

Sunod na sumubok si Cyd at nature ang mahika niya. Si Wade naman ay tubig. Kami namang mga babae ang susubok at nauna si Aira na hangin rin ang mahika kaya tuwang-tuwa ang dalawa. Si Clarisse ay ganun rin. Kay Marie ay tubig ganun na rin kay Jess. Si Sofie na naman ang susubok at bago siya sumubok ay ilang ulit niyang binibigkas na sana ay apoy ang mahika niya. Umupo na siya sa ground at pumikit. Unti-unting umiilaw ang katawan niya ng berde at may lumalabas na mga halaman sa kamay niya. Pagkadilat niya ay kitang-kita ang pagkadismaya nito at tinawan lang naman siya nina Clarisse.

"Huwag kang mag-alala magkasama naman tayo." natatawang saad ni Cyd  na lalong nagpasimangot sa kanya.

"Ayos lang iyan Sofie." saad naman ni Marie.

"Welcome ka sa group namin." saad naman ni Dahlia.

Pumunta na ito sa kanila ni Dahlia at ako na nanaman ang susubok. Pipikit na sana ako ng bigla akong tinawag ni Dahlia.

"Kapag hindi nature ang mahika mo sa sahig ka matutulog ng isang linggo." saad nito at tumango lang ako bago pumikit.

Pinakiramdaman ko ang paligid bago nagfocus sa pagpapalabas ng mahika. Huminga ako ng malalamin at unti-unti kong nararamdaman ang isang nakakaibang enerhiya sa katawan ko. Ng mawala ito ay minulat ko ang aking mga mata at nakita ko ang gulat sa mukha ni Dahlia.

"Claire naman eh." saad nito.

Tiningnan ko ang mga kamay ko at may nakita akong pulang usok na umiikot dito.

"You're a fire manipulator." saad ni Sofie.

"Hey! Welcome to Red Flames." sigaw ng isang lalaki.

"No! Raven she's not." saad ni Dahlia.

The Lost PrincessWhere stories live. Discover now