Chapter 31

185 4 2
                                    

Jasper's Pov

"Anong gagawin namin?" tanong ni Raven.

"Walang sinuman ang makakapigil sa propesiya. Kung gusto ninyong gamutin o puksain ang sumpa sa lupain ng mangangaso ay kailangan ninyong makuha ang puting bato na pagmamay-ari ng diyosa ng liwanag." sagot ng matanda.

"At saan naman namin makukuha iyon?" tanong ko.

"Kayo lang ang nakakaalam nun." saad nito.

"Kung nagsisimula na ang katapusan ng mundo at hindi pa nahahanap ang prinsesa, wala ba tayong nararapat na gagawin?" tanong ko ulit.

"Prinsesa? Narito na ang prinsesa, hindi niyo lang alam kung nasaan." saad nito.

"Edi alam mo kung nasaan." saad ko at nagkatinginan silang tatlo.

"May tinatago ba kayo sa amin?" tanong ko.

Hindi naman sila sumagot kaya nainis ako.

"Nasaan ang prinsesa?" tanong ko.

"Bakit? Kung alam niyo ba kung nasaan siya ay ihaharap niyo siya sa anumang kapahamakan? Naniniwala ba kayo na kaya niyang pigilan ang kadiliman? Na maibabago niya ang takbo ng propesiya?" galit na tanong ni Raven.

"My mother died protecting her, protecting her life against the prophecy. Are you sure that she is strong enough to fight against death? Do you even consider what she is going to feel?" dagdag pa nito kaya napatahimik ako.

"What did you all give in return? You killed my mom without knowing the real reason." saad pa nito.

"She kidnapped her." sagot ko.

"Kasi hindi kayo nakinig sa babala ng ama ko noong araw bago ang kaarawan niya. On her birthday, the darkness of prophecy will show in the sky taking her life as a warning. Hindi pa ba kayo natuto sa nangyari sa mga diyos at diyosa ng mundo? You only believe in what you think is right not knowing what is behind everything. You are not worthy of trust that everyone is giving you." saad pa nito.

"You put a huge responsibility to an innocent girl who knew nothing but to live a happy life." saad ng kasintahan nito.

"So kahit alam namin kung nasaan siya hinding-hindi namin iyon sasabihin sa inyo." dagdag pa nito.

"Tama, ang liwanag naman talaga ang may mali noong unang panahon. Huwag naman ninyong ulitin ang nangyari sa nakaraan." saad ng matanda.

"Hindi sa kinakalaban kita prinsipe ng apoy pero kinakailangan na maisip rin ninyo na huwag iasa ang lahat sa prinsesa. Walang kasiguraduhan na kaya niyang labanan ang anumang kadiliman sa mundo. Hindi rin sigurado na isa siyang imortal." saad pa nito.

"Deserve ring malaman ng mga magulang niya kung nasaan siya." saad ko.

"You're right pero hindi namin siya ibibigay sa inyo. Alamin niyo kung nasaan siya dahil kahit kailan ay walang tulong kayong makukuha sa amin." saad ni Raven at lumabas ng bahay.

"Make sure you are worthy of her trust." saad ni Samantha at sinundan ang kasintahan nito.

"Nasa kapahamakan ang isang babae na kasama ninyo. Iligtas niyo siya habang may panahon pa." saad ng matanda kaya lumabas na rin ako.

Hindi ko na nakita ang dalawa kaya hinanap ko na lang kung nasaan si Claire. Kung alam nila kung nasaan ang prinsesa dapat ipaalam nila iyon sa amin.

"Jasper, someone is performing some dark magic to Claire." saad ni Samantha na hinila ako.

"Sinusubukan ni Raven na pasukin ang bahay pero malakas ang enchantment na nakalagay dito." dagdag pa nito.

Nakarating kami sa hindi kalakihang bahay at maraming mga mangkukulam na pumapaligid dito. Nakita ko rin si Raven na mukhang sinisira ang pinto. Tumulong na rin ako pero bawat atake ko sa pinto ay ramdam ko ang lakas ng mahika na nakalagay dito.

"Paniguradong mawawalan ng buhay ang babaeng iyon." saad ng isang babae.

"Ano ba kasing kailangan niya sa kasamahan namin?" galit na tanong ni Samantha dito.

"Kailangan niya ang mahika ng babae at ang anyo nito sapagkat naramdaman namin ang lakas nito." sagot nito.

"Gaano na katagal sila sa loob?" tanong ko.

"Matagal-tagal na rin. Halos higit isang oras na." saad nito.

"Wala bang ni isa sa inyo ang makasira ng mga enchantments na nakalagay sa bahay na ito." tanong ko pa.

"Ako, kaya kong sirain iyan." saad ng isang matanda at biglang inilabas tungkod nito.

May kung ano siyang binibigkas na hindi ko maintindihan at biglang may lumabas na kulay lilak sa tungkod na at tumama sa bahay. Hindi naman ako nagulat ng masira ang buong bahay at may lumabas na isang babae at mukhang nanghihina ito.

"Claire!" sigaw ko at nilapitan ito.

"Ayos ka lang? Anong nararamdaman mo?" tanong ko rito.

"Sumasakit ang ulo at mukhang nandidilim ang panigin ko." sagot nito.

"Asan yung babaeng mangkukulam na kumuha sa iyo?" tanong ni Raven.

"I don't know. Bigla na lang siyang nawala ng masira ang bahay." saad nito.

"Let her rest first." saad ni Samantha kaya pinaupo muna namin siya sa isang bench.

Hindi naman nakialam ang ibang mangkukulam at bumalik sa bahay nila maliban na lang sa matanda na tulong kanina at ang isang babae.

"Ano ba ang ginawa niya sa iyo?" tanong ng babae at umalis ang matanda.

"Hindi ko alam. Pinakain lang naman niya ako ng kung ano buto at pinainom ng pulang likido. Matapos nun ang pilit niya akong hiniga sa isang higaan. Kinuhaan niya ako ng dugo at nilagay ito sa isang kawa. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya bago siya nawala at nasira ang bahay kaya lumabas ako." saad nito.

"Anong mukha niya?" tanong ko.

"Hindi ko nakita ang mukha niya sapagkat nakasuot siya ng balabal at nakatabon ang mukha niya." sagot nito.

"Paano kung baba-" hindi niya natapos ang sasabihin niya ng bigla itong nasuka.

"Ito iha, inuman mo para mawala ang hilo na nararamdaman mo?" saad ng matanda na kakabalik lang.

Tiningnan muna namin ito at puting likido ang laman nito. Kinuha ito ni Raven at inamoy kaya napataas ang kilay ko.

"This is a soothing liquid. It is safe." saad nito kaya pinainom ko na ito kay Claire.

"So ano na ang sinabi ng mangkukulam? Matutulungan ba natin ang mamamayan ng hunter's village?" tanong nito matapos uminom.

"Walang kasiguraduhan kung maliligtas natin sila. Mas mabuti pa na magpahinga ka muna para bumalik ang lakas mo." saad ko.

"Bukas ang aking bahay para kayo ay makapagpahinga?" saad ng dalaga.

"Well, Jasper we are going first to try our luck in this event. We will also try to find that stone." saad ni Samantha na tinanguan ko lang.

"Ingatan mo naman siya Jasper ng hindi mawala ulit. Baka sa susunod eh malala na ang mahantungan niyan." saad ni Raven bago umalis.

"Tara na."

The Lost PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum