Chapter 46

7 3 0
                                    

Yana's Pov

Ang bilis ng panahon at last day na ng klase namin ngayon, nakakatamad na ngang pumasok pero kailangan dahil may mga pa orders ako ng cookies at cakes. Halos dalawang buwan din ang magiging bakasyon namin at yes! Naka survive ako ng 3rd year sa susunod na pasukan ay 4th year na ako at g-graduate na. Speaking of g-graduate na, next week na ang graduation nina Jax at hanggang ngayon wala pa akong maisip na maibibigay na regalo sa kanya. Tinanong ko naman siya kung ano ang gusto niyang gift ang sabi naman niya kahit huwag ko na daw siya bigyan, pero kung mapilit daw ako pwede ko daw ibalot ang sarili ko.

*Sigh*

"Ang lalim ng buntong hininga mo ah, anyare sa'yo?" Pansin ni Fiona sa'kin

"Hanggang ngayon kasi wala pa akong maisip na ibigay na gift kay Jax sa graduation niya" sagot ko at parang batang nag pout sa harapan niya

"Akala ko dahil may mga natira ka pang cookies at cakes" sabi naman niya atsaka bumuntong hininga "bakit hindi mo nalang siya ipagluto o kaya ipag bake?" Suggestion niya

"Parang hindi naman gift 'yon eh, pinagluluto at pinag b-bake ko kasi siya kahit ordinaryong araw lang" sagot ko naman

"Ano ba hilig niyang gawin? Ibili mo yung kinahihiligan niya ng magamit niya" sabi naman ni Jessica.

Napaisip naman ako kung ano ang hobbies ni Jax. Ano nga ba? Maliban sa paglalaro ng basketball at online games wala naman siyang ibang ginagawa kundi magtrabaho.

"Puro lang kasi siya trabaho" sabi ko

"Baka naman katulad din siya ni Val na mahilig sa collectible toys?" -Angie

"O kaya shoes" -Fiona

"Pwede rin wrist watch" -Jessica

Naalala ko naman bigla yung mga nakita kong mga sapatos at relo niya sa walking closet niya. Tumingin ako sa mga kaibigan ko at umiling iling. Umiling ako hindi dahil sa hindi gusto ni Jax iyon kundi dahil hindi ko afford bumili ng mga ganoon.

"Huwag mo nalang kaya siyang ibili ng gift? Ang gawin mo nalang ayain mo siya mag relax, magpa book ka ng hotel sa bora o kaya sa coron" -Jessica

"Mas maganda nga iyong ganoon para may bebetime kayo" -Fiona

"Okay sana kaso masyado siyang busy sa trabaho, parang wala siyang oras para maglibang sa ngayon" sagot ko

"Eh kung sarili mo nalang kaya iregalo mo sa kanya?" Sabi naman ni Angie atsaka tumawa. Ngumiwi naman ako at naalala yung sinabi ni Jax na katulad ng sinabi niya.

"Woy! Hindi masama ah! Isang hot and crazy wild night!" humahagikgik na sabi naman ni Fiona kaya nahampas ko siya, may kalakasan din kasi ang pagkakasabi niya.

"Yes ako sa hashtag na isuko ang perlas ng silanganan at wild night" sabi naman ni Jessica na tumatawa rin sa naisip na kalokohan

"Hindi ko kayo talaga makausap ng maayos ang lala na ng mga ubo niyo sa utak" nakangiting sabi ko nalang.

Napalitan naman ang topic namin na kung saan ang summer destination namin ngayon. Dati kasi iniisip nila na mag travel nalang kami sa Thailand o kaya sa Korea, wala naman problema sa'kin kung doon kami pupunta kasi hindi naman ako mamimili doon kung sakali. Ngayon naman trip nila na libutin ang lahat ng isla dito sa Pilipinas in one month. Sabi sa inyo ihh may ubo sa utak mga kaibigan ko. Sigurado drawing lang din ang magiging lakad namin na'to katulad last year. Kaya nga mas maganda talaga kapag hindi pinqplano mga lakad namin eh, at least natutuloy.

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now