Chapter 9

10 3 0
                                    

Yana's Pov

Six thirty palang nandito na'ko sa school at naghihintay sa mga kaibigan ko.

Unti unti ng dumarami mga estudyanteng paparating pero dahil maaga pa at wala pa naman mga kaibigan ko ay nagpasyang mag open muna ako ng online game ko.

Napadaan ako sa group chat at nag good morning doon.

Facundo: hi baby good morning

Me: aga mo yata nagising? "Facundo

Facundo: Hindi pa ako natutulog baby ang sakit na nga ng ulo ko

Me: bakit di ka natulog? Binabantayan mo sarili mo?

Facundo: nagka problema kasi sa trabaho kailangan kong i supervise at bantayan mga nagtatrabaho para maabot yung quota namin.

Me: ooh.. ano trabaho mo pwedeng malaman?

Facundo: sa production ako pagawaan ng bags, team leader ako

HoneyCoh: good morning pips!

Me: "Facundo sleep ka din pag may time

Me: good morning "HoneyCoh

Facundo: yes baby masusunod po. Diba camping niyo today?

Me: yep! Dito na'ko school now

HoneyCoh: mag jowa pala kayo? Hindi ko alam hahaha ✌️

Me: "HoneyCoh Hindi naka trip lang yan

Facundo: *Butterfinger baby parin kita haha

Adrian: sino single na chix diyan?

HoneyCoh: si Butterfinger at Pink Rabbit yata ang single dito haha

Facundo: Hindi single si Baby butterfinger ko may anak na nga kami eh

Me: Taken na'ko for granted choz!

Adrian: "Butterfinger baka pwede kang maging partner para sa road to forever event? At kung pwedeng totohanin narin natin hehe

Me: matagal pa couple event diba?

Adrian: check mo calendar event start na sa Sunday

HoneyCoh: sa Sunday na yon *Butterfinger

Facundo: will you marry me again baby?

HoneyCoh: excited na nga ako eh! Sana makakuha ako ng rare items

Chineck ko ang calendar event namin at nakitang sa linggo na nga yon.

Me: Hala! Hindi ko alam. Dapat married kana bago abutan ng reset sa sunday kung hindi hindi kana makakasali diba?

Facundo: yes baby kaya pakasalan mo na ulit ako

Adrian: "Butterfinger ako pakasalan mo wala pa akong guardian haha

Me: ehh? Sino sa inyo?

Godfather: good morning guys!

Me: good morning!

Godfather: good morning babe nasa school kana?

Me: yep! Hinihintay ko nalang mga friends ko. Sana lang wag silang ma late.

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now