Chapter 15

8 2 0
                                    

Yana's Pov

Pagkatapos naming mag almusal ay nagsimula na kami sa mga activities namin at ang tanging sinalihan ko lang ay ang snorkeling.

"Sir baka pwede i extend time natin" pakiusap ng ibang kaklase ko

"Oo nga Sir kahit one night pa sunday naman bukas"

"Hindi ko man lang na enjoy pag swimming kabitin"

Marami pang reklamo ang iba pero hindi matinag si Sir Carl sa mga reklamo't pakiusap nila.

"Ayos naba mga gamit mo?" Tanong sakin ni Jessica

"Oo besh okay na kanina pa ang sayo?* Tanong ko din sa kanya

"Okay na kanina pa" sagot nito tsaka humikab "Hindi ako gaanong nakatulog kagabi sa sobrang lamig. Daig ko pa naka aircon"

"Sobrang lamig nga kagabi pati nga kumot ko inaagaw sakin ni Angie eh" natawang sabi ko ng maalala si Angie kagabi

"Naka doble na kumot namin ni Fiona tapos magkayakap pa kami pero ginaw na ginaw parin ako"

"Hoy bat narinig ko pangalan ko?" -Fiona

"Wala sabi ko lang magkayap tayo kagabi sa sobrang lamig" -Jessica

"Huwag mo ng ipaalala besh kapag naaalala ko nilalamig parin ako" -Fiona

"Teka nasaan ba si Angie?" -Jessica

"Sabi siya nalang magtatapon ng basura namin eh kanina pa nga 'yon bat ang tagal niya" sabi ko "buti pa puntahan ko na dun sa tapunan"

"Samahan kana namin at baka pati sarili niya tinapon na din niya" -Fiona

Agad naman namin nakita si Angie sa lugar kung saan tinatapon mga basura. Mukhang may kaaway siya kaya tumakbo na kami palapit sa kanya.

"Anong nangyari sayo?" Tanong ni Jessica kay Angie

"Okay ka lang?" Tanong ko naman habang ineeksamin siya

"Sino ba kaaway mo?" Tanong naman ni Fiona

Sabay sabay naman kaming tumingin sa mga kasama niya

Suminghot singhot naman si Angie at biglang umiyak.

"Ang walangyang si Carreon hinalikan ako!" -Angie

"Ha?!" Sabay sabay na sabi naming tatlo

"Nasaan ang manyakis na iyon?!" Malakas na tanong ni Jessica

Hinanap naman namin si Carreon sa paligid pero wala siya.

Niyakap ko si Angie at pinatahan

"Nandun siya kasama ni Jax" turo ng kasama nila sa tent

Mabilis na pinuntahan namin yung lugar na sinabi nung lalaki at naabutan nga namin sila doon at may mga hawak na sako. Nangongolekta sila ng mga basura.

"Hoy Carreon!" Sigaw ni Fiona kay Carreon tsaka niya ito itinulak

Nagsitinginan naman mga ususero't ususera.

*Bakit ka nanunulak?" Painosenteng tanong naman ni Carreon

"Gago kaba?! Bakit mo hinalikan si Angie?!" -Fiona

"Hindi ko siya hinalikan! Hindi pa ako nababaliw para halikan siya!" -Carreon

Mas lalong lumakas naman ang iyak ni Angie na yakap yakap ko.

"Teka ano bang nangyari?" -Jax

"Hindi mo alam?! Kasama mo yang gago na yan pero hindi mo alam?!" -Jessica

DESTINED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon