Chapter 29

7 1 0
                                    

Yana's Pov

"Diba sa MU ka nag aaral?" Nakangising tanong ni Xabrina sakin

Tumango ako

"May kakilala kasi ako doon mmm alam ko sikat siya baka kilala mo?" Tanong niya

"Anong pangalan at anong course niya?" Tanong ko din sa kanya

"Wait, check ko lang sa facebook nakalimutan ko apelyido niya eh" sabi nito tsaka inilabas ang phone niya "oh! Jewel Marie Martinez" sabi nito

"Ahh" sabi ko tsaka tumingin kay Jax "siya yung may crush sayo diba? Second year Business Administration course" sabi ko kay Jax

"Hindi ko alam" kibit balikat na sagot ni Jax

"Magkaklase ba kayo sa MU?" Tanong naman ni LadyMuffin

"Schoolmates lang third year hrm ako siya naman fourth year na Architecture" sagot ko

"Ohh nice" nakangiting sabi naman niya

"Anong fb mo Butterfinger ng ma add kita" sabi naman ni Sophieee

"Search niyo nalang Yana Asuncion, marami akong ka name eh lagyan mo nalang ng Butterfinger para makita mo agad" nakangiting sabi ko

Nakita ko naman sinearch nilang lahat ang pangalan ko at unang nag react si Francis

"Ini add na kita accept mo'ko ha?" -Francis

"Ba't mo ni lock ang profile mo sis stalk pa naman sana kita" sabi naman ni Pink Rabbit

"Si Jax nalang stalk mo naka public naman account niya" pagbibiro ko

"Ano name niya sa fb?" Excited na tanong naman niya

"Jax Pineda" marami rin siyang ka name at yung iba fake account" sabi ko

"Idagdag mo rin Yana's Husband baka makatulong" sabi ni Jax na ikinatawa ko

"Tanggalin mo nga iyon nakakahiya sa mga makakabasa" mahinang sabi ko sa kanya

"Bakit ka mahihiya diba sabi mo nga noong ikasal tayo proud ka na tawagin akong husband" panunukso nito. Kinurot ko naman ang tagiliran niya lagi nalang kasi niyang panukso sa'kin iyon.

"Omg! Bakit ang dami mong followers?" Namimilog na matang tanong ni Bluemoon na sinearch din pala si Jax

"Di ko din alam eh si Yana lang naman pinopost ko na maganda" sagot ni Jax na iknainit ng mga pisngi ko

"Tumigil ka nga" sabi ko at kinurot ang legs niya napapangiwi naman siya sa sakit pero nakuha parin tumawa

"Ayiiie ang sweet" sabi ng mga kasama namin

"Sorry ganyan talaga siya" nahihiyang sabi ko tsaka pinaningkitan siya ng mata

"Nandito na yata order mo Jax" puna naman ni Blizzards

Pumasok nga ang mga waiter dala yung pagkain na inorder ni Jax at inilapag iyon sa mesa namin.

"Wow ang dami naman!" Sabi nila

"Kain lang enjoy" sabi naman ni Jax at kumuha agad ng sugpo at pinagbalat ako

"Ang dami naman ng inorder mo mauubos ba natin 'to?" -HoneyCoh

"Mauubos yan ni Yana" tumatawang sagot naman niya at nagsitawanan narin sila nilagay naman ni Jax sa plato ko yung binalatan niyang sugpo at kumuha pa ulit ng isa.

Kinain ko naman agad yung sugpo at kumuha ng gimbap at sinubo naman sa kanya.

"Asikasuhin mo sarili mo kumain kana din" sabi ko

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now