Chapter 44

7 1 0
                                    

Yana's Pov

"Anong ginagawa mo?" Basa ko sa text ni Jax. Mabilis naman akong nagreply sa kanya at muling tinignan ang mga kaibigan ko na busysa pagpili ng kulay ng lipstick na bibilhin.

"Kumain naba kayo?" Reply ni Jax

"Hindi pa, mukhang hindi pa gutom mga kasama ko eh" sagot ko

"Mmm.. hintayin mo'ko sabay na tayong mag lunch" napangiti naman ako at nag type ng irereply ko

"Aye aye captain!" Reply ko. Nakita ko naman na na seen niya iyon kaya binalik ko na ang atensiyon ko sa mga kaibigan ko.

Nasa mall kami ngayon ng mga friends ko at naghahanap ng mabibili. Wala naman talaga kaming particular na gustong bilhin kaya window shopping lang talaga. Kapag may nagustuhan edi go! Kaso 'di applicable sa'kin, unang una 'di ako mayaman katulad ng mga kaibigan ko, pangalawa, nag iipon ako para sa legendary equipment na bibilhin ko sa nilalaro ko sa online at pangatlo, hindi naman ako basta basta gumagastos lalo na kung hindi ko naman kailangan at makakain.

"Besh try mo'to feeling ko bagay ang kulay sa'yo" sabi ni Fiona hawak ang isang kulay peach na lipstick.

"Huwag na hindi ko pa nga nagagamit yung ibang binigay niyo sa'kin" tanggi ko

"Hay na'ko, for sure aamagin at ma e-expired lang mga 'yon katulad nung setting spray na binigay ko galing Thailand" sabi naman ni Jessica

"Pagkain nalang kasi ang ibili niyo sa kanya sasaya pa siya. Yung donut soap nga na binigay ko sa kanya kinagatan niya akala makakain niya" sabi naman ni Angie

"Speaking of pagkain, otw na si Jax ititreat daw tayo ng lunch" sabi ko

"Aww! Makakasabay natin ulit siya mag lunch!" Malapad ang ngiti at kinikilig na sabi naman ni Fiona na niyakap pa ang sarili.

"Grabe ka besh, katabi mo lang jowa niya oh! Kung nakikita kalang din ng jowa mo ngayon baka nasapak kapa niya" -Angie

"Makapagsalita ka obvious naman na exited karin makasabay kumain si Jax" -Fiona

"Magsitigil na nga kayo, mabuti pa maghanap na tayo ng makakainan at sabay sabay tayong kiligin habang kumakain mamaya" sabi naman ni Jessica na pumagitna sa dalawa at nilingkis ang mga braso nila.

"Sorry besh alam namin na jowa mo si Jax pero bago mo siya naging jowa naging jowa ultimate crush na namin siya" sabi naman ni Fiona

"Oo na, okay lang naman sa'kin kahit pgpantasyahan niyo siya, ang cute niyo kayang tignan. Sa huli naman ako parin naman panalo dahil sa'kin parin ang bagsak niya" pagsakay ko naman sa kanila at binelatan sila.

"Ay grabe! Ang lakas ng hangin kumapit kayong mabuti baka liparin tayo ng bagyong Yana" sabi naman ni Angie na ikinatawa ko. Parang mga baliw na nagsiksikan naman silang tatlo at mahigpit na nagyakapan ng mga braso habang naglalakad palabas ng store na pinasukan namin. Tawa naman ako ng tawa sa kanila hanggang sa makarating kami sa food court.

"Babe nandito na'ko nasaan kayo?" Tanong ni Jax habang kausap ko sa cellphone.

"Nasa second floor sa food court, sa sizzling steak. Anong gusto mo para masabay ko na sa order ko?" Sagot at tanong ko sa kanya

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now