Chapter 6

12 2 0
                                    

Yana's Pov

Dahil sa nangyaring paghatid samin kahapon nila Jax ay maraming lumabas na mga pictures naming lahat na nagsikalat, pati nga ako napadalhan nila. Hindi ata nila alam na kasali rin ako sa group chat at talagang pinag tsitsismisan nila kami doon.

"Wish ko lang talaga may gusto talaga sayo si Jax para mas lalong mainggit ang mga tsismosang mga 'to" Sabi ni Jessica habang nagbabasa ng mga chats sa gc ng mga kaklase namin.

"For sure di lang sa department natin kalat mga pictures hindi na ako magtataka kung lalabas tayong kalbo mamaya pag uwi natin" Sabi naman ni Angie

"Naiiyak ako sa inggit sa inyo sana pala hindi na'ko nakipag meeting kahapon edi nakasama rin ako sa inyo" maluha luhang sabi naman ni Fiona.

"Grabe besh ang lambot ng kamay ni Jax" pang iinggit pa lalo ni Jessica kay Fiona

"Waaahhh! Gusto ko din makipag shake hands sa kanya ang daya niyo!" Tuluyan nalaglag mga luha sa mga mata niya. Binigyan ko naman siya ng tubig.

"Diba sila yung kasama nina Jax kahapon?" Dinig kong sabi ng isang babaeng dumaan sa kasama niya.

"Oo sila yon balita ko nga jowa daw ni Jax yung isa si Yana. Hmp! Di naman pala siya maganda" sagot naman ng kaibigan niya

"Hiyang hiya naman ako sa itsura mong mukhang paa ka" biglang tumayo si Angie, narinig rin pala niya ang dalawang babae. "Kung ikukumpara ka sa mukha ng kaibigan ko kahit ingrown di ka papasa!" Turo nito sa babaeng nagsabing di naman ako maganda

Tumayo naman ako at hinila paupo si Angie dahil mas marami ng tumitingin sa amin ngayon. Ayoko rin ng eskandalo.

Parang natakot naman yung dalawang babae ng magsitayuan din sina Jessica at Fiona na mukhang handa na sa gyera.

Walang sabi sabing nagmadaling umalis yung dalawang babae palabas ng cafeteria.

Dahil sa nangyari mas marami ng tumitingin sa amin ngayon. Hindi naman ako nakatiis at inaya na mga kaibigan kong bumalik na sa classroom namin.

*****

"Girls totoo ba yung kumakalat na balita na isa sa inyo ang girlfriend ni Jax?" Tanong ni Mia na kaklase namin.

"Fake news, wish ko lang jowa ko siya" sagot ni Angie kaya tumingin lahat mga kaklase namin at pinalibutan pa kami

"Sabi na nga ba hindi totoo eh" masayang sabi naman ni Erlyn na parang nabunutan ng tinik sa dibdib

"Bakit kasama niyo sila kahapon?" Usisa ng isa pa naming kaklase

"Mahabang istorya pero to make the story short ganito kasi yon" Sabi ni Jessica at nag simulang mag kwento

"Ohh! So ibig sabihin hindi si Jax nag aya sa inyo kundi si Val! At hinatid lang nila kayo dahil gentleman sila"

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now