Chapter 31

8 2 0
                                    

Yana's Pov

Dahil malapit na kaming mag one month ni Jax hindi ko alam kung anong gagawin ko. I mean ignore ko nalang ba o need ko siya i surprise at bigyan ng gift?. May nabasa kasi ako sa facebook na hindi naman importante yung mga monthsary lalo na kung one month palang. Mas bigyan nalang daw ng pansin ang 100 days at one year aniversary.

Sabi naman ni Jessica kahapon bigyan ko daw ng gift si Jax pero sabi ni Fiona huwag daw at hayaan kong si Jax ang magbigay sakin ng gift. Ang tanong naman ni Angie ay kung alam ba o natatandaan ni Jax na monthsary namin? Pero mag ready parin daw ako ng gift if in case na maalala niya at ayain ako na mag date. Pero huwag ko daw ibibigay gift ko hanggat hindi ako binibigyan ng gift.

Napabuntong hininga nalang ako at naghanap sa online kung anong pwedeng i gift ko kay Jax. Feeling ko lahat meron na siya kaya ang hirap niyang hanapan ng regalo.

"Bunso" kumakatok sa pintuan na tawag sakin ni Kuya Enzo

"Bakit?" Tanong ko

"Samahan mo nga ako sa supermarket may pinapabili si Mama hindi ko alam yung mga pinapabili niya" sagot nito sa labas ng pintuan ko

Bumuntong hininga ulit ako

"Sige lalabas na" sabi ko at sinara ang laptop ko

Nagpalit narin ako ng damit dahil naka panjama na ako. Bakit kasi ngayong gabi na tsaka pa nila naisip mag groceries.

Bumaba agad ako at naabutan sina Mama sa sala, naka ready narin si Kuya dahil hawak nito ang susi ng kotse niya.

"Ano bang bibilhin natin?" Tanong ko

"Bumili kayo ng strawberries at sangkap para sa panna cota, nag rerequest yang Kuya mo daig pa naglilihi" sagot sakin ni Mama

"Yun lang ba?" Tanong ko pa

"Binigay ko sa kuya mo yung listahan kuhanin mo nalang sa kanya"

Tinignan ko si Kuya at nilahad kamay ko. Inabot naman niya sakin yung listahan at nauna na akong naglakad palabas sa kanya.

"Ba't ang dami akala ko konti lang" maktol ko habang sakay sa kotse ni Kuya.

"Ba't di mo kay Mama sabihin yan?" Sagot naman ni Kuya Enzo sa'kin

Pinaikot ko nalang eyeballs ko at inirapan siya.

*****

Habang hinahanap mga pinapabili ni Mama ay naagaw naman ng pansin ko ang cake flour. Wala naman sa listahan yon pero ewan ko ba at basta nalang nilagay iyon sa cart namin ni Kuya.

Nang masiguradong nabili na namin lahat ng kailangan naming bilhin ay pumila na kami sa counter.

"Hey bro!" -someone

"Uy! Musta?!" -Kuya na nakipag fist bump pa

"Okay lang ikaw brad kumusta? It's been quite sometime since we last saw each other"

"Oo nga eh okay lang ikaw ba?" -Kuya

"Okay lang din heto bumibili ng stock para sa condo puro instant at tinapay nga lang haha" Sabi ng friend ni Kuya at napatingin siya sa'kin

"Kami din ng kapatid ko" sabi ni Kuya na inakbayan ako "nga pala Yana siya si Joaquin kaibigan ko nung High School, Joaquin kapatid ko si Yana" pakilala ni Kuya samin

"Hi" bati ko tsaka siya nginitian

"Hello" nakangiting sabi din niya tsaka muling tumingin sa Kuya ko "Hindi ko alam na may babae ka palang kapatid akala ko kanina girlfriend mo" saad nito

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now