Chapter 1

63 4 1
                                    

"Yana's Pov

Ala singko y medya na at hindi parin tumitila ang buhos ng ulan, wala naman sa balitang may bagyo o paparating bagyo kaya hindi ako nagdala ng payong. Argghh sana lang may makita akong kaibigan at alukin akong isabay sa payong niya.

Halos kalahating oras na akong naghihintay at nakatayo sa labas ng school library. Yung mga nakikita kong lumalabas galing sa loob na walang dalang mga payong ay may mga kanya kanyang sundo. Sinubukan ko narin tawagan si Jessica na kaibigan ko pero nasa bahay na daw ito, hindi ko naman masabi na nandito pa ako sa school at stranded dahil walang dalang payong kaya hinayaan ko nalang. Malayo din kasi ang bahay nila.

Sinubukan ko rin tawagin si Angie pero out of coverage area, si Fiona naman kasama daw ang jowa. Napatingin ako sa langit at napabuntung hininga nalang. Mukhang magtatagal pa ang ulan at kung maghihintay pa ako siguradong aabutan ako ng dilim o baka nga di pa huminto. Wala na akong choice kundi lusungin ang malakas na ulan, tatakbuhin ko nalang hanggang makarating sa sakayan.

Huminga muna ako ng malalim at nilagay ang bag ko sa taas ng ulo ko para gawing panangga sa ulan bago nakigaya sa ibang estudyanteng tumatakbo sa ulan. Wala pa sa tatlungpung segundo ang ginawa kong pagtakbo ng biglang may humawak sa balikat ko na nagpatigil sakin.

Pagharap ko kung sino humawak sa balikat ko ay nagsalubong ang mga mata namin ni Jax. Ilang segundo akong natulala sa mukha niya at nagbalik lang sa wisyo ng tumikhim siya. Agad ko naman iniwas ang paningin ko at kahit malamig ang panahon ay ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko.

"Saan ba ang punta mo at ihahatid na kita" sambit nito

"Ah eh p-pauwi na po sana" nabulol na sagot ko na nagpakagat ng mariin sa labi ko

"Hatid na kita sa sakayan para hindi ka mabasa" mabait na alok nito

"Salamat" mahinang sabi ko at bahagyang ngumiti

Habang naglalakad kami ay may mga estudyanteng tumitingin sa amin, yung iba halatang pinag uusapan kami. Napayuko nalang ako at lumayo ng konti kay Jax dahil nagbabanggaan ang mga braso namin.

"Hindi kaba komportable? Pasensiya na maliit lang kasi itong payong ko" sabi nito na medyo tumawa

"O-okay lang po" mabilis kong sabi

Pinagpatuloy namin ang paglalakad at medyo nakakahinga na ako ng maluwag dahil di na nag kikiskisan mga braso namin. Sumulyap ako sa kanya at nakita kong seryoso ang mukha niya na nakatingin lang sa dinadaanan namin. Napahawak naman ako sa hawak niyang payong at inilapit ito sa kanya, halos kalahati na kasi ng katawan niya ang nababasa.

Napahinto naman kaming dalawa sa paglalakad at napatingin sa kamay ko na nakahawak parin pala sa kamay niya kung saan siya nakahawak sa hawakan ng payong. Nanlaki mga mata ko at literal na napanganga at mabilis na inalis ang kamay ko sa pagkakahawak sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niya akong kabigin palapit sa kanya na naging resulta ng pagdikit ng katawan naming dalawa. Napahawak ako sa katawan niya habang nakadikit ang kaliwang pisngi ko sa dibdib niya.

Dug dug dug dug hindi ko alam kung sa akin pa nanggagaling ang tunog na yon o sa kanya, ang lakas at ang bilis. Nang makabawi ako sa gulat at para narin iiwas ang sarili ko sa mas malaking kakahiyan na baka marinig niya ang kabog sa dibdib ko ay nilayo ko na ang katawan ko sa kanya.

"Okay ka lang ba?"

Napatingin ako diretyo sa mga mata niya at makikita doon ang pag aalala sa mukha niya.

"Muntik kana kasing tamaan ng bisikleta kaya kinabig kita" dagdag pa nito tsaka may tinignan, sinundan ko naman 'yon ng tingin at may nakitang papalayong bisikleta.

DESTINED TO BE YOURSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon