Chapter 2

17 3 0
                                    

Yana's Pov

"Omg! Si Jax" sabi ni Angie na nasa tabi ko kaya napatingin ako sa tinitignan niya

Naglalakad si Jax kasama mga kaibigan niya habang may hawak na bola, mukhang papunta sila sa gym para maglaro ng basketball.

Napatingin ako sa hawak kong payong, halos isang linggo ko na yon dinadala at gustong isauli sa kanya kaso nauunahan ako ng hiya kaya hindi ko siya pinupuntahan sa classroom nila. Hanggang ngayon ay naghihintay parin ako ng tamang tyempo para isaoli ang payong niya.

"Tara na" hila ko kay Angie dahil natulala na siya kina Jax

Kilala si Jax bilang campus prince charming, graduating student na siya at kumukuha ng Architecture.

"Teka lang minsan ko lang siya makita eh" pumupuso ang mga matang sabi nito habang hila ko siya at nakatingin parin kina Jax

Tumingin naman ako kina Jax at nagkabanggaan paningin naming dalawa. Ngumiti ito sa akin at ako naman ay iniwas ang mga mata at nagmadaling maglakad.

"Nginitian niya ko besh!" Halos tumili ito sa tenga ko at kilig na kilig

"Ako ang nginitian niya hindi ikaw" nakangiting sabi ko

Huminto naman kami sa paglalakad at hinarap niya ako.

"At kelan kapa natuto ng ganyan ah! Akala ko ba di mo bet si Jax ah?" Sabi ni Angie sakin

"Wala akong sinabing di ko siya bet hindi lang ako sumasali sa kabaliwan niyo sa kanya" nginitian ko siya at muling hinila para ituloy ang paglalakad.

"Grabe kaloka ka" sabi nalang niya tsaka nito pinaikot eyeballs niya. Tumawa naman ako ng mahina

"Nga pala besh sasama kaba sa camping next week?"

"Hindi ko alam eh baka gawin ko nalang yung project na pinapagawa nila sa mga di sasama" balewalang sabi ko

"Sama kana din! Nakausap ko na sina Fiona at Jessica sasama daw sila eh tsaka ayaw namin gumawa ng project"

"Alam mo naman hindi ko hilig yang ganyan ganyan eh" sabi ko

"Jusme besh third year na tayo at kahit minsan di kapa sumama sa camping pwede ba kahit ngayon lang sumama kana?"

"Hoy hindi ah! Sumama nako nung elementary ako tsaka may camping naman next year dun nalang siguro ako sasama"

"Alam mo nakakaloka ka talaga" sabi nito

*****

"Buti naman nandito na kayo akala namin doon pa kayo sa kabilang university bumili ng snacks natin" sabi ni Fiona

"Si Angie kasi natulala nung nakita si Jax" nakangiting paninisi ko kay Angie tsaka umupo sa upuan ko.

Vacant time namin ngayon at nag prisinta ako na ako nalang bibili ng snacks namin dahil ayaw din nilang lumabas dahil mainit daw. Sumama naman sakin si Angie para tulungan daw ako.

"Talaga nakita niyo si Jax?! Nasa cafeteria ba siya? Omyghad!" Sabi naman ni Jessica na isa rin sa mga fan ni Jax

"Sa labas ng building lang kasama mga friends niya parang papunta sila sa gymnasium may dalang bola eh" sagot ni Angie

Napatingin naman kami kay Fiona na biglang sinukbit ang shoulder bag niya sa balikat at kinuha ang isang milk tea na binili namin ni Angie na may pangalan niya.

"Anong tinitingin tingin niyo diyan? Tara na sa gymnasium sigurado maraming tao na niyan doon kaya bilisan niyo para sa makakuha ng magandang spot na kitang kita si papa Jax" sabi nito

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now