Chapter 33

7 2 0
                                    

Yana's Pov

Alas dos y medya ng madaling araw ng makatulog ako. Nagising naman ako eksakto alas singko dahil naiihi ako. Gusto ko pa sanang matulog kahit isang oras pa pero hindi na ako dalawin ng antok.

Napag isipan kong bumaba nalang at gawin yung cake na naisip ko. Bukas na kasi ang one month anniversary namin ni Jax. Wala kasi akong ibang maisip na ibigay sa kanya kaya mag b-bake nalang ako ng peanut butter chocolate layer cake na may Reese's at Butterfingers. Ako talaga ang may gusto sa cake na gagawin ko pero gusto kong i share sa kanya ang mga bagay na gusto ko. Sana lang talaga magustuhan niya.

Nasa kalagitnaan palang ako ng paghalo sa mga sangkap ng bumaba si Mama at makita ang ginagawa ko. Gusto pa nga niya akong tulungan pero ang sabi ko kaya ko na. Kaya naman nagluto nalang siya ng breakfast namin.

Mabilis dumaan ang mga oras at six thirty na pala. Sakto naman tapos na ang pag bake ko sa cake. Gagawin ko nalang mamayang pag uwi ko ang design para tuluyang matapos ko na siya.

Mabilis akong naligo at ng pagbaba ko ay naabutan ko na si Jax doon at kausap si Mama. Ngumiti ako sa kanya ng magtama ang mga mata namin at tumayo naman siya at hinintay akong makalapit sa kanila bago ito nag good morning sa'kin.

"Sabi ko sayo huwag mo na akong sunduin at mag breakfast ka kasama ng family mo diba?" Sabi ko sa kanya

"Nakasabay ko naman silang nag dinner kagabi kaya ayos lang, nag paalam din naman ako kay Mommy bago umalis" sagot nito

"Buti hindi ka kinulit sabayan sila mag breakfast. Anong oras ka umalis sa inyo?"

"Mga 5:30 na yata ako nakaalis, tsaka sinabi ko kay Mommy na susunduin kita at sabay tayo mag b-breakfast kaya hindi na siya nangulit." -Jax

"Luh! Ginawa mo pa akong dahilan nakakahiya sa Mommy mo"

"Nakahanda na ang mesa halina kayo dito at kumain na, mahuhuli kayo sa klase niyo" tawag naman ni Mama sa'min

"Lika na" nakangiting sabi ko

"Pagpasensiyahan mo na ang almusal namin at iyan lang ang nailuto ko. Akala ko kasi may longganisa pa kami at tapa, hindi ko alam na kokonti nalang pala" Sabi ni Mama na nilagyan ng longganisa at tapa yung plato ni Jax

"Ayos lang po Tita sobra sobra na po ito, nakakahiya tuloy sa inyo" Sabi naman ni Jax

"Sige na kumain kana huwag kang mahihiya" sabi ko naman na nilagyan ng kanin ang plato niya at isang itlog "gusto mo ng corned beef?" Tanong ko pa sa kanya

"Okay na'to babe baka 'di ko maubos, kumain kana din" sagot naman niya at nilagyan din ang plato ko ng isang itlog.

Wala pang limang minuto ay sunod sunod ng magsibabaan ang mga kapatid ko. Sumabay na sila sa'min mag almusal at masiglang nakipag kwentuhan kay Jax. Inaya pa nga nila ito na mag basketball mamaya at agad naman pumayag si Jax. Sana lang hindi siya maging busy mamaya.

***

"Babe nakikinig kaba?" Tanong nito sa'kin kaya napatingin ako sa kanya "tinatanong kita kung kumusta na ang lakad niyo kahapon ng mga kaibigan mo. Ayos ka lang ba?" Tanong pa niya

Bigla ko naman naalala yung nakita namin kahapon ng mga kaibigan ko. Siguro ito na ang tamang pagkakataon para tanungin siya patungkol doon. Isa pa siya naman nagbukas ng topic.

"Ahh! Yun ba? Okay lang naman bumili kami ng gift para sa pamangkin ni Fiona mag b-birthday kasi sa sabado at ininvite kami. After nun pumunta kami sa Wildflour Cafe" Sabi ko at tinignan ang reaksyon niya.

Gusto kong sabihin nito na nandoon din siya kahapon at sabihin kung sino kasama niya pero bigo ako. Nakatingin lang kasi ito sa daan.

"This saturday ba? Saan daw ng masundo kita" tanong nito at tumingin sa'kin

DESTINED TO BE YOURSWhere stories live. Discover now