Chapter 30

8 1 0
                                    

Yana's Pov

Kanina ko pa napapansin pananamlay ni Jax. Hindi siya gaanong namamansin hindi tulad ng dati. Hindi ko na napigilan sarili ko na magtanong sa kanya.

"Jax may problema ba?"

Tumingin lang siya sakin at umiling

"Alam ko meron kaya magsabi ka"

"Babe wala may iniisip lang ako"

"Edi sabihin mo sa'kin kung ano iniisip mo"

"Wala lang 'to huwag mo nalang intindihin"

Tinitigan ko nalang siya habang kumakain.

"K" Sabi ko nalang at hindi na nga siya pinansin

Tahimik lang kaming pareho hanggang sa matapos kaming kumain. Dahil wala naman kaming pinag uusapan kaya nag aya na akong bumalik sa classroom namin. Nagulat naman ako dahil hindi siya tumanggi dati kasi kulang nalang mag cut ako ng class para ma extend lang yung time namin.

Tahimik parin kami na sabay na naglalakad. Hindi rin siya naka hawak sa kamay ko na lagi niyang ginagawa at ilang pulgada din ang layo namin sa isa't isa.

Alam kong may mali pero ayokong magtanong baka sabihin pa niya paranoid lang ako.

"Dito nalang huwag mo na akong ihatid para hindi ka masyadong malayuan pagbalik mo sa building niyo" sabi ko

"Okay lang hatid na kita" -Jax

"Huwag na! Sige na kaya ko na!" Sabi ko sabay talikod at mabilis na naglakad palayo

Gusto kong maiyak dahil sa ginawang pagtrato ni Jax sakin ngayon. Hindi naman kasi siya ganoon dati. Akala ko pa naman susundan niya ako pero akala ko lang pala talaga.

"Uy besh ano minumukmok mo diyan?" Lapit sakin ni Jessica

"Wala okay lang ako" pilit akong ngumiti

"Wala pero parang isang tanong pa sayo kung okay ka lang ay iiyak kana. Huwag mong sabihin nag away kayo ni Jax?"

Yumuko nalang ako at umiling.

"Gagong iyon! Matawagan nga!"

"Huwag! Huwag na, hindi kami nag away" pigil ko sa kanya

"Eh bakit lukot ang mukha mo parang maiiyak kana"

"Ano kasi.. ang cold kasi niya sa'kin ngayon hindi naman kasi siya ganoon dati"

"Paanong cold ba?"

"Hindi niya ako pinapansin"

"Nagpapapansin ka ba?"

Umiling ako

"Hindi. Pero ang tahimik kasi niya hindi niya ako kinakausap"

"Besh naman baka may problema jowa mo, kinamusta mo ba? Tinanong mo ba siya?"

"Tinanong ko siya kung may problema siya sabi wala naman daw huwag ko daw intindihin"

"Alam mo besh hindi porket siya ang lalaki siya lang maglalambing lalo na kapag ganyan na parang may problema siya. Try mo lambingin tanungin mo siya kung ano maitutulong mo para mapagaan loob niya. Isa pa besh napansin ko ang lambing ng jowa mo sayo pero ikaw ang tigas mo. Jusko besh pinapaalala ko lang sayo ah! Si Jax ang jowa mo ang dami kaya may gusto sa kanya. Sige ka baka maagaw yan ng iba"

"Malambing naman ako sa kanya ah tsaka kapag nambabae siya bahala siya"

"Sige nga besh define malambing? Anong lambing ginagawa mo para sa kanya? Swerte niyo nga ni Fiona sa mga jowa niyo nakikita ko na mahal na mahal nila kayo. Ang pinagkaiba niyo lang ni Fiona pinapakita niya kay Kenneth na mahal niya siya kahit sinusumpong ang topak niya"

DESTINED TO BE YOURSWo Geschichten leben. Entdecke jetzt